Rakstar Man, May Puso Din
Katatapos lang ng concert ng Incubus sa Araneta nung nakaraang Hulyo, 28. ‘Tang ina floyd, walang kasing-headbang talaga ‘pag live concert. Hindi mo iisipin ang pagod sa biyahe, walang kamatayang trapik, lintik na ulan na umeepal ‘pag ‘di mo kelangan at parusa ng apat na oras na paghihintay. Hindi mo pagsisisihan ang pagbili mo ng ticket na presyong ginto. Basta iisa ang nasa utak ko ng mga oras na ‘yon---makikita ko na rin sila ng LIVE, sa wakas. Pucha mula pa hayskul fanatic na ko ng wakanginang banda na ‘yun. Andito na rin ako sa metro manila naninirahan, palalampasin pa ba ang pagkakataon? Aaminin ko na first time ko makatuntong sa Araneta. Kahit fan ako ng basketbol eh hindi sumagi sa isip ko na manuod ng PBA. At dahil sa tatanga-tanga ako sa direksyon eh paulit-ulit kong tinatanong ang katabi ko sa bus kung malapit na ba ang Araneta o malapit na kong maligaw. Mabuti na lang at maaga-aga ako dahil tulad ng inaasahan, mahaba na ang pilya sa takilya. May kani-kaniya pang entra