Lahat ng Bagay, May Kapalit

Kung napanuod mo na ang anime na “full metal alchemist”, maiintindihan mo ang takbo ng physics sa buhay ng tao. HINDI-KA-PWEDE-MAGKARON-NG-ISANG-BAGAY-NA-WALANG-PINAGMULAN. Hindi ka pwedeng yumaman dahil gusto mo lang. Hindi ka pwedeng maging kasing galing ni Michael Jordan sa isang araw lang na practice. Hindi ka rin pwede maging superhero kung hindi ka nakagat ng gagambang abnormal o wala sa lahi n’yo ang pagiging mutant. At hindi ka rin pwede pumayat kung hanggang salita lang ang “papayat ako”.


            Dati may kaklase ako nung high school na kaya niyang ipagpalit ang pagiging matalino basta gumaling lang siya sa basketball, para yumaman daw siya. Okey lang daw sa kanya kahit maging bobo na siya sa klase basta kasing galing niya si Michael Jordan. Ngayon kung ‘yun pa rin ang gusto niya, malamang naisip niya na kelangan niya pa rin ng talino para gumaling siya sa basketball.


            Isa sa paboritong libangan ng tao ang yosi at alak. Sa ngayon, ok ‘yan. Cool. At “in” sa society. At walang tamang bilang ang dami ng nakokonsumo ng isang tao sa buong buhay niya. Basta matugunan niya ang pangagailangang pang-baga at atay, ayos na. wala kang pakelam sa katagang “drink moderately” at “government warning: smoking kills”.


            Kapag maraming sasakyan, marami din akong consumer ng gasolina. At isa ‘yan sa pinakamabili sa buong mundo. At pa’no na lang ‘pag wala na tayong mapagkunan? Isa rin ‘yan sa dahilan ng giyera ‘di ba?


            Bawat linggo o buwan, maraming bagong naglalabasan na iba’t ibang modelo ng mga electronic gadgets gaya ng cellphone o digicam. Isa ito sa mga necessity ng tao. At isa rin ito sa dahilan ng pagdami ng mga taong tumatalino para lang gumawa ng masama sa pagnanais na magkaron nito bilang pansariling kagustuhan. Mainit sa mata ng marami, at minsan ding ugat ng inggit at kayabangan.



             Marami na ang instant lalo na sa pagkain. Bawas problema ito sa marami at ginhawang dulot na rin para sa’ten. Sino ba naman ang hindi tatangkilik sa instant? Bakit pa ba tayo magpapakahirap sa mga bagay na pwede namang magpadali sa pang-araw-araw na gawain naten? Bakit pa tayo magtitiyaga sa mga bagay na manual kung meron ng “3-in-1”, “no cook food”, “ready to eat” at “just add hot water”? (anong edad na nga ba ang average na lifespan ng tao?)



            Isa kang magaling na mang-aawit. Sikat ka sa buong mundo. Lahat ay nahuhumaling sa ganda ng boses mo. Best selling ang lahat ng album mo at sold out lagi ang concert mo. Kahit sa’n ka mapunta, lahat sila humihiyaw at nagpapakamatay para man lang mahawakan ang kamay mo o kahit na mapunasan mo man lang sila ng pawis mo. Sinasamba ka nila. Walang araw na hindi ka pinapansin ng tao, mapa-tv, radyo o dyaryo man lang. Ultimo pagpapagupit mo ng buhok o pag-inom mo ng mamahaling alak uusisain nila, pati na ang pribadong buhay mo. At marerealize mo na wala ka ng privacy. Wala kang karapatang gumawa ng mali at wala ka ng karapatan maging normal ang buhay mo.



            Ginawa nang pabahay ang ilan sa mga nanahimik na kagubatan at kabundukan sa bansa. At para ito sa mga taong walang tirahan at biktima ng mga kalamidad. At dahil sa hindi naman mapipigilan ang pagdami ng tao, abangan mo na lang kung saan ang susunod na parusa sa kalikasan.



            Maraming pulitiko ang yumayaman ng walang dahilan. Marami ang naghahanap ng pondo ng bayan kasi hindi naten nararamdaman. Marami ang umaabuso sa kapangyarihan at marami ang umiilag sa ganitong kapangyarihan. Marami ang lumalaban para sa kaban ng bayan, pero pilit din silang pipigilan para manahimik na lang.


LAHAT NG BAGAY MAY KAPALIT…


Comments

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!