Posts

Showing posts from February, 2015

"T A G A L I G T A S"

Image
Sa dami ng superhero-ng puwede kong piliin, si Spider-Man talaga ang gusto ko sa lahat. Period. Bukod sa cool at astig ang costume niya, pa-swing-swing sa matataas na building at nagtataglay ng lakas ng pinagsamang sampung wrestler at isang litrong Cobra, naaastigan ako sa ‘spider-sense’ niya. Kakaiba, parang adik na sobrang alerto. Friendly neighborhood pa. Di tulad ni Superman, isang kryptonite lang ang katapat kahit sinlaki man ng vetsin, wala ng silbi. Pero totoo to: yung adventure, love story at pakikipagbasag-ulo lang naman talaga tayo updated sa iniidolo nating superhero. Wala tayong alam o idea kung ano ang paborito nilang pagkain, sa’n sila madalas tumatambay at kung ano-ano pa ba ang hobbies/talents meron sila. Hindi natin alam yun. Wala kasi silang social media accounts. Nakakatuwa nga yung isang scene sa nakalipas na franchise movie ni Spider-man kung saan namimili siya ng gamot, (may sipon at trangkaso ata) at sa kamalas-malasang pagkakataon e kelangan niya pa r