"Ang Padlock na Gawa sa IQ"
Meron akong ‘mga’ password na halos lahat e hindi ko memorized.
Sinabi kong ‘mga’ dahil bukod sa mga social media accounts, government chuchu
at samu’t saring e-mails, meron pa kong ilang transaction na work related, at
nangangailangan din ng password (sa mga kapwa ko BPO agents, alam kong na-gets
nyo ang dilemma ko!). At isa na nga yan sa sumusubok sa IQ ko, buwan-buwan. Automatic
na kumukunot ang noo ko pag nababasa ko ang linyang “Your password has expired…”.
No choice, kahit maglulupasay man ako sa badtrip, mandatory na magpalit ng
password.
Isang malaking challenge para sa’ken ang pag-iisip ng
password. Yung unique. Yung hindi naman gano mahaba at maikli, madaling tandaan
at hindi nakakahingal i-type. Kadalasang nili-link ko ang clue o hint nito sa
mismong pangalan ng application/software para mas madaling tandaan. Pero dahil ang
technology sa ngayon e medyo maarte na rin at may ‘trust issue’, hindi na sapat
ang puro alphabet content lang. Nire-required na rin na dapat may numero at
symbols. Noon nga e dapat hindi bababa sa anim o pitong character ang password.
Ngayon, dapat mala-jejemon na ang spelling at kelangang merong upper at lower
case ang mga characters.
Problema ko talaga yan. Sakit sa ulo. Mahina kasi ang memory
ko pagdating sa pagkabi-kabisado ng mga salitang pinag-isipan at kinainit ng
ulo. Alam mo ba yung eksenang nakaisip ka na ng password sa utak mo, pero
tatanggihan ka ng system dahil sa “PASSWORD MUST CONTAIN BLAH BLAH BLAH…” o
kaya “PASSWORD IS ALREADY IN USE...”??? Pusang gala, sa milyon-milyong umiisip
ng unique na password, nagkakaron din pala ng chance na maging pareho ang
naisip ng estrangherong utak? Pareho din kaya ang problema nila ng mga panahong
yun?
Isang araw na-badtrip ako kakaisip ng password. Feeling ko
kasi 128mb na lang ang memory ko kaya medyo nag-panic ako. Sa sobrang inis ko
nga nun, pinalitan ko lahat ng password ko at pinag-isa ko silang lahat. As in
lahat. One password to rule them all! Pero di rin umubra. Pagkalipas ng buwan: “You
must change your password blah blah blah…”
Tagilid talaga ako pagdating sa memorization kaya hassle sa’ken
ang pagkakabisa ng iba-ibang password. Nung nag-aaral pa ko, hindi tumatalab sa’ken
ang overnight review tuwing may exam dahil paniguradong makakalimutan ko rin
naman kinabukasan. Last minute review puwede pa, pero walang assurance na
matatandaan ko nga yung binasa kong notes, na ewan kung bakit hindi ko mabasa
kahit sariling penmanship ko naman ang ginamit. Maniwala ka man sa hindi,
mismong cellphone number ko e hindi ko makabisado. Ganyan kabagal ang processor
ng utak ko pagdating sa memorization. Buti na lang talaga, pinaalalahanan ako
ng prof ko noon sa logic na “a good memory is not a sign of wisdom”. Kabisado ko
yun hanggang ngayon. Pinapaalala kasi sa’ken nun na hindi mo kelangang
kabisaduhin ang maraming bagay para masabing may common sense ka.
Balik tayo sa password.
Nitong mga nakalipas na buwan e naisipan kong lagyan ng security
lock ang cellphone ko para mag-ala-James Bond ang personality ko kahit
paminsan-minsan. Gaya ng pag-iisip ng password, parusa din ang pag-iisip ng
kakaibang pattern o PIN. Ayokong isipin na darating ang araw na mawawala o
maglalaho na lang bigla ang cellphone ko, pero bilang pag-iingat na rin sa
personal information e naisipan kong makiuso sa paglalagay nga ng seguridad sa
sariling telepono. Prevention is better than apple a day. Okey na rin siguro
para makaiwas sa mga nagpa-power tripping na parang sinapian ng mga paparazzi
at kapitbahay na tsismoso’t tsismosa.
Ang galing ng naka-isip ng idea ng password. Pinipigilan kasi
nito ang mga abusado at pakelemera sa mga trip nilang nakaka-badtrip. Malaking tulong
ito para maitago ang individual identity at privacy ng bawat isa, lalo na sa
panahon ngayon na kayang-kaya ng i-manipulate ang pagkatao gamit ang ilang
pindot at masamang balak. Pinananatili nito ang kanya-kanyang sikreto,
mapa-privacy man o conspiracy. Kahit mismong mga higanteng agencies nga sa
buong mundo, naniniwala sa kapangyarihan ng password.
Ano kaya ang pumasok sa kokote ng nakaisip nito at kelangan
niya pang umisip ng ibang paraan para sa dagdag na security? Dahil ba sa trust
issues? Ka-weird-duhan? Originality? Sobrang lupit na secrecy? Alien code? O baka
naman may sarili siyang version ng mga sex scandals?
Ancient times pa nauso ang paggamit ng password o
watchwords. Ginamit ito para maging challenge sa mga sentries na gustong
pumasok sa isang restricted area gaya ng mga government office at sosyal na
disco-han. Maaari lamang silang pumasok sa mga nasabing lugar kung alam nila
ang password. Pero dahil na rin sa modernization, ang password ay hindi na
lamang mga passphrase o simpleng paglalagay ng suhol sa mga sabog na traffic
enforcer o pulis. Meron na tayong thumbprint, face recognition, retinal scan at
pirma. Oo, yung signature. Kasama din sa listahan ng ‘for security’ purpose ang
sariling pirma kaya galingan mo penmanship mo.
Noong 2014, nagkaron ng compilation ng mga stolen passwords ang
SplashData sa kanilang annual list na
galing mismo sa mga public users, mula sa pagiging common at popular. Kasali sa
listahan nito ang mga password na 123456,
qwerty, password (mismo!) 123123 at
abc123 na ewan kung bakit parang
nakulangan ata ng iodized salt ang mga gumagamit nito. Hindi ko alam kung
nakakatamad mag-isip ng password o masyado lang talaga silang open-minded
pagdating sa pagbo-broadcast ng personal na identity. Ngayon, kung kasali ka sa
mga engot na gumagamit nito, magisip-isip ka na.
Bukod sa pag-iisip ng kakaibang e-mail address,
nagre-reflect ang pagkatao ng isang account user batay sa kung paano nito
bibigyan ng effort ang pag-iisip ng password. Ang mga burara at pabaya ay
maaaring gumamit ng ‘potato123’, samantalang ang mga feeling celebrity at may hawak
nf sikreto ni Victoria e gumagamit ng ‘P0+@t0_123’. Complicated at napapabilang
man sa lenggwahe ng mga jejemon, safe naman kung tutuusin. Ang paggamit ng
birthday bilang password ay isang senyales ng pagiging bogaloyds at engot. Kung
gagamit din lang ng information gamit ang sariling petsa ng kapanganakan,
idagdag mo na ang initial ng ospital na pinag-anakan sa’yo, pati yung initial
ng nagpaanak sa’yo. Halimbawa: 010190_PGH_GMA. Bahala ka na kung paano mo
isa-shuffle yung pattern. Tandaan: long password is equals to strong password. Strong
password is equal to higher security. Higher security means…punyeta.
Parami na ng parami ang transactions na nangangailangan ng
password. Ibig sabihin, lalong tumatalino ang mga abusado. Ibig sabihin, lalong
kumokomplikado ang privacy ng bawat isa. Ibig sabihin, puwedeng dumating ang
araw na ang mismong password mo ang sisira sa pagkatao mo. Puwede ring password
ang maging mitsa ng giyera ng buong mundo na magreresulta ng pag-extinct ng mga
tao, kapalit ng mga robot. At dahil
diyan, sisisihin mo ang lahat ng mga social media sites, pati na ang pagpapalit
mo ng wi-fi password, hanggang sa masiraan ka na ng bait.
May password din kaya ang pagpasok sa langit? E sa
impiyerno? Sa purgatory? Sa limbo?
(Your password will
expired in 10 days. Would you like to change your password now?)
Playtech opens casino in South Africa | MJH Hub
ReplyDeletePlaytech has announced it's opening an 성남 출장샵 exciting new South 천안 출장안마 Africa casino. Playtech's portfolio of 거제 출장마사지 games includes Mega Millions, 인천광역 출장샵 E-wallets, 시흥 출장안마