Panis na Spaghetti sa Ibabaw ng Android Phone
Naging past time ko
na nga sa madaling-araw lalo na kung
hindi makatulog ang pagbababad sa 9gag o youtube. Real entertainment kasi. Meron
naman kaming cable, pero may mga pagkakataon talagang hindi na nakakatuwa ang
mga program sa tv. Kung hindi paulit-ulit, boring na.
Ang astig lang kasi minsan yung pa-scroll-scroll lang sa
9gag. Dun ko minsan na-realize yung mga maliit na bagay na nakakatawa,
nakaka-nostalgia at minsan napapa-curious na din. Dala na rin ng curiosity kaya
nag-install ako ng apps nun. Bukod sa youtube, meron na kong ibang
paglilibangan. Pamatay-oras.
Nanawa na rin kasi ako sa style ng facebook. Mas maraming pagkakataon
na kasing nakaka-bad vibes na yung mga nababasa ko. Alam mo yun, yung mga
status na papansin lang. Non-sense. May masabi lang. Yung mga ‘viral videos’ na
ewan kung bakit naging ‘viral’, hindi naman nakakatuwa. KSP ba.
Ganyan na ganyan din ang tema ng blog na to. Magpapansin. Sa
totoo lang, walang kinalaman ang title ng blog na to sa iniisip mo. Non-sense,
ulit. Umisip lang ako ng kakaibang title ng blog para maagaw ko ang atensyon
mo. Oo, KSP talaga. Pero dahil binabasa mo na to ngayon, meron kang dalawang
option: ihinto na ang pagbabasa o magpatuloy ka pa rin. Binabalaan na kita,
wala kang mapapala sa blog na to. Kinukuha ko lang ang atensyon mo. Testing lang
kung pano nakukuha ng mga salita ang atensyon ng isang taong tulad mo, na
walang magawa at umaasa sa instant entertainment. Ngayon, kung umabot ka na sa
paragraph na to, congrats sa’ken! Tagumpay ang pag-agaw ko sa atensyon mo.
Asan na nga ba ko?
Ayun nga, mga viral-viral videos na yan. Yung iba oo,
nakakatuwa. Pero ang hindi ko talaga matanggap minsan e yung mga taong
naghahangad ng mas higit pa sa viral. Gagawa ng video o picture, para lang
gumawa ng eksena sa mundo ng cyber world. Sabihin mo nga sa’ken, meron na bang
nanalo ng house and lot dahil sa pagsayaw-sayaw sa harap ng camera habang
pinapakita ang guhit ng puwet?
Oo, walang basagan ng trip. Kanya-kanya yan. Walang pakelamanan.
Kung ganun din lang ang katwiran ng iba, dapat hindi ka naaapektuhan ng mga
negatibong komento sa mga taong hindi natuwa sa trip mo. Gaya nga ng sabi ko,
walang basagan ng trip.
Hindi ko nga gaanong pinapansin yung mga pino-post o
sine-share na videos sa facebook, lalo na kung hindi naman interesante. Meron ilang
pagkakataon siguro na naaagaw ang atensyon ko, pero sa huli, pagsisisihan ko
rin kung bakit pinanuod ko pa.
Sabihin mo nga sa’ken, ano-ano ba ang bagay na nakakaagaw ng
atensyon mo?
Yuck fou. Tatak ng t-shirt yan. Wala namang direktang impact
sa’yo at hindi rin naman direktang sinabi sa’yo, pero agaw-atensyon sa marami. Ganyan
kasi tayo kasensitibo pagdating sa bad words. Pero mali ka, hindi naman bad
words ang yuck fou. Na-misinterpret mo lang talaga.
Nakakita ka na siguro ng mga taong mukha na lang ata ang
walang tattoo. Sa kanila, art yun. Pero para sa iba, papansin daw yun. Attention
seeker. Bakit? Sa normal na imahe ng tao, hindi normal ang mabalutan ng mga
drawing sa katawan lalo na kung exaggerated na. Bakit ulit? Hindi lahat kaya
yun. Hindi lahat naa-appreciate ang art sa katawan. Hindi lahat kayang maging
abnormal sa paningin ng iba, kahit normal sa sarili.
Haba ng intro, pero ang point ko talaga e ganito: naging ‘attention
seeker’ ka na ba, kahit minsan sa buong buhay mo?
Teka, ano nga ba ang attention seeker?
Isa itong pag-uugali o asal ng tao kung saan ang goal ay
makaagaw ng atensyon, mapa-normal man o exagge. Kadalasang problema ito ng mga
taong kapos sa bilang mga kaibigan o nagpipilit maging loner, na parang hindi
naman. May mga kaso din nito na nagdudulot ng dahil sa resulta ng problema sa
pamilya o maging sa sarili. Puwede ring dahil sa sawi sa pag-ibig.
Lahat tayo may kilalang ganto. Papansin. Kung wala, baka
ikaw na yun. Though yung iba e wala naman talagang balak mang-agaw ng atensyon
(ng hindi sinasadya), meron mga taong hindi na makapaghintay ng pagkakataong
pansinin sila, to the point na nagiging OA na at nakakakunot ng noo. Trip nila
yun. Kung napansin mo sila, accomplishment nila sa buhay yun. Tagumpay sila sa
pangarap nila.
Sabihin na nating naagaw na ng ilan ang atensyon mo, pero
paano kung ikaw naman ang naghahanap ng atensyon, ng hindi mo alam?
Heto ang ilan sa mga senyales:
Pasyonista. Lahat
ng usong damit, meron ka kahit hindi na…ano ba ang term? Hindi bagay. Yun. Kung
may natawa, pumuna o nag-compliment ‘kunwari’, side effect na lang yun. Basta ang
nasa isip mo, kelangang mapansin nila ang suot mo. Come what may. Paborito mo
ang mga t-shirt na mayaman sa offensive language at revealing cleavage.
Oo pati buhok. Ang buwanang pagbabago ng hairstyle. Kung nung
nakaraang pasko e kulay loro ang buhok mo, ngayon naman e parang galing sa
pawnshop: kulay ginto. Lahat na ata ng kulay sa color wheel, nasubukan mo na. Mag-shampoo
lang ang hindi.
Trouble maker. Tuwing
inuman at nagkakaron ng debate, daig mo pa ang may sapi ng abugadong
naka-drugs. Hindi ka papatalo. Ang target e dapat lahat ng salita mo ay batas,
at walang makakatanggi dahil kung hindi, pauulanan mo sila ng mura, at iibahin
mo na yung topic. Wala ka ng pakelam kung foul o offensive man ang sasabihin
mo. Ang mahalaga e naitaas mo na ang boses mo at dapat ipaglaban ang prinsipyo,
dangal at pride kahit tungkol lang naman sa telenobela ang ugat ng debate.
Napoles style. Meron
ka ng I-Pod, meron ka na ring Sony Xperia Z2, meron ka pang Samsung tablet, at
meron ka na ring latest model ng Mac book. Lahat ng ng latest, meron ka. Ibo-broadcast
mo pa sa social media na gusto mo mag-alaga ng tuta at nagsu-survey ka sa mga
friends mo kung ano pinakamahal na breed. Kinabukasan, nag-post ka pa na
mag-aalmusal ka sa Singapore gamit ang private plane. At kung meron mang close
friend ang nangamusta sa’yo, mabilis kang sasagot ng “Nagkape ako kanina sa Starbucks tapos dumiretso ako ng MOA para manuod
ng movie sa IMAX, pero nabored ako kaya nagpalipas na lang ako ng oras sa
Enchanted Kingdom dala-dala ang bagong carwash kong Benz. Kapagod nga e.”
Poser. Matindi-tindi
to. At marami nito sa mga social media. Kilala mo sila. Sila yung mga taong
paboritong mag-selfie, mag-upload ng picture ng kung ano-ano, pumosing na
parang cover magazine ng “Para sa lalake lang Magazine”. Okey na sana yung
araw-araw na pag-upload ng selfie, pero hindi ka pa nakuntento. Creativity ang
pagkuha ng picture habang nakaupo sa inidoro o nakanguso sa harap ng salamin,
ng public toilet.
Jackass. Mga super-clown
at joker na kung magpatawa e may kasama ng “Eeeww!” at mga stunts na “Syet ang
sakit sa eggs nun!”. Di bale ng pandirihan, tumawa ka lang.
Comments
Post a Comment