Substance Use Disorder (Mga Kwentong Adik at Wala lang)
Kadalasan sa isang usapang ‘kanto’ o yung mga kwentuhang biglaan at wala lang, naitatanong ko kung minsan na ba nilang nasubukang tumikim ng ‘drugs’ (yan na ang ang una at huling beses na gagamitin ko ang salitang yan, kaya para sa kapakanan ng mga mambabasa e itatago na lang natin ito sa codename na ‘substance’). Pero siyempre, para hindi masampal o matirisan ng upos ng yosi sa noo, hindi ko ito agad-agad tinatanong. Dapat meron munang intro. Sisimulan ko muna sa “nagyoyosi ka ba?”, papunta sa “gaano ka kalakas uminom?”, na magtatapos sa “e yung ‘substance’?”. Hindi ko alam kung mapili lang talaga ako sa kakausapin o pagtatanungan ng ganun ka-deep na tanong kaya 0.001% lang ang nagsasabi-slash-umaamin na na-experience na nila ng minsan, nakagamit na pero tinigil, o “tikim lang naman…” Hindi ako nagsu-survey. Dala ng curiosity, o para lang may mapag-usapang interesante bukod sa Pokemon GO at Game of Thrones . Magandang pag-usapan ang isang bagay na hindi mo aaka