Mali Ako. Mali ka. Malisya.
Nakapasok ka na ba sa
motel?
Tricky question yan. Dalawa ang pwedeng sagot. Una, pwedeng
may malisya. Green meaning. Pangalawa, pwedeng out of curiosity yung tanong. Depende
pa yan sa nagtatanong, yung paraang ng pagtanong at kung paano yung
pagkaka-deliver ng tanong. Ngayon, kung medyo mahalay ang utak mo, puwede mong
gawing biro ang sagot. Play safe. Pero kung dedepende ka sa tono ng tanong,
nasa sa’yo na kung paano mo ito sasagutin ng walang ibang meaning.
Ang salitang ‘motel’ ay shortcut ng ‘motor hotel’. Hotel ito
na matatagpuan sa mga roadside para sa mga motorista na galing sa mahahabang
roadtrip. Kumbaga sa bus, stop over pero mas mahaba ang oras dahil madalas
nagpapalipas ng gabi ang mga nagtse-check in dito para magpahinga. Usually ang
mga kwarto nito ay nakahilera sa mababang building na may parking space direkta
palabas ng kalsada.
Yan ang tunay na
meaning ng motel.
Pero dahil ang generation natin ngayon e masyadong advance
at futuristic, ang motel ay isang salita o simbulo ng makating utak.
(Wag ka na magpanggap. Alam kong madalas mong ginagamit na
joke ang salitang motel lalo na kung tungkol sa sex at kabit. Nangunguna na
dyan yung kulay pulang building.)
Naitanong ko yan kasi napapansin kong kakaiba tayo magbigay
ng meaning sa mga alanganing tanong. O sitwasyon, mga ganung-ganung bagay ba
lalo na sa kasarapan ng kwentuhan, sa tapat ng isang bote ng beer. Sinabi kong
kakaiba kasi madalas nauuna ang negative comment natin bago i-analyze ang lahat
ng detalye para sa mas simpleng komento, kesa sa komplikadong pagsagot nang
hindi muna inaalam kung paano o bakit. Nagbibigay agad ng conclusion ang utak
base sa kung paano nito bibigyan ng mas cool o makabuluhang sagot ang isang
makahulugang tanong, na madalas lumalagpas sa simple at payak na sagot na ewan
kung bakit nagiging weird pagdating sa mahalay na usapan.
Mas mautak ba talaga tayo pag green ang pinaguusapan?
Pagusapan natin ang malisya. Halimbawa, si boy ay inaya si
girl na manuod ng sine. Close friend sila. Parehong single. Walang malalim na
relasyon o history ng kalaswaan. Bored lang talaga si boy at walang magawa sa
pera kaya naisipang manuod ng sine, pero dahil mas entertaining kung may kasamang
girl kaya inimbitahan nito si girl na close friend naman nito. Pumayag si girl.
Nanuod ng sine. Kumain sa labas. The end.
Yun lang yun. Kumain at nanuod lang sila ng sine. Simpleng sagot.
Pero dahil mahilig tayo magbigay ng meaning at malisya, hindi sapat ang “Kumain
lang kayo? Weh?”.
Bakit ganun?
Simple. Hindi uso sa Pinas ang paglabas/pag-gimik/pag-gala
ng opposite sex ng walang meaning o malisya lalo pa kung out of nowhere ang
imbitasyon. Random ba. Senyales kasi ito ng unang hakbang ng ligawan. “Hindi ‘to
date a! Kakain lang tayo sa labas, tapos nuod ng sine. Okey lang ba sa’yo?”.
Eto ngayon ang twist: ang malisya ay nasa mata ng magbibigay
ng may malisya. Kanino? Nasa mata ng tatlong tao. Una kay lalake. Sige, isipin
na nating ‘na-bored’ lang talaga si boy kaya nag-aya ito lumabas. Tanong:
manunuod lang pala ng sine, bakit hindi na lang mag-isa ni boy? At bakit
kelangang si girl lang, o si girl pa ang kasama, puwede namang kaibigang lalake
(double meaning ulit pag same sex lumabas)? Or puwede ring group of friends na
lang?
Pangalawa, si babae. Aminin na natin, may mga babaeng mabait
at meron talagang malandi. Sa side ni babae, puwedeng ‘friendly date’ lang
talaga ang pagpayag niya kay boy, tutal close friend naman sila. Ngayon,
maaaring bigyan niya ito ng malisya kung may crush pala ito kay boy, na hindi
alam ni boy. Maaaring isiping liligawan na siya nito, pero si boy e walang
ibang intention kun’di gumala lang talaga dahil nga sa ‘boredom’. Maaaring may
mga inimbitahan din si boy, pero sa kamalas-malasang pagkakataon, iisa lang ang
umoo.
Pangatlo, yung mga makakakita. Sino-sino sila? Mga taong
parehong connected sa kanila. Circle of friends. At ang pinakamasklap,
kamag-anak. Natural, ano ang unang iisipin ng makakakita sa kanila?
Malisyoso 1: Nakita ko
si Boy at Girl kagabi, magkasama sa mall!
Malisyoso 2: Talaga? Baka
nagde-date na? Nag-holding hands ba?
Malisyoso 1: Hindi ko
napansin p’re, pero parang kakatapos lang nila manuod ng sine nun. Sinundan ko
nga e, dumiretso sila sa McJollibee. Ayun, kumain sila dun!
Malisyoso 2: Hala,
baka nga nagde-date na sila! Mai-post nga!
Ganyan na ganyan din kung paano tayo mag-isip sa salitang ‘motel’.
Kung tutuusin, ang motel ay lugar pahingahan, NOON. Pero dahil walang batas na
pumipigil sa premarital sex at mura lang ang tumambay sa malamig na kwarto,
magkakasundo ang utak ng mga malisyoso’t malisyosa sa pagkakataong pumasok ang
dalawang tao, specially opposite sex, sa nasabing lugar.
Pero para sa mga defensive, wag muna mag-react. Sige,
sabihin na nating ‘nagpahinga’ lang si boy at girl sa motel. Ang tanong: bakit
kelangan sa motel pa, kung magpapahinga lang? Kung ikaw ba ang yayain na
magpahinga sa motel, ano ba iisipin mo?
Wag kang plastik!
Para sa mga pilosopo, alam kong depende pa rin sa sitwasyon
kung bakit hindi dapat bigyan ng meaning ang simpleng paglabas-labas ng
opposite sex. Una, puwedeng mag-bestfriend sila. Walang malisya yun,
mag-bestfriend e. Pero ano ba ang meaning ng mag-bestfriend sa ngayon, lalo na
kung opposite sex?
1.
Nagkasundo lang sa isang bagay, naging
mag-bestfriend na dahil sa kagustuhan nila. Ex: parehong trip ang koreanovela o
k-pop.
2.
Mag-ex na ayaw mawalay sa isa’t isa kaya naging
ending ang mag-bestfriend.
3.
Parehong M.U. pero parehong takot na ma-reject
kaya pinandigan na lang na mag-bestfriend.
4.
Parang M.U.: less than lovers, more than
friends, but with benefits.
Kita mo na? Pati ang pagkakaron ng bestfriend e may malisya
pa rin?
Pangalawa, malay ba natin kung dati silang magkaklase na
aksidenteng nagkita sa mall? O kaya magpinsan sila? O magkapatid? O kababata na
wala talagang malisya?
Kung babasahin ang meaning ng malisya sa dictionary,
negative act ito. “The intention or desire to do evil; ill will”. To do evil,
wow. Parang gawaing demonyo. Ibig sabihin, lahat ng malisyoso e may tiket na sa
impiyerno, ng walang bayad.
Kasi nga, pinagisipan natin agad ng hindi maganda. Kasi nga,
hindi naman talaga ‘yun lang’ ang meaning ng pagde-date. Kasi nga, may iba pang
intention si boy kay girl. Kasi nga, pareho kayong may nakataong sungay.
Oo, merong mga relasyong nagsimula dahil lang sa malisya. Hindi
sadya. Hindi gusto. Nabigyan na lang talaga ng ibang meaning. Kung paano
binigyan ng malisya, hindi ko alam. Tanong mo kay talong, monay, mani, hotdog,
pasas at itlog. Mga inosenteng pagkain na binibigyan ng malisya.
Hindi lahat ng pumapasok sa motel, may ginawa ng…kakaiba. Hindi
porke lumabas o nag-date si kwan at kwan, sila na. Hindi porke hinatid ka sa
sakayan, nililigawan ka na. Hindi porke nilibre ka ng pamasahe, may crush na sa’yo.
Hindi porke pinapadalan ka ng sweet-text-message-every-now-and-then, may gusto
na sa’yo. Hindi porke inakbayan ka, closed na kayo. Hindi porke nagre-reply
siya sa text mo, M.U. na kayo. At hindi porke t-in-ag ka sa status, may
something na agad. Tandaan, meron lang talagang sadyang mabait, friendly at malandi.
Either way, mahirap mag-assume.
(Magkano nga ulit pag three hours lang?)
Comments
Post a Comment