7 Deadly Sins Part 3: Envy
Aakalain ko bang meron palang ubod
sa swerteng nilalang sa mundo? As in milyon-milyong swerte? ‘Yun bang lahat na
ata ng zodiac sign sa horoscope, meron siya?
Sa
maniwala ka man o hindi, apat na beses ng nanalo sa lotto si Joan Ginther ng Texas , USA .
Oo. Four times. Kung pagsasama-samahin nga lahat ng napanalunan niya, aabot sa
mahigit 20 milyon ang napanalunan niya, na kung iko-convert mo dito sa ‘Pinas,
aabot lang naman sa P820 milyon (P41.00 kasi ang kasalukuyang palitan ng dolyar
ngayon). Sobrang laking swerte na kahit ata habambuhay kang gumamit ng sipag at
tiyaga, mauunahan ka pa ng pagdating ng mga alien sa mundo bago mo maranasan
ang magkaron ng talaga namang nakalululang pera. Totoong instant money.
Nakakainggit.
Parang minsan gusto kong makausap man lang siya kahit saglit para bigyan ako ng
tip kung ano-ano ang mga masusuwerteng numero at samu’t saring lucky charms na
pwede niyang i-share, para makaranas din ako ng swerte niya, kahit isang beses
lang. Kahit ialay ko na yung isa kong kidney sa kanya, ayos lang. Bibili na
lang ako ng bago pag nanalo ako.
Aaminin
ko na minsan ko na rin naging pangarap at naisulat sa slum note ang “sana
manalo ako sa lotto para makakain ako ng chickenjoy sa Jollibee ng 100x kahit
hindi ko birthday…”. Sa halagang P20 (na dating P10 at ewan kung nakikisabay sa
pagtaas ng gasolina), sino ba naman ang hindi maeenganyo sa pangarap na maging
milyonaryo, sa isang iglap? Sino ang hindi sasapian ng kung ano mang ispiritu
ng kayamanan habang napupunit ang bibig sa laki ng ngiti at halakhak sa oras na
mabola ang anim na numerong ilan taon mo ding inalayan ng manok at usal? Sino
ang hindi makararanas ng pansamantalang pagkabaliw kung biglang magbago ang buhay
at guhit ng kapalaran ng dahil lang sa bente pesos at anim na numero? Sino? Sumagot
ka!
Kasalanan
man ang mainggit, pero gaya
ng utot, hindi ko maiwasang maramdaman. Oo, tao din ako. Hindi lang sure minsan
lalo na kapag napapatingala ako sa kalawakan at naghahanap ng signal galing sa
ligaw na bulalakaw.
Parang
minsan, unfair sa mga tulad ko na kahit man lang ang dahilan ng pagkapanalo ko
ay balik-taya, hindi ko maranasang swertihing manalo. O yung kahit 100 kaming
mananaya na aksidenteng nakaisip ng pareho-parehong numero at yung jackpot
prize e P1 milyon lang. Pwede na yun. Makapag-post man lang ng status na “Nanalo ako sa Lotto, maderpaker!”. Tapos
uulanin ako ng mga komentong balato. Magiging instant celebrity ako. Dadami din
ang friends ko. Tapos maglalabasan lahat ng mga nakatago kong kamag-anak. Yung
mga nakaaway ko, magiging tropa ko na rin. Mamumula sa notification ang
facebook account ko ng “P!@#$%^ balato
naman diyan!”. Baka sakaling maging trending din ako sa twitter.
Mararanasan ko rin ang magkaron ng stalker, yung may hawak na kutsilyo.
Kakaibiganin na ko ng mga kapitbahay. Ang saya!
Asa
pa. Pangarap lang yun. Nadala lang ako ng inggit kaya ko naisip ang mga ganung
bagay.
Pero
dapat ba kong mainggit?
Gago ka kung hindi ka
makaramdam ng inggit sa apat na beses na panalo sa lotto.
Tsaka ano ba talaga ang kinainggitan
ko sa kanya? Yung swerte niya sa pagtaya ng lotto, o yung nakamtan niyang
instant-yaman?
Napapansin
mo bang mas madalas kainggitan ang mga taong maraming bank account kesa sa mga
taong nabiyayaan ng mga tunay na yaman? Na mas kinaiinggitan ang mga taong
nabiyayaan ng malaking balakang, makinis na kutis, maputing kuyukot, flawless
na kilikili at dinaya-at pekeng-pigura-ng-katawan?
Mas
kinaiinggitian ang mga bagay na para lang sa sariling interes.
Bibihira
akong makarinig ng litanyang “Hay naku
girl, nakakainggit yung neighborhood namin. Kasi every dinner, sabay-sabay
silang kumakain ng family niya. They pray bago sila kumain. Kainggit ‘di ba…?”.
Ni minsan hindi ko pa nabasa sa araw-araw na status ang “Nakakainggit si Ginang Choleng! Ang dami niya kasing true friends! Sana ako rin magkaron din
ng maraming-maraming true friends. Syet na life talaga oh!”. Mas mabenta
ang salitang ‘inggit’ sa mga bagay na materyal at ‘outer beauty’. Mas trending
na kainggitan ang mga sikat na celebrity (kaya nga sikat e kasi celebrity,
bungol!) kumpara sa mga taong nakagagawa ng mga bagay na mabuti at
kapaki-pakinabang. Hindi kabutihan ng dahil lang sa showbiz at “We’re just
friends…”.
Eto
ulit ang tanong ko: paano nagsimula ang inggit?
Adan: Bakit ganun? Mas malaki ang dibdib mo kesa sa’ken?
Eba: (Nag-pose na parang model ng bra) Mamatay ka sa inggit! Hitsura
mo…
Masama ang mainggit. Ugat kasi ng
kung ano mang krimen o pagkakasala ang inggit. Magsisimula ito sa tsismis,
hanggang sa pasa-pasa na ng bibig at laway, hanggang sa minsan ang resulta,
maling produkto na. Yung sanang maganda at ‘inspirational’ na kwento ‘lang’,
naging mitsa pa ng kasalanan. Ayun, minsan headline na sa dyaryo at kung
ano-anong balita sa tv yung kawawang kinainggitan kuno. Wala namang nagawang mali yung
biktima. Nakapitan lang ng inggit sa katawan yung iba, hindi daw sadya.
Kung
hindi man tinutuligsa ng mga kauri sa estado ng buhay o sinisiraan ang
pagkatao, mas masaklap na resulta yung gagawan na ng sariling hukay. Ngayon
kung tatanungin mo naman ang dahilan kung bakit niya nagawa ang hindi dapat,
hindi naman 100 porsyentong aamin ang nainggit na dahil lang sa ‘inggit’ kung
bakit niya nagawa ang ganung bagay. Uulanin lang kasi siya ng tawa at kunot ng
noo na may kasamang pagtaas ng kilay hanggang kisame, at malamang sa malamang
na trending siya kinabukasan sa lahat ng sulok ng Pinas, partikular na ang utak
ng mga taong umaasa sa autobiography ng iba. Kung baga, makatarungan at cool
naman daw ang nagawa niya kasi hindi niya maiwasan ang mainggit.
Naiinggit
ako sa mga taong masyadong maraming alam sa buhay. Yung mga taong kulang na
lang palitan yung pangalan nila ng ‘Google’. Minsan yung mga taong nabiyayaan
ng maraming talento at sobra-sobra ang common sense of humor sa katawan, lubha
ko silang kinaiinggitan, as in. Para bang mas
marami akong bagay na kinainggitan na mas madalas, hindi materyales na bagay.
Bibihira akong mainggit sa magandang tela ng pantalon nakakatabi ko sa jeep at
bus. Hindi ko rin matandaan kung nainggit ba ako sa mamahaling pabango ng mga
nakatrabaho at kasalukuyan kong katrabaho. Hindi ko rin maalala kung dapat ko
bang kainggitan ang mga lalakeng naglalagay ng foundation sa mukha.
Tingnan
mo, noong bata ka pa lang, naiinggit ka sa mga kalaro mo na halos linggo-linggo
kung magkaron ng mamahaling laruan. Nung nagbinata at nagdalaga ka naman,
kinainggitan mo ang mga kaklase mong unang nagpatule at tinubuan ng adams apple, kuminis ang kutis at tinubuan ng ‘hinaharap’.
Kasabay na rin doon ang pagkakaroon ng unang pagibig, unang halik, unang yakap
at unang “Sir, may bakante pa ba?”. Nang tumagal-tagal, kinaiingitan mo na rin
ang lahat ng mga bagay na wala ka, at walang pagkakataon na magkaraon ko.
Kinainggitan mo ang sahod at posisyon ng mga katrabaho sa opisina. Pati yung
unang kotse ng kapitbahay, hindi mo naiwasang mainggit. Nung nalaman mong
kinasal na ang ex mo, nainggit ka at napaisip kung kelan ka rin magpapakasal
(kung meron mang pakakasalan). Nagkaron na ng pamilya ang ilan sa mga kaibigan
mo, nakaramdam ka na naman ng inggit. Hanggang sa tumanda ka, kinaiinggitan mo
rin ang mga ka-batch mo na malakas pa ang resistensya ang katawan at nakikiuso
pa kung ano ang trending.
Buong
buhay mo, hindi ka nakaligtas na mainggit.
Ni
minsan, hindi ka iniwanan ni inggit.
Pinangarap
mo na sana ,
ikaw naman ang kainggitan. Na sana
magkaron ng pagkakataon na mas maraming tao ang mainggit sa’yo, kung ano man
ang mga bagay na meron ka na talaga namang kainggit-inggit. Pinagdasal mo na sana , dumating ang
panahon na ikaw naman ang pagmumulan ng inggit ng iba.
Naniniwala
ako na sa kabila ng pangit na resulta ng inggit, kasabay naman nito ang
inspirasyon. Lilitaw din ang salitang impluwensya. Na kung marami ang
mai-inspire at maiimpluwensyahan, mas cool. Naniniwala ako na hindi lahat ng
mga naiinggit, pangit ang iniisip. Naniniwala ako na ang taong naiinggit,
lalong napupursige at lalong lumilitaw ang ‘self-confidence’. Naniniwala din
ako na kahit balutin man ng inggit ang pagkatao ng isang tao, nasa sa kanya pa
rin kung paano niya lalaruin ang tuksong dala ng inggit. Naniniwala din ako ang
inggit ay…envy sa ingles.
Tsss...pauso.
Takdang-aralin:
1.
Piliin
ang mas nakakainggit: Laptop o DSLR. Pangatwiranan.
2.
Ano
ang dapat kainggitan sa mga taong nakakapagkape sa Starbucks?
3.
Sa
iyong palagay, naiinggit ba ang bansang China sa Pinas kaya lahat ng pwede
nilang angkinin, aangkinin na nila? Bakit oo? Bakit hindi? Bakit wala kang
pakelam? Bakit ka natawa? Nagpapatawa ba ko? Seryoso yung tanong ko.
4.
Kumpletuhin
ang pangungusap: Nakakaramdam lang ako ng inggit kapag ___.
a.
Branded
ang suot niyang underwear
b.
Gusto
ko lang mainggit
c.
Wala
ako nung mga bagay na meron siya
d.
May
chance
e.
Lahat
ng nabanggit
Comments
Post a Comment