Kelan At Paano Naging Weird ang Normal na Bagay?
Isa sa dating katrabaho ko noon ang hirap
na hirap akong sabayan sa pagkain tuwing breaktime. Hindi dahil sa buraot siya,
kun’di may kakaiba siyang paraan o sariling version ng paggamit ng ketchup. Isipin
mo---ginisang munggo---may ketchup. Totoo to, hindi joke. Ang akala ko e
naglalaro lang siya. Trip-trip lang. Pero yung mga sumunod na araw ang lalong
nagpakunot ng noo ko at sumira ng appetite. Isipin mo na lang ang tinola,
ginisang pechay, pakbet at nilaga---lahat sila may halong ketchup.
Pero hindi
lang naman siya ang kakilala kong may pagka-weirdo pagdating sa pagkain. Isang
kababata ko naman ang naglalagay ng mayonnaise sa lahat ng ulam. As in,
lahat---may sabaw man o tuyo. Mas ginaganahan siya sa ganung style at
mapapansing hirap siyang ganahan kumain kung wala nito. Habang enjoy na enjoy
siya sa sarili niyang recipe, curious naman kaming mga kasabay niya sa pagkain.
Mantakin mong pati yung inorder naming spaghetti sa isang fastfood, hinanapan
niya ng libreng mayonnaise.
Weird.
Ewan kung
weird, pero na-try ko na rin namang maglagay ng mayonnaise sa instant pancit
canton. Okey naman ang lasa. Sinundan ko naman ng paglalagay ng cheese spead. Okey
din naman ang resulta. Hindi weird. Nagkaron lang ng twist yung lasa. Nito ngang
nakaraan, nakaugalian ko na ang paglalagay ng ketchup sa pansit bihon, tuwing
almusal. Nabalitaan ko kasi yung tindahan ng pansit sa Laguna na specialty ang
paglalagay ng ketchup ng pansit. Out of curiousity, ginaya ko na rin. Gaya ng mayonnaise, okey
naman ang lasa.
* * *
Noong bata
ako, meron akong kakaibang phobia. As in kakaiba talaga, dahil never pa akong
nakarinig ng katulad kong istoryang tulad nito. Dati kasi, takot na takot ako
kapag nakakarinig ng tunog ng eroplano, lalo na kapag nagbabagsak ng atomic
bomb sa inidoro. Seryoso yun. Bigla na lang akong tatakbo palabas ng banyo
hanggang sa makalayo ang eroplano, saka ako babalik sa session. Oo, nakahubad. Bata
pa naman ako nun, wala pang alam sa malisya. Ngayon-ngayon lang, hinananap ko
sa internet kung meron bang ganung uri ng phobia. Walang lumabas sa result kun’di
“Ang weird mo!”.
Bukod dun,
meron pa akong isang weirdong kinatatakutan. Simula pagkabata, ewan ko ba kung
bakit nakakaramdam ako ng takot tuwing maririnig ko ang ‘Lupang Hinirang’
tuwing sign-off na ang isang tv channel. Oo, seryoso yun. Isang beses nga,
nakatulugan ko na yung tv. Dahil medyo mababaw lang ako matulog, napabalikwas
talaga ako at super-bilis kong pinatay yung tv nung bitawan na ang unang nota
ng pambansang awit. Oo nga, seryoso nga yun. Nasa college na ko nun ng mangyari
yun.
* * *
Alam mo
bang sa Thailand ,
ilegal ang pagtapak sa pera?
Sa Montana naman, puwedeng
ikasal ang bride at groom, kahit ‘pareho’ o isa sa kanila ang missing in
action. Solusyon? Proxy wedding. Pero puwede lang yun sa mga sundalo o miyembro
ng militar. Magpe-pretend na lang ang isang malapit na kaibigan na maging bride
o groom para maikasal, pero valid pa rin. Hindi lang ako sure kung pati
paghalik at honeymoon ay kasama sa package deal. Pero kung sa tingin mo e weird
na yun, eto pa ang isa. Sa Utah ,
puwede mo ng pakasalan ang pinsan mo---pero---kelangan pareho kayong 65 years
old. Kung ano man ang rason nila dun, hindi ko na alam. Meaning, legal ang
incest sa kanila.
Noong 1800,
nagkaron ng batas sa Arkansas
na puwedeng saktan ni mister si misis, once a month. Wow. Once a month. Kumbaga
pag badtrip ka sa buhay o talo ka sa sugal, puwede mong pagbalingan ng galit si
misis, nang maluwag sa loob. Hanggang ngayon implemented pa rin to.
Bawal humalik
sa misis ang mga mister na bigotilyo lalo na sa mga pampublikong lugar, ayon
yan sa batas ng Iowa .
Ilegal
din sa Massachussetts ang pagpatong ni misis kay mister tuwing magdadagdag ng
populasyon. Ibig sabihin, dapat laging si mister ang nasa ibabaw. Pero pano
naman nila malalaman yun? Namboboso ba ang mga pulis sa lugar nila?
Sa Hong
Kong, legal ang pagpatay sa asawa kung mahuli mo itong nangangaliwa. Pero dapat
sure ka muna. At wala kang ibang gamit kun’di ang sarili mong mga kamay. Bawal ang
laser sword ni Voltes V o atomic bomb. Kung sa Pinas na implement to, malamang
bumaba ang bilang ng populasyon natin. Sisikip din ang mga sementeryo.
Ang weird.
* * *
Nabansagan
na kong weirdo dati nuong mga kapanahunang paborito kong suotin ang kulay itim.
As in lahat. Inakala ng ilan na gumagamit ako ng ipinagbabawal na gamot at
miyembro ng modernong kulto. Wala naman akong ibang rason para dun kun’di,
maaliwalas lang tingnan para sa’ken ang kulay itim, lalo na sa t-shirt. Wala akong
balak sumali ng kulto. Nagpapanggap lang talaga akong rakista nun kaya
pinipilit kong magmukhang rakista sa pagsusuot lagi ng itim.
Hindi ko
minsan ma-gets kung kelan nagiging weird ang isang bagay.
Ang tanong:
bakit naging weird?
May
mga bagay sa mundo na kinasanayan at kinalakihan na natin. In short, naging
tradisyon. Lahat ng tao, sumusunod sa pare-parehong sistema ng pagkatao para
matawag na normal na nilalang. Sa oras na baliin o i-modify ang isang bagay o
gawain na hindi maganda sa paningin ng iba o taliwas sa opinion ng nakararami,
dito na papasok ang pagiging weirdo, lalo na kung may kakaibang paraan, proseso
o sistema. Kung ‘out-of-this-world’ na ang trip mo, maaari ka ng bansagang
weird sa kadahilanang iniiba mo ang konsepto ng pagiging ordinaryo.
Ordinaryo.
Simple. Paano ba yun?
Halimbawa,
ang anatomy ng isang simpleng hamburger ay binubuo ng bun, burger patties at
ketchup at mayonnaise. Sa Pinas yan, pero sa ibang bansa, dapat merong ekstrang
gulay. Pag may cheese, automatic ng cheeseburger ang tawag. Ngayon, kung isasama
mo sa gitna ng burger patties ang ilang piraso ng French fries, medyo okey pa
din yun. Naging extra-ordinary, pero hindi pa rin masasabing weird. Ngayon,
kung gusto mong maging weird, maaari mo ng gawin ang mga kakaibang bagay gaya ng pagtanggal ng
burger patty, pagsawsaw ng hamburger sa softdrinks o ice cream, o pag-order ng
cheeseburger, pero tatanggalin mo din yung cheese bago kainin. Puwede ring lagyan
ng tissue kung medyo level-up na ang ka-weirduhan.
Muntik
ko na ngang maibuga yung hawak kong kape nung isang gabi habang nanunuod ng
balita. May isang matalinong politika ang nagpasa ng bill. Anti-selfie bill. Medyo
weird pero naisip ko lang, hanggang ganun na lang ba talaga ang mga magagawa
nating batas at pati ang kaligayahan ng ilan e babawalan pa?
May
ilan kasing mga netizens ang pakunwang nagse-selfie, pero yung nasa likuran
naman talaga ang highlight ng picture. Meaning, kawalan ng privacy. Hindi nga
naman magandang gawain yun, lalo pa’t nagkalat ang samu’t saring krimen dahil
lang sa maseselang pagpo-phost ng mga larawan sa iba’t ibang networking site. Pero
bakit kelangan pang isabatas? Puwede namang wag na lang gawin. Paalalahan. Ipamukha
sa lahat ang salitang ‘privacy’.
Bakit hindi
nila paigtingin ang mga kasalukuyang batas? Gumamit ng kamay na bakal? O kaya
ibalik ang death penalty?
Balik tayo
sa usapan.
Alam mo
bang nasa batas na puwede kang kasuhan ng rape, kahit sa sariling mong asawa
ginawa?
Isa pang
weirdong batas ng Pinas ay pagto-toss coin kung sakaling mag-tie ang
magkatunggali sa eleksyon. Totoo to. Ayon yan sa Comelec Resolution No. 9648 na, “the Board immediately
notify the said candidates to appear before them for the drawing of lots to
break the tie. The drawing of lots should be conducted within one (1) hour
after issuance of notice by the Board to the candidates concerned.” (Wag ka mag-alala, pati sa US ginagamit din ang method na
yan).
Ipinagbabawal din sa bansa natin ang pagmamay-ari ng deadly
arrow. Opo, pana. Yung paboritong weapon
ni Legolas at Robin hood, alinsunod sa 1960’s Republict Act no. 3553 o “Anti-Pana
Law” na, “anyone who possesses a deadly
arrow or ‘pana’ without permit from a city, municipal, or municipal district
mayor, shall be punished by imprisonment for a period of not less than thirty
days nor more than six months. The phrase ‘deadly arrow’ or ‘pana’ as used in
this Act means any arrow or dart that when shot from a blow or slingshot can
cause injury or death of a person.”. Pero halimbawang parte ito ng
hanapbuhay, kelangan mo munang mag-register sa munisipyo para kumuha ng permit,
para hindi ka magpakamalang weird.
At kung inaakala mong ilegal ang pagpatay, puwes, medyo mali ka. Dahil ayon
sa Article No. 247 ng Revised Penal code, maaari mong patayin
ang iyong sariling asawa kung mapatunayan mo itong sumakabilang-bahay o
maraming ka-flirt. Sabi nga sa batas, “who
having surprised his spouse in the act of committing sexual intercourse with
another person, shall kill any of them or both of them in the act or
immediately thereafter, or shall inflict upon them any serious physical injury,
shall suffer the penalty of destierro.” Pero dapat, “with respect to their
daughters under eighteen years of age, and their seducer, while the daughters
are living with their parents.”.
Pero hindi talaga yun ang problema ko. Si Hello Kitty.
Weird.
Comments
Post a Comment