Word War 1

May mali sa paggamit ng salitang ‘salvage’. Base sa term ng media, ‘to kill’ ang meaning nito, malayong-malayo sa tunay na meaning galing sa urban dictionary o thesaurus. ‘To reclaim’, ‘to retrieve’ at ‘to save’ ang tunay na meaning nun. Malayong-malayo sa konsepto ng nakasanayan nating term pag nababasa natin sa mga tabloids, naririnig sa radio o napapanuod sa tv. Basta, opposite ng ‘save’.

Eto sa totoo lang, medyo comedy tayo sa paggamit ng mga salitang araw-araw na natin ginagamit pero binibigyan lagi natin ng ibang meaning. Nang ibang term. Opposite sa tunay na meaning. Halimbawa, ang salitang ‘ingat’ e madalas nating ginagamit bilang panggap na agimat sa mga taong nagpapaalam sa’tin. “Sige tol, ingat…”. Pero kung bibigyan ng ibang meaning, lalo na kung pabiro, maaaring gawing panakot o pangongonsensya. “Sige, ingat a?” [ngiting demonyo at matang mapungay]. Puwedeng positive, pero iba ang impact sa sinabihan. Puwedeng advanced warning, o pinapaalala niya lang sa’yo na baka mag-tanga-mode ka paauwi.

Salamat. Masarap pakinggan lalo na kung nakagawa ka ng mabuti. Medyo sexy kung ‘thank you’ pa ang gagamiting term, tapos medyo malandi yung boses. Pero hindi laging maganda ang dating sa utak ng salitang ‘salamat’ lalo na kung galing sa bibig ng umiiyak na ex. “Salamat sa lahat…”. O kaya galing sa utak ng magsu-suicide. “Thank you sa lahat-lahat!”. Pati ang salitang goodbye e hindi lang natin ginagamit bilang good vibes na pamamaalam. Napanuod mo na ba yung game show na “The Weakest Link”? Di ba pang-asar yung delivery ni Edu Manzano dun? "YOU ARE THE WEAKEST LINK, GOODBYE!”. Ang sakit-sakit pakinggan. Parang ang tanga-tanga mo nung time na yun kasi napagtulungan ka, dahil lang sa hindi mo nasagot yung tanong na “Sino ang unang tumaya sa lotto sa kasaysayan ng ‘Pinas?”.

Magulo? Medyo. Evolution of term. Lumalala ang pinanggalingan ng mga salita o origin (See etymology). Nagpasalin-salin na sa samut-saring utak at laway ang isang salita na kinalaunan e malayong-malayo na sa original na meaning. Depende sa sitwasyon. Depende sa utak. Depende sa trip.

Sa ibang bansa, kakaiba rin ang paggamit nila ng mga salita, lalo na yung mga bad words. Pansinin ang salitang ‘fuck’ kung paano ito ihalo sa araw-araw na pag-uusap ng ibang lahi. Ang tanong na “Who are you?” ay mas nagiging artistic kung gagawing “Who the fuck are you?”, na wala naman talagang kinalaman sa pag-construct ng pangungusap. Magastos sa character spacing at nakakangilo sa utak kung papakinggan.

Simple: I will love you for the rest of my life.
Artistic: I will love the fuck of you for the fucking rest of your fucking life.

(Influence ng mga tv series. Sorry na.)

Kahit ang salitang ‘bitch’ na paboritong-paboritong isaksak sa pag-uusap ng ibang lahi, mapa-normal man o simpleng away ay medyo awkward at weird kung hihimayin ang meaning.  Ang salitang ‘bitch’ ay nangangahulugan ng babaeng aso, wolf, fox o otter. Ngayon, kung paano nabuo ang ‘son of a bitch’ e hindi ko na alam. Baka nga dahil sa…ehem…dog-style kaya medyo…errr…ganun ang personality ng nanay. Bahala ka na mag-isip, basta yun na yun.

Balik tayo sa ‘Pinas.

Noong panahon ni Heneral Luna, pahirapan makuha ang salitang ‘I love you’ (di naman kasi sila sanay sa lenggwaheng ingles). Malalim at may pakahulugan ang…mahal kita…dahil sa pamumuhay na konserbatibo noon. Hindi basta-basta nakukuha. Hindi lang dahil sa isang likes, comment o shares. Hindi lang dahil sa isang text. At lalong hindi lang dahil sa pinagamit ka ng wi-fi ng kapitbahay. Sa ngayon, ang salitang ‘I love you’ e parang expression na lang na madaling bitawan, nang walang katuturan at walang tunay na meaning. MEMA. Me’ masabi lang. Mas madalas pa ngang gamitin ang salitang yun sa mga third party, kesa sa tunay na dyowa.

Mahal kita, kasi nagmamadali ako magka-dyowa. Mahal kita, kasi kelangan kita, pasensya ka. Mahal kita, kasi desperado/desperada na ko. Mahal kita, kasi ewan. Hindi ko rin talaga alam. Basta gusto ko lang sabihin na mahal kita, kahit hindi ko naman talaga mean.

So sino dapat ang sisihin sa pagiging epic-fail natin? Teleserye? Media? Internet? Mga member ng jejemon? O ex mo?

Nag-iiba ang salitang ‘I love you’ pag nakagawa ka ng kasalanan. Nagiging panget ang salitang ‘thank you’ pag sapilitan at nakanguso. Lumalabo ang ‘goodbye’ kapag hindi naman talaga siya aalis, at magkikita rin naman kayo kinabukasan. Walang saysay ang salitang ‘sorry’ kung paulit-ulit ang kasalanan.

Hugot pa more.

Comments

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!