E Kung Daanin Kaya Natin sa Reality Show ang Eleksyon?
Ang gulo ng eleksyon no? Lalo na yung mga kakandidato. Yung susunod na uupo sa ‘upuan’, sabi nga ni Gloc-9. Kaya yung mga atat at gusto ng kapangyarihan, lahat na ng pagpapapogi at pagpapapansin sa media, ginawa na nila. Assorted nga yung mga tatakbo. May pabebe na atras-abante ang desisyon. May alanganin ang ‘nationality’. Merong talunan noon na tatakbo ulit ngayon. Merong papogi na dating tambay ng palengke, at meron namang nilalait ang sarili sa ‘paid advertisement’ para makuha ang sympathy ng masa. Sa seryosong usapan, malaking bagay ang plataporma at mga ‘nagawa’ ng isang kandidato kung balak nitong sumunod na presidente. Sa kalokohang prinsipyo naman, useless lahat yan. Ang batayan daw ng tunay na lider e nakukuha sa pagpapapogi sa media habang ginagatungan ng mga artista na sanay sa talent fee. Base yan sa paniniwala ng mga ayaw ng pagbabago at tamad mag-research na botante. At yan na nga ang resulta ng mga nakaraang eleksyon. Nananalo ang mga hindi naman talaga dapat man