Word War 1
May mali sa paggamit ng salitang ‘salvage’. Base sa term ng media, ‘to kill’ ang meaning nito, malayong-malayo sa tunay na meaning galing sa urban dictionary o thesaurus. ‘To reclaim’, ‘to retrieve’ at ‘to save’ ang tunay na meaning nun. Malayong-malayo sa konsepto ng nakasanayan nating term pag nababasa natin sa mga tabloids, naririnig sa radio o napapanuod sa tv. Basta, opposite ng ‘save’. Eto sa totoo lang, medyo comedy tayo sa paggamit ng mga salitang araw-araw na natin ginagamit pero binibigyan lagi natin ng ibang meaning. Nang ibang term. Opposite sa tunay na meaning. Halimbawa, ang salitang ‘ingat’ e madalas nating ginagamit bilang panggap na agimat sa mga taong nagpapaalam sa’tin. “Sige tol, ingat…”. Pero kung bibigyan ng ibang meaning, lalo na kung pabiro, maaaring gawing panakot o pangongonsensya. “Sige, ingat a?” [ngiting demonyo at matang mapungay]. Puwedeng positive, pero iba ang impact sa sinabihan. Puwedeng advanced warning, o pinapaalala niya lang sa’yo na baka m