Posts

Showing posts from September, 2015

"Ang Padlock na Gawa sa IQ"

Image
Meron akong ‘mga’ password na halos lahat e hindi ko memorized. Sinabi kong ‘mga’ dahil bukod sa mga social media accounts, government chuchu at samu’t saring e-mails, meron pa kong ilang transaction na work related, at nangangailangan din ng password (sa mga kapwa ko BPO agents, alam kong na-gets nyo ang dilemma ko!). At isa na nga yan sa sumusubok sa IQ ko, buwan-buwan. Automatic na kumukunot ang noo ko pag nababasa ko ang linyang “Your password has expired…”. No choice, kahit maglulupasay man ako sa badtrip, mandatory na magpalit ng password. Isang malaking challenge para sa’ken ang pag-iisip ng password. Yung unique. Yung hindi naman gano mahaba at maikli, madaling tandaan at hindi nakakahingal i-type. Kadalasang nili-link ko ang clue o hint nito sa mismong pangalan ng application/software para mas madaling tandaan. Pero dahil ang technology sa ngayon e medyo maarte na rin at may ‘trust issue’, hindi na sapat ang puro alphabet content lang. Nire-required na rin na dapat may