Imoral Noon, Moral na Ngayon

Kamakailan lang may nakakwentuhan akong pastor (Baptist). Nakisali kasi ako sa usapan nilang magkaibigan na hindi naman nalalayo ang edad sa’kin. Bale nagtanong kasi siya kung ‘yun bang “judgment day” daw eh totoo. At dahil sa bihasa na sa bibliya, natawag ang pansin ko sa paraan ng pagpapaliwanag niya. Hindi ko rin naman maitatanggi na may punto naman ang lahat ng paliwanag niya, hanggang sa lumayo na ng lumayo at lumalim na ang diskusyon nila tungkol sa relihiyon, kaya pati ako nakisali na rin. At dahil nagpapanggap akong maraming alam kaya naitanong ko sa  pastor ang, “Kung ang lahat ng bagay may simula, saan at pa’no nagsimula ang Diyos?” (na sana hindi ko na lang tinanong kasi parang nagiba bigla ang mood niya).

Sa totoo lang, hindi magandang isali sa debate o diskusyon ang relihiyon. Wala kasing nananalo, lalo pa na pareho namang galing lang sa iisang aklat ang ideya ng lahat, AT dumarami ang bilang ng uri ng relihiyon. Iba-iba na ang paniniwala, ‘yung paraan ng pananampalataya, dasal, pananalig at donasyon. Mas maganda ang simbahan nila, mas mataas ang kanila, de-aircon ‘yung iba at mas magara ang iilan. Pero hindi naman talaga ‘yun ang isyu. Lahat naman ‘yan iisa lang ang pupuntahan: ang gumawa ng mabuti at moral.

PERO…

            Habang busy tayo sa pagsalakay ng mga bagong gadgets at paguubos ng oras sa facebook at twitter, hindi na natin napapansin na hindi na tama ang “term” ng tao sa salitang MORAL.

            Noon pa man, hindi tanggap sa batas ng tao ang pagkakasal ng same sex. Panahon pa lang ni Moses, isyu na ‘yan. Pero dahil sa ang tao ay sanay sa paglabag sa bawal at mas challenging ang pagtutol sa tama, lumawak ang prinsipyo ng mga third sex, sa tulong na rin ng media At makalipas ang ilang libong taon, tinanggap na ng maraming bansa ang pagpapakasal ng mga third sex. Imoral dati, moral na ngayon.

            Maniwala ka man sa hindi, moral ang pagpalo ng magulang sa anak. Disiplina ang tawag do’n, at nakasulat ‘yan sa bibliya. Pero hindi naman makatarungan ang pagpalo sa anak na parang mga neophyte sa fraternity. Mura lang ang sinturon, at mas convenient ang patpat na gawa sa kawayan, o ‘yung pangamot sa likod. Ang dos-por-dos at silya ay isang napakalaking SHIT para gawing pamalo. Hindi kita pipigilan kung gagamit ka ng sili bilang parusa sa anak mong expression ang mura. Effective ‘yan, take it from me.

            ISA NA NAMANG MALAKING PERO, may Bantay-Bata 164 na. Kayang kaya ka ng ipakulong ng sarili mong anak. Hindi na rin uubra ang pagbato mo ng eraser o chalk sa mga estudyante mong nagpapataas ng presyon ng dugo mo. Hindi mo na rin pwedeng gayahin si Cherry Gil para manampal, kasi, IMORAL na.

            Noon pa man, taliwas na ang simbahan (o ng ilang mga relihiyon) sa witchcraft Ili-litson ka lang naman ng taong-bayan kung sakaling mapatunayan nila na member ka ng mangkukulam. Hindi ka kasi pwede magkaron ng power lalo na kung hindi ka naman member X-Men. P-E-R-O dahil na rin sa blockbuster ang Harry Potter, masisisi mo ba ang pagkainteres ng kabataan sa ganitong hobby?

            AT ANG TWILIGHT???  Hindi rin naman tama sa mata NIYA ang pagiging bampira o taong-lobo ng isang tao (dahil hindi ka ulit member ng X-Men). Kesihodang bida ka pa ng pelikula at niligtas mo lang ang buhay ng isang babae, bampira ka pa rin. na sinundan pa ulit ng ilan pang istoryang uhaw sa dugo. Oo na, guwapo ka na. tssss…..

            Kapag nasa mundo ka ng politika, mataas ang respeto ng tao sa’yo. Nanunungkulan ka kasi para sa bayan. Gumagawa ka ng mga hakbanging magpapaayos sa buhay ng iyong mga nasasakupan at minsan na rin nagiging magandang halimbawa. Tinutulungan mo ang pamayanan mo na umangat ang estado ng buhay at mamuhay ng tahimik at masagana. Nararamdaman ng tao ang paggamit mo ng tama sa buwis, at minamahal ka ng tao dahil sa mga nagawa mo. Mataas ang pagtingin at respeto sa’yo. NOON ‘yun. Moral pa kasi ang gobyerno NOON.


Sabi ng pastor, “Hindi ka naman pipiliting maniwala sa isang bagay na mali sa iba at tama sa iba. Alam mo nama kasi ang tama, ba’t mo pa itatanong sa iba?”

Comments

Popular posts from this blog

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!