Posts

Si Kolorete at Burloloy: Mga Kuwentong Loom Bands at Alahas

Image
First time ko makatanggap ng relo galing kay erpats nung nasa elementary pa lang ako. Di ako sure kung anong grade na. Pinadalan kaming magkapatid ng relo na mas lamang ang kulay pula at manaka-nakang gold at silver. Parang kulay pamasko. Basta, pambata talaga yung itsura. Nagalangan pa ko kung talagang gumagana yun dahil dalawa lang ang kamay. Missing in action yung para sa seconds . Kung isusuot mo yun pagdating mo ng high school, baka magdalawang isip ka pang ipagyabang. Hindi naman siya pangit, hindi rin naman ganun kaangas.  Simple na medyo hindi ako komportable. Hindi dahil sa mas maangas ang G-Shock ng katabi kong kaklase, kun’di dahil sa hindi ako sanay na may nakasabit na burloloy sa braso ko. Mas sanay pa ata ako sa mga goma na pilit pinagkakasya sa braso tuwing maglalaro ng dampa. Mas maraming goma, mas maangas.             Hindi rin nagtagal sa’ken ang relo sa tatlong dahilan: nakakalimutan ko; nabasag nung ...

Dear Eraserheads: An Open Letter to Sir Ely, Raimund, Buddy and Marcus

Image
Dear Sir Ely, Marcus, Buddy at Raimund,             Magandang araw sa inyo mga idol.             Hindi ko sana magagawa ang liham na ito kun’di lang dahil sa astig na balitang napanuod ko nung nakaraang linggo: naglabas kayo ng dalawang bagong kanta. Ayaw ko sanang maniwala sa balita kaya lumapit ako ng bahagya sa tapat ng telebisyon para lalo kong maintindihan ang balita. Dalawa. Bago. Kanta ng Eraserheads. Sa loob ng isang dekada, simula ng mailabas niyo ang huling single na “Maskara”, ngayon na lang ulit ako nakarinig ng astig na kanta galing sa bandang nagbigay ng inggit at inspirasyon sa isang tulad kong panggap na musikero. Impluwensya galing sa local band, ika nga ng ilan. Bukod pa dun, naging cover kayo ng isang magazine, kung saan e tinawid niyo rin ang pedestrian lane ng Abbey Road gaya ng Beatles. Astig at priceless.      ...

Kelan At Paano Naging Weird ang Normal na Bagay?

Isa sa dating katrabaho ko noon ang hirap na hirap akong sabayan sa pagkain tuwing breaktime. Hindi dahil sa buraot siya, kun’di may kakaiba siyang paraan o sariling version ng paggamit ng ketchup. Isipin mo---ginisang munggo---may ketchup. Totoo to, hindi joke. Ang akala ko e naglalaro lang siya. Trip-trip lang. Pero yung mga sumunod na araw ang lalong nagpakunot ng noo ko at sumira ng appetite. Isipin mo na lang ang tinola, ginisang pechay, pakbet at nilaga---lahat sila may halong ketchup. Pero hindi lang naman siya ang kakilala kong may pagka-weirdo pagdating sa pagkain. Isang kababata ko naman ang naglalagay ng mayonnaise sa lahat ng ulam. As in, lahat---may sabaw man o tuyo. Mas ginaganahan siya sa ganung style at mapapansing hirap siyang ganahan kumain kung wala nito. Habang enjoy na enjoy siya sa sarili niyang recipe, curious naman kaming mga kasabay niya sa pagkain. Mantakin mong pati yung inorder naming spaghetti sa isang fastfood, hinanapan niya ng libreng mayonnaise. ...

Mga Sintomas ng F.A.D. (Facebook Addiction Disorder)

Bagamat talamak at lantaran nang ipinagmamalaki ng ilan ang kaadikan sa ilang masasamang gawain (alak, yosi, droga at porn), dumarami din ang nasisira ang buhay dahil sa networking site na ito. Facebook, wala ng iba. Hindi tulad ng mga bad influence na bisyo, wala itong rektang side effects sa kalusugan ng tao (depende kung mas priority ang pag-log-in kesa sa pagkain). Kadalasang sumisira at nagbibigay ng hindi magandang impluwensya sa utak ang ilang oras na pagbababad sa nasabing site. Social networking site lang, pero nakakatuwa o nakakagulat paminsan-minsan kung paano nito baguhin ang sistema ng tao. Hindi kasama sa listahan ng necessity ng tao ang pagbuo ng account sa peysbuk, pero iilang porsyento na lang ng populasyon ng tao sa buong mundo ang walang account o hindi kilala (o hindi interesado) ang site na ito. Ultimo alagang hayop, member nito. At kahit na hayop na nag-aasal tao o vice versa, kabilang dito. Malamang na maging katawa-tawa o laos ang isang tao kung saka-sakal...

"The god That Failed"

Simula ng magka-wifi sa bahay, halos araw-araw na kong sumisilip sa newsfeed. Nakikibalita. Nakiki-tsismis. Kahit ano o kahit sino lang. Updated sa mga current events at trending. Updated sa mga kakilala at nasa ‘friends list’.  Kung anong pinaggagawa nila sa mga nakalipas na araw; kung ano ang naging interensante sa buhay nila; at samu’t saring status na ewan kung totoo o “copy + paste”. Sa ilang minuto kong pamamalagi sa sarili kong account, nadadagdagan ang impormasyon sa utak ko kahit pa-browse-browse lang at paiskro-scroll down. Ganun lang kasimple. Ganun lang kadali. Automatic yun araw-araw, kahit pagod ako o wala sa mood. Mas madalas na bago matulog pagkagaling sa trabaho. Minsan nasusundan pa pagkagising, bago naman pumasok. Nagiging bahagi na ng past time o habit. Parang tumatamlay ang hindi-ko-na-babanggitin-ang-brand-ng-smartphone-ko kapag hindi ko napipindot ang ‘wi-fi on’. Nagiging dahilan para ma-lowbatt ang hindi-ko-na-babanggitin-ulit-ang-brand-name-ng-smartpho...

Mga Dahilan ng Break Up

Bilang estudyante ng elementary noon, madali lang para sa’ken sagutin ang tanong na “What is love?” sa slum note (ewan kung uso pa rin ito sa mga estudyante ngayon). Dahil hindi pa naman ako ganun kainteresado sa pakikipag-fling o pakikipagrelasyon, naniwala na lang ako sa ilang mga kaklase ko sa katagang “Love is like a rosary that is full of blah blah blah…”. Sa tantiya ko, hindi bababa sa tatlong kaklase ko ang nakigaya sa ganung uri ng definition. Sa murang edad, ang ganung uri ng rason e isa ng mabigat na prinsipyo na kahit ang mga titser e magdadalawang-isip kung bakit nauso ang ganung uri ng paniniwala, kahit karamihan sa’min e hindi pa tuli. Pero wala akong pake. Bahala na sila kung bansagan man akong walang originality. Mas problema ko kasi noon kung saan ako kukuha ng pera para makapaglaro ng Street Fighter at Contra. Ngayong nagbabayad na  ko ng buwis at may mahigit isang libong likes sa page (na ewan kung natutuwa ba sila sa mga pinagsasabi ko), malabo na para sa’k...

Mga Senyales na Dapat Ka ng Makipag-Break

Mambabasa, pinangungunahan na kita na hindi ka tuturuan ng blog na ‘to para makipag-break. Isipin mo na lang, senyales ito galing sa langit na matagal mo na rin namang tinatanong sa sarili mo habang nag-uubos ng tissue sa gabi, pumapapak ng ice cream at nag-aabang ng wishing star. Ang lahat ng nakasaad dito ay opinyon ko lang at nakalap na ideya galing sa bibig ng mga taong nakapag-move on na at nakapagpalit na ng jowa (salamat na rin sa internet!). Wag ka mag-alala, hindi mo kelangan ng buhay na manok, orasyon at bigas na isasaboy sa pinaghihinalaang ‘nuno sa punso’ para matauhan sa mga babanggitin kong…ewan kung tips ba o advice. Bahala ka na. Pinangungunahan ulit kita: hindi ka tanga, hindi ka bobo at higit sa lahat, tao ka. May mga pagkakataon lang siguro na nakakalimutan mong gumamit ng utak, lalo na sa usaping pag-ibig. Kasalanan yan ng pagbababad mo sa mga telenobela at pagkahumaling sa pocket books. At oo, alam ko, hindi ako anak ng Diyos at lalong hindi kami textmate ni k...