Senti. Mental. Value
Nadagdagan na naman ang koleksyon ko ng libro ko nang di sinasadyang pagkakataon. Di talaga sinasadya dahil nangangalkal lang naman ako ng mga gamit na gusto ko ng itapon para makatikim man lang ng salitang ‘linis’ ang kuwarto ko. Ayun, dalawang tahimik na libro ang muli kong nahawakan at naisama sa mga koleksyon. Di ko na babanggitin yung title at awtor. Basta pareho silang tagalog na libro, at parehong sanaysay ang tema. Tungkol sa alak at reminisce. Maayos ang kondisyon ng libro. Medyo lumambot ang cover dahil na rin siguro sa pangungulila sa mambabasa. May babasahin na naman ako ulit. Iba talaga yung feeling kapag nakahagilap ka ng bagay o gamit na matagal mo ng hinahanap at pagkatapos ng ilang taon o eleksyon, matatagpuan mo siya dahil sa walang dahilan. Parang bente pesos sa pantalon na hindi mo alam kung bakit meron dun. Basta wala lang. Kusa lang nag-program ang utak na “gawin mo ‘to, gawin mo ‘yan” at [insert nostalgic soundeffects here], isang bagay ang muli mong m