Mali Ako. Mali ka. Malisya.
Nakapasok ka na ba sa motel? Tricky question yan. Dalawa ang pwedeng sagot. Una, pwedeng may malisya. Green meaning. Pangalawa, pwedeng out of curiosity yung tanong. Depende pa yan sa nagtatanong, yung paraang ng pagtanong at kung paano yung pagkaka-deliver ng tanong. Ngayon, kung medyo mahalay ang utak mo, puwede mong gawing biro ang sagot. Play safe. Pero kung dedepende ka sa tono ng tanong, nasa sa’yo na kung paano mo ito sasagutin ng walang ibang meaning. Ang salitang ‘motel’ ay shortcut ng ‘motor hotel’. Hotel ito na matatagpuan sa mga roadside para sa mga motorista na galing sa mahahabang roadtrip. Kumbaga sa bus, stop over pero mas mahaba ang oras dahil madalas nagpapalipas ng gabi ang mga nagtse-check in dito para magpahinga. Usually ang mga kwarto nito ay nakahilera sa mababang building na may parking space direkta palabas ng kalsada. Yan ang tunay na meaning ng motel . Pero dahil ang generation natin ngayon e masyadong advance at futuristic, ang motel ay