"Please Be Careful With Your Post"
Meron akong ilang ‘friend’ sa FB na ina-unfollow ko. Hindi kami magkaaway, ayoko lang nakikita sa newsfeed ang hinaing at hinanakit niya sa buhay. Kun’di man personal na issue, away-kapitbahay. Walang palya yun, laging ganun. Bad vibes sa newsfeed. Nung una medyo nato-tolerate ko pa. Kaso nung tumagal, ibang level na yung rants sa buhay-buhay. Para bang araw-araw siyang ina-unfriend. Laging galit sa mundo. No choice, kesa naman mabawasan ang 300+ kong friendlist, in-unfollow ko na lang. Minsan gusto ko tuloy isiping wala sa pananamit o trip na telenobela ang maturity ng isang tao. Nagre-reflect na sila ngayon sa kung ano-anong klaseng status, sa lahat ng social media sites. Tulad ng isang pamangkin kong 1 st year high school pa lang. Puro tungkol sa galaxy at alien ang trip, samantalang yung ka-batch ko noon sa college e puro away nila ng dyowa niya ang buong puso niyang bino-broadcast. Take note, kadalasan naka-upper case lahat ng character at hindi bababa sa tatlo ang exclama