Forever: 404 Error Not Found
Kanina, basketbol lang topic natin. Tapos napunta tayo sa science, religion, gobyerno, problema ng ‘Pinas hanggang sa crush mo…tapos ngayon naman, ex mo? Pusang-gala, tuwing magkikita tayo lagi mong sinisingit yang ex mo na tatlong beses kang niloko! Naga-adik ka na ba? Sabagay, di kita masisisi. Mahal mo e. Ganyan talaga pag in-love. E ang kaso, niloko ka. Not just once, but three times! Lupit mo din e no? Anong tawag diyan, bayani? Alanganing martir, alanganing engot? Endangered species ba siya kaya hirap na hirap kang makahanap ng kapalit niya? Tapos ngayon, linggo-linggo mo kong aayaing mag-inom para pag-usapan NA NAMAN natin ang alamat ng katangahan mo? Tutal, kanina mo pa ba bukambibig yang forever-forever na yan, sige, pagbibigyan kita. Pag-usapan natin yang problema mo nang manahimik ka na. (Ako na ba? Bilis a? Baka dinadaya mo ko kokotongan kita.) Nakainom lang ako, pero di pa ko lasing ha? Ipapaliwanag ko sa’yo ang opinyon ko about sa forever na yan. Ki