"R.I.P. Boxing"

Talo na. Move on na. Undeafeated pa rin si Floyd, pero dismayado ang marami. Kasama ako dun.

Limang taon ang inantay bago sila magbakbakan, pero parang nakakapanghinayang ang pay-per-view. Sa dami ng laban ni Pacman, ngayon lang ako nakapanuod ng laban niya na parang walang sigla ang crowd, at ewan kung parang may bisitang anghel sa MGM. Ang tahimik sa labas ng ring. Kulang sa sigawan. Kulang sa chant. Parang ano e, parang ang boring. Naghihintay ang lahat na may matutumba, pero w
ala e. Magaling talaga dumepensa. Strategy yun. At yun talaga ang style ng pagbo-boxing niya.

Namumutakti sa ‘bitterness’ ang social media. Si Pacman ‘daw’ dapat ang nanalo. Kung ibabase sa kung paano natin sila nakita nagsuntukan, dalawang bagay ang naging highlights ng 12 rounds fight: run and hug. Wala ng iba. Saksi ang buong mundo kung paano nakaramdam ng nerbyos si Floyd. At kahit hindi Pinoy, alam ng ibang lahi kung sino talaga ang nanalo.

The decision is final. Ayon sa mga hurado, unanimous decision si Floyd. Hindi ako expert na boxing analyst, at hindi rin ako expert sa mga ikot at rules ng suntukan sa ring, pero hindi maloloko ng media ang tao kung paano binantayan ng bilyong mata ang bakbakan ng dalawang kampeon. Magkaiba nga ang malapitang view, kesa sa tv ‘lang, kahit pa HD ang flat screen’. Meron tayong hindi nakikita na mismong nangyayari tuwing magpapalitan sila ng suntok at sapak (samahan mo na ng siko), at yun nga siguro ang batayan ng mga p***** hurado. Pero isa pang p*****, alam ng marami kung ilang beses yumakap at tumakbo (para makaiwas?) si Floyd sa pagnanais na makaiwas sa bulalakaw na naka-tattoo sa braso ni Pacman. Alam ng marami kung paano naging magulang ang istilo ng banyagang kalaban. Kahit paulit-ulit pa nating panoorin ang replay, hindi na mababago ang tumatak sa isip ng marami. Lalo na kami ng mga pinoy.  

Sa away-bata, automatic kang duwag kung saka-sakaling tumakbo ka sa suntukan. Rules ng bata yun, lalo na sa elementary. Dito uulanin ng umaatikabong alaska at asaran ang sinumang tumakbo pagdating sa suntukan. Katumbas din ito ng pagkatalo sa sinumang unang iiyak at magsusumbong sa magulang. Simple. Automatic. Kinabukasan, dudurugin ka sa asaran ng mga kapwa kalaro.

Ganyan na ganyan din ang nangyari kay Floyd ilang minuto lang ang lumipas pagka-announce ng pagkapanalo niya. Di man siya napuruhan gano sa ring, durog na durog naman siya mundo ng social media. Siya ang nanalo, pero ang simpatiya ng tao ay kay Pacman. Isang malaking boo!

Hindi kumpleto ang spelling ng ‘panalo’ kung ang paraan nito e kuwestiyonable at may halong daya. Kahit sa mundo ng elekyson, mararamdaman ng buong masa kung paano manghinayang ang lahat sa pagkapanalo ng mandaraya. Panalo ka nga, pero parang hindi. Iyo ang korona, pero wala sa’yo ang puso ng tao. Iyo ang posisyon, pero wala sa’yo ang tunay na espiritu ng kampeon. Walang dating.

May napatunayan man, pero iisa ang opinyon ng marami: patay na ang boxing. Wala na sa dami ng suntok at combination ang batayan ng nasabing sports. Ang tinanghal na nag-champion e nagpakitang gilas sa pagtakbo at maya’t mayang yakap. Ang laki mo pa man ding tao.

Nakakapanghinayang talaga, dahil matagal-tagal na rin yung mga panahon kung saan hanggang round 6-7 lang ang tinatagal ng kalaban ni Pacman. Matagal ko ng inaabangan na mailabas ulit niya ang isang dumadagundong at umaatikabong suntok, diretso sa panga ng kalaban, hanggang sa hindi na ito babangon ulit. Sayang, wala na yun. Pero ganun nga talaga, time will tell. Ganun din naman ang sinapit nila Ali at Tyson.

Tanggap ng marami kung paano pinabagsak ni Marquez si Pacman nung huling laban nila. Lucky punch man, isa yun sa magandang halimbawa ng malinis at maaksyong boxing. Tunay na boxing. Malinis na pagkapanalo, malinis na pagkatalo. At hindi kuwestyonable kung saan man nanggaling ang ubod sa lakas na suntok ng mexicano. Ganun talaga ang sports, maraming puwedeng mangyari.

May 3, parang magbabago na nga ang boxing sa hinaharap.

Kung si Pacman ang nanalo, guguho ang mundo ni Floyd. Mababangasan na ang malinis niyang record. Kung tutuusin, wala namang mawawala sa ‘people’s champ’. Natalo man siya, siya pa rin ang kaisa-isang boksingero na may walong champion sa magkakaibang division. Siya pa lang yun. Pinoy pa lang ang nakakagawa nun. Pero kung si Floyd ang natalo, ewan ko na lang kung magbunganga pa rin siya, kasama ng erpat niyang madaldal pa sa parlorista.



Comments

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!