Posts

Showing posts from May, 2015

Ligawan: Paano at Bakit?

Image
Isa sa dati kong katrabaho ang humingi ng advice sa’ken para dumiskarte sa crush niya. Katrabaho din namin. Matagal-tagal na niyang gusto ito, pero matagal-tagal na ring umuurong ang dila niya tuwing magkakaharap sila ni babae. Ang tanong niya e paano daw ba niya sisimulan ang panliligaw. Sinabi ko na lang na ‘old school’ style ang gawin niya: abutan ng rosas at chocolate. Ang problema, hindi niya raw kaya dahil nahihiya siya at wala daw siyang budget. Medyo natawa ako. Di ko alam kung nagpaparinig ba siya o sadya lang talagang torpe. Kaya ayun, pagkalipas ng ilang buwan, may dyowa na yung crush niya. At ayon sa tsismis, pumayag daw magpaligaw yung babae nung isang beses inabutan ito ng rosas at chocolate. Sayang. Ganda pa naman ng advice ko. Real talk: isang boses ko pa lang nagawang mag-abot ng rosas at chocolate sa panliligaw ko nun. At effective nga. Naging dyowa ko siya, pagkalipas ng ilang panunuod ng sine, pagkain sa labas at ilang registration ng unli-call at unl

"R.I.P. Boxing"

Image
Talo na. Move on na. Undeafeated pa rin si Floyd, pero dismayado ang marami. Kasama ako dun. Limang taon ang inantay bago sila magbakbakan, pero parang nakakapanghinayang ang pay-per-view. Sa dami ng laban ni Pacman, ngayon lang ako nakapanuod ng laban niya na parang walang sigla ang crowd, at ewan kung parang may bisitang anghel sa MGM. Ang tahimik sa labas ng ring. Kulang sa sigawan. Kulang sa chant. Parang ano e, parang ang boring. Naghihintay ang lahat na may matutumba, pero w ala e. Magaling talaga dumepensa. Strategy yun. At yun talaga ang style ng pagbo-boxing niya. Namumutakti sa ‘bitterness’ ang social media. Si Pacman ‘daw’ dapat ang nanalo. Kung ibabase sa kung paano natin sila nakita nagsuntukan, dalawang bagay ang naging highlights ng 12 rounds fight: run and hug. Wala ng iba. Saksi ang buong mundo kung paano nakaramdam ng nerbyos si Floyd. At kahit hindi Pinoy, alam ng ibang lahi kung sino talaga ang nanalo. The decision is final. Ayon sa mga hurado, unanimo