Ligawan: Paano at Bakit?
Isa sa dati kong katrabaho ang humingi ng advice sa’ken
para dumiskarte sa crush niya. Katrabaho din namin. Matagal-tagal na niyang
gusto ito, pero matagal-tagal na ring umuurong ang dila niya tuwing
magkakaharap sila ni babae. Ang tanong niya e paano daw ba niya sisimulan ang
panliligaw. Sinabi ko na lang na ‘old school’ style ang gawin niya: abutan ng
rosas at chocolate.
Ang problema, hindi niya raw kaya dahil nahihiya siya at
wala daw siyang budget. Medyo natawa ako. Di ko alam kung nagpaparinig ba siya
o sadya lang talagang torpe. Kaya ayun, pagkalipas ng ilang buwan, may dyowa na
yung crush niya. At ayon sa tsismis, pumayag daw magpaligaw yung babae nung
isang beses inabutan ito ng rosas at chocolate.
Sayang. Ganda pa
naman ng advice ko.
Real talk: isang boses ko pa lang nagawang mag-abot ng rosas
at chocolate sa panliligaw ko nun. At effective nga. Naging dyowa ko siya, pagkalipas
ng ilang panunuod ng sine, pagkain sa labas at ilang registration ng unli-call
at unli-text.
No doubt, isang malaking challenge ang umpisa ng ligawan. Gaya
ng eleksyon, kelangan mong mag-invest o maglabas ng pera. Pero dahil wala ka
namang hawak na kaban ng bayan, pagtitipid ang unang solusyon sa budget. Kelangan
makuha mo din ang atensyon ni babae, tapos saka ka magpakitang-gilas kung
saka-sakaling pumayag na siyang kumain sa labas, sa unang yakag pa lang. Kung
maging maganda ang resulta, tuloy-tuloy na yung hanggang sa hindi mo
namamalayan, kayo na pala.
Well, happy ending yun. Pero hindi naman lahat ng
nagpapaligaw e may assurance na sasagutin ka. Tandaan: meron talagang paasa at
sadyang malandi.
Pero kahit saang anggulo mo man tingnan, ang isang love
story ay nagsisimula sa ligawan. Period. Unang hakbang papuntang true love. Pero
kung naka-sex na agad ni manliligaw si liligawan nang wala naman silang
relasyon o anumang commitment, hindi ko na alam ang tawag dun. Swerte? Puwede. Kalandian?
No comment. Lasing lang? Sure, kwento mo sa pagong.
Bakit nga ba kelangan
pang dumaan sa ligawan portion?
Gusto mo siya, gusto ka niya, hindi ba puwedeng ‘go’ na
agad? Kelangan talaga manligaw/magpaligaw muna?
Noong mga panahong hindi pa ganun ka-meaningful ang malisya
sa utak ng tao, ang pagkakaron ng partner sa buhay ay nagsisimula sa maraming
paraan. Set-up ng mga magulang. Si anak na bunso e irereto sa bunsong anak din
ng kapit-bahay. Pero bago yun, kelangan munang may patunayan si lalake para
makuha ang loob ng mga magulang ni babae. Malaking advantage ang pagiging
magaling na hunter o mangagaso nun. Ibig sabihin, may ipapakain si lalake kay
babae at dagdag pogi-points yun para sa mga magulang.
Noong mga panahong trending pa si Maria Clara, ang klasikong
pagsisibak ng kahoy, pag-igib ng tubig sa balon at panghaharana ay ilan lamang
sa mga diskarteng-Pinoy na bentang-benta sa mga chicks noon. Maghapon yun,
tapos sa gabi naman e magba-bonding sila sa sala, sa tabi ng mga magulang, kung
saan e mauubos lang ang oras sa pagpapa-cute at palitan ng malalagkit at
malisyosong tingin. Kung ano man ang topic ng usapan nila, hindi ko rin alam.
Walang holding hands, walang akbay-akbay at walang first base kiss. Bahala na
sila kung saka-sakaling bigyan man sila ng oras para makapag-usap, ng walang
nililinis na baril o hinahasang itak.
Ngayon, high-tech na ang panliligaw. May mga relasyong nabuo
lang dahil sa nag-like, nag-comment o buong-landing in-add ang estrangherong
opposite sex dahil sa nakalitaw na abs at litaw na cleavage. Thru social media
na ang pakikipagkapwang-tao, to the point na nakakalimutan na ang pagiging
conservative at hard to get para magpaligaw. Yung iba nga e, unli-call o text
lang ang katapat. Konting value meal, konting sine, tapos. Minsan ang meeting
place pa sa pulang building. Accelerated process, wala ng ligawan. Bahala na
ang prinsipyong M.U.
Formality at respeto ang proseso ng panliligaw. Formality,
dahil kailangan munang i-approve at i-verify kung gusto ka niya, at kung
magpapaligaw siya. Respeto, dahil hindi mo siya pag-aari, at wala pang
karapatang pangunahan sa anumang desisyon, mapa-okey man o basted. May kanya-kanya
man style sa panliligaw, nasa lahi pa din naman ni eba ang huling halakhak. Kahit
masungkit mo man ang bituin sa outer space o magpakalunod ka man sa lava ng
bulkan, kung hindi ka niya type, hindi ka uubra. Tandaan, ang panliligaw ay
parang pagpapasa pa lang ng resume sa kumpanya. “Don’t call us, we will call
you…”.
Magkaiba ang ‘courtship’ sa ‘dating’. Ang pa-date-date ay
para lang sa mga taong allergic sa commitment. Nangangati lang. Nagpapa-yummy
at nagpapa-macho. Ang courtship ay kumikilala sa commitment at kasal. Naghahanap
ng true love at gustong basagin ang katagang ‘walang forever’. Ngayon kung
itatanong mo naman kung puwede bang pagsamahin ang panliligaw sa pagde-date,
puwede naman. Basta magpapakabait ka lang.
Ano ba talaga ang
ligawan?
Pagpapakitang-gilas, pagpapakitang-tao, pagpapaka-plastik at
paglalagay ng maskara sa umpisa. Wag na tayong magsinungaling, ganyan talaga
ang tunay ng proseso ng ligawan. Yung nakatagong good-side muna ang ipapakita,
saka na yung bad-side. Siyempre kelangan pampa-good shot muna ang mga moves. Di
naman lahat nate-turn on sa pagpapakita ng tunay na pagkatao. Lalo na kung
medyo kuripot at tamad magpahatid-sundo.
Bakit kelangan mong
manligaw/magpaligaw?
Tradisyon? Siguro. Batas ng pag-ibig? Baka. Utos ng Diyos? Hindi
ako sure.
Getting to know each other ang ligawan. Paghahain ng
pagkatao sa opposite sex kung ano at sino ka ba talaga. Dito kayo
magkakakilanlan ng personalidad, hobbies, talents, social media accounts at
paboritong value meal. Pasulpot-sulpot din dito ang biglaang concern, pa-sweet,
cheezy at makalaglag-panty-ng ‘pick up lines’. Gasgas na linyang “kumain n b u?”.
Mga tiradang luma na, pero bumebenta pa rin. Kanya-kanya man ng style,
pagpapasensya, pag-intindi at gastos ang buong meaning ng panliligaw. Mas malaking
effort pa kung ilang sakay ng bus at jeep ang pagitan. Kaya nga yung iba,
naging mag-on thru text o reply lang sa private message.
Kelangan mo talagang manligaw/magpaligaw. Walang mabigat na
reason kun’di hindi mo pagsisisihan ang isang desisyon na habambuhay mong
dadalin, maging tama o mali man. Malaking factor sa relasyon ang pagpasok sa loob
ng ligawan dahil ito ang magiging sukatan o batayan kung dapat o hindi ka dapat
pumasok sa isang relasyong magpapabago sa buhay mo. Mas matagal na proseso, mas
lalalim ang pagkakakilanlan sa isa’t isa, mas madaling intindihin ang pagkatao
at susunod na mga eksena dahil sa malaking adjustment at preparation. Kahit ang
instant noodles e dumaan sa matrabahong ingredients. Kahit ang instant coffee
ay resulta ng naghihikahos na agrikultura ng ‘Pinas. Nakakaumay ang instant. Mas
tinatangkilik pa din ang manual. Ang matrabahong pagluluto ng ulam ay kinakain
ng mga taong gutom sa tunay na pagkain. Gaya ng panliligaw, mas may katuturan
ang epektibong proseso kesa sa experimental relationship.
Bilang manliligaw, huwag mong bilangin ang pagod, gastos at
effort. In the first place, ginusto mo yan. Walang nag-request sa’yo na ligawan
mo ang tipo mong babae. Kung nangayayat ka man kakatipid o naging busy dahil sa
paghahatid-sundo, side effect lang yun. Parte talaga ng ligawan yun. Kelangan mong
umintindi, rumespeto at makibagay kung talagang naniniwala kang may forever. Pero
dahil wala namang forever, bahala ka na.
Bilang nililigawan, huwag kang paasa. Kung ayaw mo sa isang
tao, sabihin mo na agad. Okey lang magpakipot, wag lang isang dekada. Hindi mo
alam kung ilang beses lumaktaw ng pagkain ang manliligaw mo para lang mailibre
ka ng kiddie meal. Iniintindi ka nila, kaya intindhin mo rin sila minsan kung
bakit at paano nila nagagawa ang imposibleng effort. Huwag mag-take advantage. At
higit sa lahat, huwag magturo sa mamahaling restaurant. Grabe ka naman.
Tingnan mo, pag di pinayagan manligaw, basted. Pag pinayagan
manligaw pero di pumasa, basted. Gulo no?
Comments
Post a Comment