Nice Juan (Mga Kwentong Bahala Ka Na) Part 1
Naiinip na yung mga pasahero. Iisang pasahero na lang kasi ang
kulang, lalarga na yung dyip. Magkakalahating-oras ng nakatambay ang dyip sa
terminal pero ni isang pasahero, walang nagtatangkang sumakay. Pano ba naman,
siksikan at alanganing espasyo na lang ang puwedeng upuan ng sinumang uupo. Talo
sa pamasahe. Mainit na tuloy yung ulo nung driver, halos pasigaw ng
pinakikiusapan ang mga pasahero na umurong, isiksik ang sarili at ipitin na ang
dapat ipitin kung kinakailangan. Narinig ko pang sunod-sunod siyang nagmumura,
parang nagmamadali. Nung may sumakay na at nakabayad na ang lahat sa
dispatcher, humimas muna siya sa nakasabit na rosaryo sa harapan niya saka
nag-sign of the cross. Narinig ko ulit siyang nagmura, pero pabulong na lang.
* * *
Ayaw ko sanang maniwala, pero kitang-kita ko. Di ko nga alam
kung matatawa ako o magugulat. Basta, unbelievable talaga. Yung top one kasi
naming kaklase, yung tinatawag nilang ‘genius’, nahuli ko kaninang may kodigo nung
nage-exam kami. Saglit nga lang siyang nag-exam, unang-una siyang nakatapos.
Astig. Genius.
* * *
Nakokonsensya ako. Sobra kasi yung sukli sa’ken ni mamang
drayber. Bente binayad ko, pero sinuklian din ako ng benteng barya. Dalawang lima
at isang sampu. Malabo ata yung mata. Gusto kong ibalik, pero nasa dulo ako ng
dyip. Punuan pa. Di ko alam kung pano ko ibabalik. Baka isipin pa ng mga tao,
ang honest-honest ko. Ibabalik ko ba? Sobra ba talaga o sinadya nya lang kung
ibabalik ko? Ayun, no choice. Binigay ko na lang yung sobra pagkasakay nung batang
namamalimos. Baka makatulong.
* * *
Ang sakit na ng ulo ko. Grabe yung amoy nung katabi ko sa
elevator. Tangina, may baktol! Kahit may sipon ako, sumisiksik pa din yung bangis ng amoy niya. Di naman
puwedeng ako, inamoy ko yung sarili ko, okey naman. Dalawa lang kami sa
elevator, malamang siya lang yun. Sayang, ang ganda pa naman niya. Naaamoy niya
kaya yung sarili niya?
* * *
Di ko naman talaga dapat maririnig yun, pero medyo malakas
kasi yung usapan nung magsyota sa likod ko. Umiiyak yung babae, buntis ata. Sinusuyo
naman siya nung lalake, pero parang ayaw nung babae. Kanina pa ata sila
nag-aaway. Pagkaupo ko andun na sila e. Di ko nga pinapansin, kung di ko lang
narinig yung sinabi ng babae na lagot daw siya sa asawa niya. Uuwi na daw
galing Dubai.
Shit, overbreak na ko.
* * *
Ako: Ba’t ako niligawan mo? Akala ko ba siya trip mo?
Ikaw: Wala e, may boyfriend na pala siya.
Ako: O, e di ba may girlfriend ka na rin?
Ikaw: A, yun? Wala, malabo na kami nun. Wala ng
communication e.
Ako: Sus, maniwala ako sa’yo…
Ikaw: Kaya nga ko nanliligaw kasi malabo na love life ko e.
Ako: Sigurado ba yan?
* * *
Tinamad na naman si sir. Nagpakopya lang. Aga ko pa naman
pumasok, kala ko may quiz. Sana pala gumawa muna ko ng project ko. Badtrip
talaga. Nau-ulol na naman ata sa bago niyang cellphone. Letse, kun’di lang major
subject ‘to, ida-drop ko na to e. If I know, ka-text lang naman niya yung
bagong prof sa kabilang building. Tangina kang bading ka, letse ka talaga.
* * *
Sabi ko na e, may gusto talaga sa’ken to e. Timing na timing
lage pag nagbe-break ako, nagbe-break din siya. Sus, pa-simple pa. Kunwari
magtatanong ng oras, tapos maya-maya uupo na rin malapit sa puwesto ko.
Tinatagalan pa yung pagkain niya, e skyflakes lang naman yung kinakain niya.
Sus, style mo! Kunin mo na kasi number ko, dami pang arte e!
* * *
Nakakatamad pumasok. Bwisit, may bagyo na nga e, pinipilit
pa ko ni boss pumasok. Okey lang daw kahit ma-late, ang dami daw gagawin. Tanginang
yan, buti sana kung hindi baha sa kanto namin, papasok ako kahit naka-tsinelas.
Masyadong demanding. Kun’di lang talaga naglilibog tong taong to, di ko
papansinin to e. Antayin mo pagka-resign ko. Maghahabol ka din.
* * *
Ikaw: Sa’n mo gusto kumain? (tangina sana wag sa mahal!)
Siya: Okey lang kahit san… (shit sana ilibre niya ko, wala
na kong pamasahe!)
Ikaw: Dito puwede na ba? (pumayag ka na, eto lang kaya ng
budget ko!)
Siya: Okey lang. Di naman ako choosy (yuck, di masarap
dito!)
* * *
Loko-loko din minsan si ermats. Alam na ngang eighteen pesos
ang pamasahe ko balikan, tapos bente lang baon ko? Wow, ano to, joke? Anong mabibili
ko sa dos? Fishball? Tapos nagtataka pa bakit daw gutom na gutom ako pagkauwi. Hanep
talaga. Ang talino ng tanong. Patay sa’ken mamaya yang wallet mo.
* * *
Nakapabobo naman nito. Kakasabi ko lang large fries, tapos
regular lang binigay sa’ken. Sabi ko Sprite, Coke pa rin binigay. Namputsa talaga!
Gutom na nga ako, tatanga-tanga pa. Paksyet! Mamatay ka na bukas!
* * *
Ang baduy ng pinaguusapan nila kanina. Yung pelikula ni John
Lloyd at Sarah G. Naturingang mga lalake, John Lloyd ang topic. Haha, baduy! Mali-mali
pa yung pagkukuwento. Di naman ganun yung ending nun e, ang yabang-yabang pa.
Intindihin mo yung movie pre, wag puro yabang!
* * *
Wala. Wala namang nagla-likes sa status ko. Deactivate ko na
kaya to? Kaso sayang, di ko na makikita si ex. Tangina kasi, ayaw pa rin akong
kausapin. Isang beses lang naman may nangyari sa’min ni ____, akala niya laging
meron. Buti nga, yun lang alam niya. Yung kay _____ at _____, di niya nahuli.
Ligtas pa rin. Mahal naman talaga kita, kaso hirap ako mag-stick to one. Malay mo
naman, ikaw pala talaga destiny ko?
* * *
Kung may superpowers lang talaga ako, susunugin ko talaga
bahay nitong kapit-bahay namin. Ang aga-aga, videoke ang trip! Puta naman, lagi
na lang! Tinataon pa lagi pag natutulog ako. Ang papanget naman ng boses. Bullshit!
Ang baho ng boses niyo, amoy pekpek!
* * *
Ako: Anong oras mo ko pauuwiin?
Ikaw: Maya-maya na, nagmamadali ka ba?
Ako: Sabi ko kasi may bibilin lang ako. Magtataka yung mga
yun ba’t ginabi ako.
Ikaw: ‘To naman, minsan na nga lang tayo magkita e.
Ako: Alam ko naman yun, pero intindihin mo naman ako.
Ikaw: Sige na nga, mauna ka na. Bigay mo na lang yung ambag
mo, dapat five hours tayo e. Nagmamadali ka kasi. Paki-lakas mo na rin yung
aircon bago ka umalis.
* * *
Pleasing personality? Ano to, lokohan? Helper na nga lang,
dapat may pleasing personality pa? Tsaka ano tong college-college level na yan?
Puta, parang tanga! Hindi naman kelangan ng physics at algebra dito, may
pa-college-college level pang nalalaman, sus. Kapitalista!
* * *
Mare, pabayaan mo na siya. Ganun talaga e. Ilang beses mo na
bang nahuli? Hindi lang naman isang beses di ba? Tanga ka ba? Obvious na
obvious namang pinagmumuka kang tanga ng asawa mo. Di ka pa ba nagsasawa? Iwan mo
na kasi. Tigil-tigilan mo na yang paga-assume mo, ganun na talaga siya.
Babaero. Buti nga yung sa’tin di niya nahahalata. Minsan punta ka ulit sa
bahay, mga alas-dos. Miscall ka na lang.
* * *
Nakipagtalo sa’ken yung kaklase ko. Wala naman daw masama sa
‘fifty shades of grey’. Love story naman daw yun. Tinanong ko siya kung
naintindihan ba talaga niya yung kwento o yung mga bed scene lang. Napikon si
loko. Ang manyak-manyak daw ng isip ko. No comment na lang.
* * *
Lokohan lang daw ang religion. Pera-pera lang. Lasing na
kasi kaya kung ano-ano na pinagsasasabi. Nung una basketbol lang ang topic,
tapos science…tapos religion. Lasing na nga ang puta, kung ano-ano na
kinukuwento. Kesyo alien daw si Hesus. Wala daw talagang langit at impiyerno,
imagination lang ng tao. Praning talaga kausap, samantalang kanina pagkabukas
niya ng gin, nagtapon siya ng konti tapos sabi niya “para sa demonyo…”
* * *
Ibebenta ko talaga kaluluwa ko, basta manalo lang ako sa
lotto. Tutulungan ko lang mga kamag-anak ko, tapos saka ako bibili ng bahay
tsaka kotse. Pero hindi ko tutulungan sila uncle. Mayaman naman na sila. Mayabang
pa. Kahit konting balato di ko sila bibigyan. Ha, mamatay kayo sa inggit!
* * *
Ang bagal naman nito manalamin, kala mo naman ang gwapo. Feel
na feel yung paghihilamos, dami namang tagyawat. Tanga, di gagana papaya soap
sa’yo! I-liha mo na yan, baka may progress pa. O, nagpabango pa! Ang lansa
naman ng pabango, feeling macho! Ulol! Amoy bumbay yung pabango mo! Bibili ka
lang ng pabango, mumurahin pa! Ano yan, buy one take one? O, titingin pa…titingin
pa. Umalis ka na diyan. Maghihilamos na ang tunay na pogi.
* * *
Kanina pa yan diyan. Lahat na ata ng make-up, nailagay na.
Di naman pantay yung foundation. Tapos pam-pokpok pa yung kulay ng lipstick,
yuck! May pa-eyeliner-eyeliner pang nalalaman, parang kuwago naman yung mata. At
ang blush-on, talagang sinabog pa sa mukha! Hoy, malanding ewan, bilisan mo
diyan! Ang tsi-cheap naman ng make-up.
* * *
Di na nagbago singaw ng bibig nito. Ang baho lagi, parang
tae. Kumain naman na siya, pero amoy bituka pa rin yung bibig. Bawal ba sa
religion nila mag-toothbrush? O nagtu-toothbrush nga pero di naglalagay ng
toothpaste? Shit, naka-brace pa man din. Ano yan, dekorasyon? Bad breath ka
boy, tigil mo na yan papogi effect mo.
* * *
Ano na naman kaya idadahilan ko? Patay na si lola? Tsss,
laos na yun. Kung sakit naman, hahanapan ako ng med-cert. E kung emergency
kaya? Anong emergency naman? Umm, may sakit si ermats, walang magbabantay. Puwede.
Kaso yun din yung dahilan last month. Wag, panget. A-attend ng kasal, binyag o
birtdey…di rin. Nagamit ko na yun. LBM? Di na rin uubra.
Tama, nasunugan kami. Ayos. Ang bright-bright ko talaga.
* * *
Nagseselos ako, pero di ko masabi. Panay ang likes niya sa
status ng ex niya. Sabi ko kasi okey lang. Nabasa ko pa nga yung chat nila, nagkakausap
pa rin pala sila. Mahal ko siya, pero ang hirap e. Badtrip. Nasasaktan ako. Unfair,
pag ako hindi puwede kumausap sa ex ko, pinapa-unfriend pa niya. Buti pa nga
siya natse-check niya fb ko, siya ayaw niyang sabihin yung password niya. Bawal
pa magpalit ng profile pic. Hay, deactivate ko na lang kaya para wala kaming
away? Bahala na nga.
* * *
Comments
Post a Comment