Posts

Showing posts from July, 2015

Nice Juan (Mga Kwentong Bahala Ka Na) Part 1

Image
Naiinip na yung mga pasahero. Iisang pasahero na lang kasi ang kulang, lalarga na yung dyip. Magkakalahating-oras ng nakatambay ang dyip sa terminal pero ni isang pasahero, walang nagtatangkang sumakay. Pano ba naman, siksikan at alanganing espasyo na lang ang puwedeng upuan ng sinumang uupo. Talo sa pamasahe. Mainit na tuloy yung ulo nung driver, halos pasigaw ng pinakikiusapan ang mga pasahero na umurong, isiksik ang sarili at ipitin na ang dapat ipitin kung kinakailangan. Narinig ko pang sunod-sunod siyang nagmumura, parang nagmamadali. Nung may sumakay na at nakabayad na ang lahat sa dispatcher, humimas muna siya sa nakasabit na rosaryo sa harapan niya saka nag-sign of the cross. Narinig ko ulit siyang nagmura, pero pabulong na lang. *             *             * Ayaw ko sanang maniwala, pero kitang-kita ko. Di ko nga alam kung matatawa ako o magugulat. Basta, unbelievable talaga. Yung top one kasi naming kaklase, yung tinatawag nilang ‘genius’, nahuli ko kaninang may ko