"Ang Pilipinas sa Taong 2022"
Maaga ako nagising. Hindi ko alam, basta parang ang sarap-sarap ng tulog ko. Naunahan ko pa ang alarm clock ng six minutes. 5:30 AM ang alarm ko, 5:24 pa lang. Anong araw na ba ngayon? Oo nga pala, sahod pala ngayon. Kaya pala may iba sa araw na ‘to. Teka, ba’t parang ang bilis naman ata? Himala, may budget pa ko. Parang kelan lang sumahod ako a? Matapos ang kalahating oras ng paliligo, bihis at konting pag-aayos ng buhok, lumarga na rin ako papasok ng trabaho. Baka ma-late ako. Sa canteen na lang siguro ako kakain. Mahirap na, warning pa man din ako sa visor ko. Ang weird, pagbaba ko ng tricycle. Bente ang inabot ko, pero kinse ang sukli ko. Tinanong ko kung bakit sobra, ngumiti si manong drayber saka nagsabing “Salamat…”. Yun lang yung nasabi niya. Itatanong ko pa nga sana kung bakit hindi mismong sa kanto ako binaba. Dati-rati kasi sa may mismong kanto ang babaan. Ngayon, dun sa ma