Si Kolorete at Burloloy: Mga Kuwentong Loom Bands at Alahas
First time ko makatanggap ng relo galing kay erpats nung nasa elementary pa lang ako. Di ako sure kung anong grade na. Pinadalan kaming magkapatid ng relo na mas lamang ang kulay pula at manaka-nakang gold at silver. Parang kulay pamasko. Basta, pambata talaga yung itsura. Nagalangan pa ko kung talagang gumagana yun dahil dalawa lang ang kamay. Missing in action yung para sa seconds . Kung isusuot mo yun pagdating mo ng high school, baka magdalawang isip ka pang ipagyabang. Hindi naman siya pangit, hindi rin naman ganun kaangas. Simple na medyo hindi ako komportable. Hindi dahil sa mas maangas ang G-Shock ng katabi kong kaklase, kun’di dahil sa hindi ako sanay na may nakasabit na burloloy sa braso ko. Mas sanay pa ata ako sa mga goma na pilit pinagkakasya sa braso tuwing maglalaro ng dampa. Mas maraming goma, mas maangas. Hindi rin nagtagal sa’ken ang relo sa tatlong dahilan: nakakalimutan ko; nabasag nung isang beses ako sumubok mag-diablo habang naglalaro ng ‘fol