Posts

Showing posts from November, 2014

Bakit Hindi Puwede ang mga Superheroes sa Pinas?

Image
Merong isang programa sa isang cable channel na nagpapalabas ng ilang mga taong merong super abilities o yung mga taong ‘kakaiba’ ang abilidad. Sinabi kong kakaiba kasi hindi normal at hindi lahat ng tao, merong kakayahang taglay nito. Iba ang konsepto nito sa Ripley’s Believe it or Not dahil mas hardcore pa sa hardcore ang mga personalidad na pinalalabas dito. Di gaya ng Ripley’s na naka-focus sa mga bagay na weird at hindi kapani-paniwala. Nung isang beses napanuod ko yung isang lalake na merong matibay na dibdib. Sa sobrang tibay e pati bulldozer, walang panama sa dibdib niya. Mapapaniwala ka naman talaga kasi may mga ekspertong nakaantabay sa kanya at maya-maya din kung mag-side comment. Nung matapos daanan ng bulldozer yung dibdib ni lalake, parang wala lang sa kanya. Para lang siyang nag-bench press sa gym. Pero may mas hardcore pa dun. Nung sumunod na episode, isang monk naman ang may kakaibang trip sa buhay. Isipin mo---barena---itututok sa sentido para testing-i

"Paki-spell ang Typographical Error"

Image
Yuck Fou. Hindi ako nagmumura. Nakita ko lang yan na nakatatak sa isang damit habang naglalakad sa kahabaan ng EDSA. Bold na bold ang pagkakatatak. Yuck Fou. Sa unang tingin, hindi na maganda ang mensahe sa parte ng utak kung saan masyadong sensitive. Nahusgahan pa agad ng sobrang linaw na eye sight. Pero makalipas pa ang ilang hakbang at muni-muni, saka ko lang na-realize na madumi lang talaga ang utak ko. Walang masama sa mensahe ng damit niya, ako lang ang nagbigay ng meaning. Kung aayusin sa utak ang totoong mensahe ng damit niya, magiging foul at ‘masyadong cool’ sa makakabasa. Lantarang pagmumura, na parang naghahanap ng hindi inaasahang atensyon at pagpapapansin. Pero dahil nga sa jumbled letters naman ang pagkaka-spelling nito, masasabing naging playsafe ang sino mang nakaisip nito---hindi man rekta pero sigurdong may impact. Kasalanan na siguro yan mismo ni mata at ni utak. Masyadong mabilis manghusga. Sila ata nagpa-uso ng ‘love at first sight’ kahit wala naman tal