Mutual Understanding: Unang Hakbang Papuntang Friendzone
Kung marami ang naniniwala sa true love,
ibahin mo naman ang sigaw ng karamihan: mutual understanding. Ang paniniwala ng
ilan na kung saan ipinaglalaban ang isang prinsipyong hindi naman laging
happy-ending, walang assurance at laging may nakaabang na paasa moments sa
dulo. Walang pakelamanan, at hindi kasali sa rules ang selosan. No commitments
allowed.
Himayin
muna natin para hindi tayo mag-aaway-away sa bandang huli.
Ang salitang ‘mutual’ ay isang
experienced o proseso ng pagkakaron ng ‘common’ ng parehong parties. Meaning,
maaaring nagkaron ng kasunduan at similiarities sa maraming aspeto ng buhay, trabaho,
atbp.
Ang ‘relationship’ naman ay isang
estado kung saan ang dalawang tao, konsepto o bagay ay merong ‘connection’ sa
isa’t isa. Merong deal o agreement. Parang internet o linya ng telepono, yun
yung instrumento ng pagkakaron ng connection. Sa pag-ibig naman, ang pagkakaron
ng kasunduan, commitment o marriage ay isang magandang halimbawa nito.
Ngayon,
ano naman ang mutual understanding o M.U.?
Kung dictionary ang pagbabasehan,
ang pagkakaron ng sympathy o mutual affection sa isa’t isa ang pinakamalapit na
meaning nito. Obviously, gusto niyo ang isa’t isa pero nagtatae kayo sa
commitment. Kumbaga, eto yung stage ng parehong parties na kung saan,
namumutakti sa concerns o paglipana ng mga gawaing ‘thoughtful’ na may halong
medyo-protective-ish na maaaring lumagpas sa limitasyon ng pagiging
magkaibigan. Ina-apply lang ito sa isang espesyal na tao, mapa-opposite sex man
o hindi. Pinakamalapit dito ang pagiging mag-bestfriend.
Meron akong bestfriend. Babae.
Sinabi kong bestfriend dahil nabuo ang ganung relasyon ng ilang sem, ilang
experienced, maraming usapan, bonding at kung ano-ano pang bagay na nagpatibay
ng connection namin sa isa’t isa. We have a lot of commons (hirap tagalugin,
pisti!). At kahit hindi kami M.U., normal sa’min ang pagpapalitan ng concerns,
pero mataas pa rin ang pader na nakaharang sa’min para hindi namin maabot ang
rurok ng ‘fall inlove’. Walang kissing scene, take advantage at selosang
nagaganap. Mas marami pa ngang asaran, sermunan at away-matanda.
Napigilan namin ang kanto ng M.U.,
at kung paano namin nagawa, hindi rin namin alam. We’re more than friends, less
than lovers.
Balik
tayo sa M.U.
Sa pang-kantong pakahulugan ng m.u.
sa ngayon, simple lang: maglandian tayo
ng patago pero wala tayong pakelamanan sa lahat ng oras. Less than lovers,
less than friends, more on kalandian. Hanggat maaaring itago at pigilan, sige.
Madaming limitasyon, madaming rules at maraming bawal. Yung pagkakaron ng sex e
benefits na lang minsan, hindi ‘make love’ ayon sa mga conservative kuno. Kung
medyo conservative o strict ang parents, kissing scene na may kasamang holding
hands e pwede na.
Malabong usapan. Malanding ugnayan. Mahirap
unawain. Malaswang utak. Matalinong unggoy. Masarap sa umpisa.
Tandaan
mo lang ito: more than friends, but not lovers.
Puwedeng
sabihin na halos pareho lang naman ang prinsipyo ng pagiging mag-bestfriend at
pagiging mag-mu. Parehong walang commitment, parehong may sympathy at concerns.
Bawal magselos. Maaaring lumagpas sa pagiging magkaibigan, pero hindi puwedeng
mag-ibigan, as lovers. Bukod, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may
similiarities. Ang m.u., minsan may halikan o bed scene, na wala sa mag-bf
(mag-bestfriend, inunahan na kita). Ang akbayan portion e legal sa mag-bf, pero
madalas na bawal sa mag-mu (para makaiwas sa isyu). Awkward ang pagkakaron ng
date sa mag-bf, suspense naman sa mag-mu. Open sa lahat ang mag-bf, pero mas
open ang mag-mu lalo na yung bandang underwear. Alam mo na yun, wag kang
pa-virgin.
Since wala naman talagang
ipinaglalabang commitment, mas madalas na nagreresulta ito sa confusion at
pain. Emotionally at mentally. Mas masakit pa sa physical aspects dahil hindi
pa naiimbento ang instant-lunas para dito. May mga pagkakataon pang nasasayang
ang emosyon at oras sa isang relasyong malabo
at…wala ngang assurance. Maaaring pareho nga kayo ng feelings sa isa’t isa,
pero hindi naman iisa ang puso niyo (syet, ang korni!). Happiness? Saglit lang
yan, mas mahaba pa ang pagiging bitter niyan sa huli. Eto kasi yung time na
nae-enjoy mo ang freedom ng pagiging single, pero at the same time e feeling mo
taken ka.
Isipin mo na lang na pumasok ka sa
isang fake na fairy tale. Sabagay, hindi naman talaga lahat happy-ending. Yung
iba, happy lang, walang ending. Yung iba naman, hindi happy, ending lang.
So, ano ang intention ng ilan para
pumasok sa gantong uri ng relasyon?
Human experiment? Hindi ko alam.
Social experiment? Puwede, siguro. Sexual experiment? Maaari, puwede, oo,
siguro, baka. Pampalipas oras? Siguro, lalo na kung bored at loner ka na sa
sariling buhay at pakiramdam mo ay lumiliit na ang porsyento ng kalalakihan/kababaihan
sa mundo.
Walang exempted sa ganitong
scenario. Walang pinipili. Lahat puwedeng maging member, basta na-hook kayo
pareho sa ‘marketing strategy’ bunga ng mga sumusunod na side effects: libog, infatuation,
kalandian at ‘take advantage’. Tsss…wag na tayong magplastikan. Aminin na natin
na 60% ng biktima nito e naghahanap lang ng lunas sa sakit ng puson. At kung
ipaglalaban ng ilan na may mararating namang ‘true love’ sa takdang panahon,
hindi ako sigurado diyan. Inuulit ko, walang assurance. Oo---meron---pero mas
mataas ang posibilidad na ang ending e umasa ka lang at ang pinakamasaklap na
ending: friendzone. Sobrang lupit na
sad-ending. Tragedy.
Puwede
bang mauwi sa friendzone ang matagal-tagal ng MU?
Isang malaking OO mga ka-baga! Una,
dahil umasa kayo parehas at umiwas sa commitment. Dahil wala naman kayong
pakelamanan, may mga pagkakataong hindi nyo alam ang galawan ng isa’t isa pag
nakatalikod. Maaaring yung isa e marami palang branch na ka-MU, at yung isa
naman ay nangongolekta na ng manliligaw. Pangalawa, pareho niyo namang ginusto
ang sitwasyon, pareho nyo rin mare-realize sa huli na “Baka nga libog lang to. Or baka more than friends lang talaga kami,
hindi ko naman talaga sya mahal. Baka nga concern lang kami sa isa’t isa, pero
hindi naman talaga namin gusto ang isa’t isa…” kaya pareho kayong
nagtatanga-tangahan lang. Ang enjoyment e puwedeng sa simula lang. Time wil
tell. Kung magkatuluyan, congrats! Kung hindi, wag kang umiyak. At wag na wag
mo ring babanggitin ang salitang ‘move on’ dahil hindi naman naging officially
‘mag-on’ kayo. Sa gantong laro, talo ang unang ma-inlove. At sa isang laro,
hindi nawawala ang mga rules, sino ang nanalo, sino ang natalo, sino ang
nandaya at sino ang nadaya. Welcome to friendzone!
Hindi ako against sa gantong
sitwasyon lalo pa’t marami sa’tin ang hindi pa handa mag-commit sa isang
relasyon at…strict ang parents. Normal yan. Tao ka kung ma-experienced mo to.
Pero mas maganda kung hayaan mo na lang maging experience. Kung puwedeng wag na
ulitin, good. Kung nage-enjoy ka, e di sige. Basta walang iyakan at sisihan.
Gawin na lang basehan at masaklap na experience kung paano papasok sa totoong
relasyon, welcome ang commitment at walang doubt sa sarili. Wag i-push sa
pagiging fairy tale dahil hindi naman applied yun sa totoong buhay.
Comments
Post a Comment