Substance Use Disorder (Mga Kwentong Adik at Wala lang)
Kadalasan sa isang usapang ‘kanto’ o yung mga kwentuhang biglaan
at wala lang, naitatanong ko kung minsan na ba nilang nasubukang tumikim ng
‘drugs’ (yan na ang ang una at huling beses na gagamitin ko ang salitang yan,
kaya para sa kapakanan ng mga mambabasa e itatago na lang natin ito sa codename
na ‘substance’). Pero siyempre, para hindi masampal o matirisan ng upos ng yosi
sa noo, hindi ko ito agad-agad tinatanong. Dapat meron munang intro. Sisimulan
ko muna sa “nagyoyosi ka ba?”, papunta sa “gaano ka kalakas uminom?”, na
magtatapos sa “e yung ‘substance’?”. Hindi ko alam kung mapili lang talaga ako
sa kakausapin o pagtatanungan ng ganun ka-deep na tanong kaya 0.001% lang ang
nagsasabi-slash-umaamin na na-experience na nila ng minsan, nakagamit na pero
tinigil, o “tikim lang naman…”
Hindi
ako nagsu-survey. Dala ng curiosity, o para lang may mapag-usapang interesante
bukod sa Pokemon GO at Game of Thrones. Magandang pag-usapan
ang isang bagay na hindi mo aakalaing titikman, tinikman o ginawang hobby ng
isang tropa o kainuman, ng wala kang idea o clue. Natural, initial reaction na
ang magulat, mabigla at magtaka. “T***ina, na-try mo na pala yun?”. At dahil
nabuksan na nga ang ganung topic, dahil kuno sa curiousity e sinusundan ko na
ng mga tanong kung ano ang napala nila, magkano, at kung saan sila kumukuha
(ngiti lang ang sagot nila sa huling tanong ko, akala nila NBI ako).
Coincidentally,
kasabay ng mainit na usaping ito sa ‘Pinas e saktong napanuod ko naman ang Kill the Messenger sa HBO nitong
nakaraan lang. Tungkol sa isang reporter na nagsiwalat ng transaction ng
substance kasabwat ang ilang government agency ng US, particular na ang CIA (based
on a true story, panuorin mo na lang).
Naisip
ko, meron din kayang katulad ni mamang reporter na maglalakas-loob gumawa ng
ganung klaseng balita dito sa ‘Pinas?
Parang
wala.
Nga
pala, namatay yung bida sa ending (insert spoiler here).
Noong
high school pa ko, ang mga tunay na binata sa’min noon e dapat meron o
ma-experience man lang ang mga sumusunod (based on experience, not recommended):
1.
Yosi
2.
Hikaw (mas astig pag kabilaan, pero mas cool
kung meron sa dila o kahit saan sa mukha; depende sa trip)
3.
Member ng fraternity/gangster
4.
Back subject (optional)
5.
Alak
6.
Substance
Mamatay
na mga kapit-bahay niyo pati ex niyo, pero ni minsan hindi ko pa natikman
tumikim ng ilegal na substance. Nagkaron ako ng mga barkada at kakilalang hobby
ang shabu-kels, pero hindi ako na-attempt. Ayoko. Kahit halos isang metro na
lang ang layo sa’ken ng umuusok na mahiwagang tawas, hindi ko sinubukan. No.
Never. Ayoko magmukhang modern zombie na parang sumobra sa pagdya-jogging at
diet.
Oo, nakatikim
na ko ng marijuana. Out of curiosity kaya ko sinubukan. Anong feeling? Wala
naman. Kumalma lang naman ang paligid, pati yung takbo ng dugo ko. Bumigat ang
mata, lumamig ang utak at nakaramdam ng gutom (parang reggae yung tugtog sa
tenga ko kahit Metallica yung
soundtrip ko nung time na yun). Yun nga ata yung side effect nun, foodtrip at
tamang tulog. Medyo na-hook sa paghitit ng banal na usok DAHIL nakaranas ako ng
chronic insomnia. Sa sobrang chronic,
nakakatapos ako ng apat na pelikula sa magdamag ng hindi dinadalaw ng antok.
Yung halos maiyak, magdasal at hilingin ko na kay Santa Claus na biyayaan naman
ako ng antok gabi-gabi. Naging dependent ako ng alak para lang antukin, pero
hindi naman lagi may inuman. Yun na ang problema ko. Nakakatulog lang ako pag
nakainom. Nadiskubre kong organic na sleeping pills ang banal na usok.
Matagal-tagal din niya kong dinamayan. Pero dahil ayokong sanayin ang sistema
ng pagtulog ko sa ganung hobby, tinigil ko rin naman.
(At
para sa mga papalag at magre-react, hindi kabilang sa ilegal na substance si
Mary Jane. For sure, sasang-ayon ang mga open-minded dito particular na ang mga
nakagamit, gumagamit at naggagamot gamit nga si mary jane. Para naman sa mga
hindi gaanong open-minded, panigurado akong mumurahin at idi-dirty finger na
nila ako habang binabasa nila ang blog na ‘to, kasabay ang litanyang
“nag-substance ka pa din, so shut up ka na lang!”)
Huwag
mo na rin subukang kausapin si Mary Jane. Basta.
Pinapangunahan
na kita: hindi ako sabog o lulong sa kahit anong ilegal na substance habang
sinusulat ko ang blog na ‘to. Makikiuso lang. At mangengelam. Konti lang naman.
Marami
akong gustong sisihin kung bakit naging mainit sa merkado ang bentahan ng
gantong uri ng kemikal na ewan kung bakit
curious-ako-at-may-pera-naman-ako-kaya-susubukan-ko-na-rin. Una, curiousity. At
siya ang una kong pinaghihinalaan na adik, kung sino man siya. Ano kaya ang
nainom at nakain niya ng mga oras na yun at paggamit pa ng substance ang
nadiskubre niya? Loner ba siya kaya kelangan niya ng ‘imaginary friends’? O
naniniwala talaga siya na may unicorn? Anong klaseng substance ito para
mag-evolve ng mag-evolve? Siya rin kaya ang kauna-unahang ‘substance-lord’?
Pangalawa,
inggit. Naniniwala na talaga ako na member ng seven deadly sins ang ‘envy’. At dahil sa sin na yan, marami ang
lumawak ang curiosity at hawa-hawa na sila. Parang networking. Yung iba kumita,
yung iba may sports car na, pero yung iba mukhang mahina ang downline. Kung
hindi man sila humihimas ng bakal ngayon, natatabunan na sila ng lupa, anim na talampakan
ang lalim.
Pangatlo,
sila Superman at Batman. Hindi ko alam kung sabog o hindi na nila mahanap ang
hidden mickey sa ulap kaya pati yung mga creator ng mga comics e parang lulong
sa substance. Paghahangad ng mga special abilities para maging ‘iba’ at
‘unique’, sa ngalan ng love story o ewan. Marami sa mga nag-adik e may sapi o
naghahangad ng kapangyarihan ni Superman (sobrang lakas) at Batman (gising lagi
sa gabi). At kadalasang biktima nito e yung mga batang dapat lapis at papel ang
hawak. Yung huling na-interview ko nun, nire-raygun niya yung mga lamok sa
paligid niya habang sumisinghot ng solvent.
Hinala
ka, may tropang alien yung mga creator ng Marvel
at DC Comics kaya ganun na lang
kalawak ang idea nila sa superpowers. Pati si Steven Spielberg. Tsaka si Brod
Pete.
Ang
alcohol at nicotine e miyembro ng mga legal na substance, pero considered pa
rin sila bilang miyembro ng substance, na ironically e legal ang bentahan kahit
sila ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng bilang ng pagkamatay ng tao,
araw-araw, oras-oras (wala pang report na may namatay o nan-rape habang nasa
inpluwensiya ng mary jane). Magandang negosyo ang mga nasabing substance, at
malaki nga naman ang naitulong nito sa ekonomiya ng ‘Pinas, maging sa buong
mundo. Patunay lang yan na milyon-milyong tao ang may kanya-kanyang trip sa
buhay, kahit alam na nila sa sarili nilang meron na silang sakit na substance use disorder AKA pagka-adik.
Hindi ko alam kung kasali dito ang Pokemon
GO.
Meron
lang ba talagang hinahanap na kakaiba ang isang tao kaya niya naisipang sumubok
gumamit ng substance?
Maraming
magandang bagay sa mundo para sumaya, pero siguro hindi na nga sapat yun para
sumubok, kahit papano. Hindi na siguro sapat ang pakikipag-usap kahit kanino
para lang maging kabilang sa society. Baka nga hindi na talaga nakakatawa ang
mga jokes ngayon kaya dapat ng humanap ng mga bagay na magpapasaya at magdadala
ng ngiti sa’tin, kahit mahal at ilegal. Baka nga wala talagang silbi ang mga
binibentang vitamins ng mga pharmaceutical companies para mabigyan tayo ng
karagdagang lakas, pati na yung mga energy drinks. Siguro, marami lang sa’ten
ang may kanya-kanyang version ng problema kaya may kanya-kanyang version din
tayo ng solusyon. Hindi mo naman puwede sisihin ang magulang mo, baka sipain pa
kita habang kinokotongan sa gums (unless yan ang hanapbuhay nila o sila mismo
ang nagpakilala sa’yo nito mismo). Gobyerno? Hmm…pwede.
Halimbawa
lang naman, paano kung tuluyan na ngang mawala sa mundo ang mga ilegal na substance?
Ano-ano ang mga side effects nito?
Marami
mawawalan ng trabaho. Maraming magsasarang rehabilitation center, pati na ang
mga kulungan. Hihina ang negosyo ng mga puneraria at luluwag ang espasyo sa mga
sementeryo. Magiging boring ang mga nightclubs at bar. Hindi na magandang
sabayan ang mga reggae songs. Wala ng kwenta ang mga action movies. Iigsi ang
timeslot ng mga balita. Lulungkot ang buhay ng mga pulis. Babagsak ang world
economics. At matatagalan pa ang world war 3. Pero siyempre joke lang yun.
Baka
nga oras na para tikman naman natin ang katol. O kaya sariling utot. For a
change.
Comments
Post a Comment