Ang Dalang Suwerte ng Malas
Ang swerte ko talaga!
Nung isang gabi lang, papasok na ko
ng trabaho nun (hindi ako prostitute, pinapangunahan lang kita). Nagkasundo na
ang diwa at common sense ko nun na male-late na talaga ako, at wala na kong
magagawa kun’di pilitin ang sarili na i-past forward x2 ang paglalakad. Sakto
namang paglabas ng subdivision, may dumaang tricycle. Ayos! Nakasakay ako agad,
pero mali
ang akala ko! Katabi ko sa upuan ang isang mamang nagmumog ata ng beer at amoy
2nd year high school na kagagaling lang sa basketbol! Unang swerte.
Tapos pagbaba ko ng tricycle, pagbunot ng coin purse, ola! Walang ibang laman
kun’di barya! Hanepasyet talaga! Buti na lang at may ibabayad pa ko, kahit
papano. Matapos makapagbayad, naisipan kung dumaan muna sa pinakamalapit na ATM
machine para magsolicit ng allowance. Hindi pa rin naaalis ang paglalakad kong
fast-forward x2. Pagkakakita sa atm, swerte, walang pila. Siguro mga 17 hakbang
na lang, nasa harapan na ko ng machine, pero may kasunod na agad na isa pang
swerte! 2 babaeng lulan ng motorsiklo ang mabilis na nagpark sa tapat ng atm
machine at isinagawa agad ang kanilang pakay na dapat sana ako muna. Tinamaan talaga ng swerte!
Nagtatakbuhan na ang dugo ko sa batok at mabilis na ginigiling ng bituka ko ang
hapunan ko. Wala na kong ibang dasal kun’di bumagal man lang pansamantala ang
oras kahit imposible. Ilang minuto pa, ako naman ang humingi ng pera sa atm.
Mabilis ang transaction. Hindi ko na inantay ang resibo. Dali-dali akong
tumawid ng kalsada para sumakay ng dyip. Dininggin naman ng mga espiritu ng PUJ
ang panalangin ko kaya nakasakay din ako agad. Pero isa na namang swerte,
simbilis ng mamang sorbetero kung magpatakbo ng dyip ang mamang drayber!
Hanepasyet ulit! Panay ang iling at ‘tsk tsk
tsk…’ ko. Medyo umaambon pa naman ng mga oras na iyon kaya parang dagdag-asar
na rin ang mumunting hilamos ng ambon sa mukha. Panay
ang sulyap ko sa oras. Kung nakakapagsalita nga lang ang orasan sa cellphone
ko, alam ko na ang sasabihin niya: “Asa ka pa Juan! Bonggang-bonggang late ka
na!”. Ilang kanto na lang ang tatahakin ng jeep-con-sorbetes, nasa babaan na
ko. Pero nagpahabol pa ng isa pang swerte ang tsuper! Ang isang bagay na hindi
ko na dapat aasahan pero isang malaking ‘shit’ na insulto: NAGPA-GASOLINA pa!
Kung sa mga oras na yun eh nasa gay bar ako, malamang lahat sila nagtatawanan at
nakaduro silang lahat sa’ken.
Wala ng no choice, hindi pwedeng
bumaba para lakarin dahil sa ambon kaya pigil-hiningang dasal na sana sapian ng dragon ang
dyip para tuluyan ng lumipad pagkatapos magsalin ng gasolina ang gasoline boy.
Iling lang ulit ng iling. Kung aabot pa ‘ko, yun ang totoong swerte. Pero
kelangan ng tanggapin ang katotohanan. Maya-maya pa’y humarurot na ang dyip.
Tinamaan ata ng konsensya kaya binilisan ng ‘bahagya’ ang pagmamaneho. Malapit
na ko. At dahil bababa na ko, isinigaw ko na ang huling script ko sa dyip, “Para !”. Pero sumobra ata sa paglinis ng tenga, hindi ako
narinig! Tuloy-tuloy siya sa pagmamaneho na bigla naman niyang pinaharurot. Isa
pang ‘para’ na medyo dinagdagan ang volume, pero ewan lang kung naka-head set
siya ng mga oras na iyon o napasukan na ng tubig-ulan ang tenga kaya hindi pa
rin ako marinig. Lagpas na ko ng ilang metro sa bababaan ko! Nangingiti na lang
ang ibang pasahero sa tindi ng pandinig ni mamang tsuper. Nang bumagal bahagya
ang takbo ng dyip, ubod-bilis akong tumalon para makababa na sa mala-alamat na
dyip. At ang huling swerte ng gabi ko ay tinapos ng isa pang pang-asar na
eksena: nalaglag ang jacket ko sa kalsada, at nabasa ang ilang parte. SWERTE!
Oo, late pa rin ako ng gabing yun.
Kung pagaaralan mo lang yung
sequence ng mga eksena, isa lang ang comment ng madlang-pipol: MALAS. Ang
magkaron ng katabing lasenggo sa tricycle, malas. Ang mawalan ng budget sa coin
purse ng hindi inaasahan, malas. Ang maunahan mag-withdraw sa mga oras ng
pangangailangan habang nagmamadali ay…malas. Ang makasakay sa isang dyip na
simbilis ng proseso ng pagkuha ng SSS ID sa bagal ay… tama ka! Malas. Tapos may
pahabol pang biglaang pagpapagasolina? Malas pa rin. At ang deadmahin ang
huling kahilingan mong makababa ng dyip sa tamang babaan (ko), ubod naman
talaga sa malas. Basang jacket na hindi inaasahan? The final answer is Bad
Luck. Wheeew…
At bakit kelangang may eksena sa buhay
na sunod-sunod na malas? Sa tanang ng buhay ko, hindi pa ko nakaranas ng
sunod-sunod na swerte. Nakakatakot kasi minsan ang kapalit ng sunod-sunod na
swerte. So ganun talaga ang batas ng swerte, mas marami talagang tsansa ang
kamalasan kumpara sa swerte? Ano ang siyentipikong paliwanag dito? Wala pa kong
nabalitaan na may isang taong napaliguan ng swerte sa loob ng isang linggo, o
isang buwan. At kung meron man, aba! Talagang pinagpala ang pagkatao niya! Siya
na talaga!
Ang magkapatid na ‘swerte’ at
‘malas’ ay dalawang uri lang ng salitang ‘luck’ o ‘fortunity’. Good luck at bad
luck, ika nga nila. Mula paggising sa umaga hanggang sa pagtulog, nagkakaron ng
iilang eksena sa maghapon ang ‘luck’ sa ayaw man o ayaw talaga natin. Ayon na
rin sa wikipedia, ang luck ay isang pangyayari sa buhay ng tao na hindi inaasahan
o ‘against the will’. Lampas sa law of of physics at walang makapagsasabi ng
eksaktong oras o panahon ang pagdating nito, kahit marami ang naglipanang
‘fortune teller’ sa mundo. Sa madaling sabi, hindi ito kasali sa talent ng tao
na pwedeng ilabas kahit kelan man gustuhin, lalo na sa oras ng sugal o
kinakailangan. Parang nanalo ka sa isang bagay pero hindi ka naman nagbigay ng
kahit anong skill o effort, gaya
nga ng sugal.
Ang pagkakaron ng malas o swerte ay
maaaring isisi sa mga bagay o pangyayari. Mula sa alamat ng pamahiin, tradisyon
at paniniwalang madalas sa probinsya lang naten naririnig. At sino nga ba ang
may pasimuno ng mga iyon? Walang iba kun’di si NILA. “Sabi NILA maswerte daw
kung…”, “Sabi kasi NILA malas daw kung…”. At sino nga ba ang tinutukoy nilang
si NILA? Yun ba yung unang taong dinapuan ng swerte o malas? Saang bansa at
anong lahi naman kaya sa kasaysayan ng mundo nagkaron ng kaunaunahang swerte o
malas? Ano ang bagay na ito? Paano niya naipasa at naipakalat na dapat maging
uso sa mga susunod na henerasyon ang ganung ideya? Gaano katindi ang epekto
nito, kung totoo man?
Four-leaf clover, maneki neko,
sapatos ng kabayo (mas malakas ang swerte kung Pegasus), istatwa o action
figure ni Buddha, Buddha beads, lucky coin, fortune cookie, arowana sa
aquarium, at hindi inaasahang pag-apak sa fufu… ilan lang yan sa mga bagay at
simbulo na pinaniniwalaan nating naghahatid ng swerte sa tao. Wala mang eksaktong
paliwanag kung meron mang nasasagap na
energy galing sa malayong planeta o kalapit na pawnshop ang mga nasabing bagay,
pero hindi ko talaga alam kung sa paanong paraan nakakagawa ng mala-himalang
swerte ang mga nabanggit. Oo nga’t gawa sa ginto ang pinagaagawang golden
Buddha, pero pa’no ito nakagagawa ng swerte gayung isang mamahaling bagay lang
ito na gawa sa kung ano-ano. “Ang swerte nyo naman Aling Pacita! Napapaligiran
ng Buddha ang sala niyo!”.
At ang sapatos ng kabayo? Bakit?
Dahil ba sa bilis nitong tumakbo, kaya pag inilagay ito sa pintuan, mabilis din
ang pasok ng swerte? Eh kung pabilisan lang, eh di sana sapatos na lang ng mga dating senador o
presidente na ubod ng bilis sa pagyaman ang i-display mo sa pintuan nyo! O kaya
kuko ng cheetah!
Yun ngang pamahiin na malas daw gumala
o ituloy ang lakad kung sakaling may madaanan kang pusang itiim. Tsk tsk tsk… kawawang
uri ng pusa. Ginawa sila para magkaron ng malas na hayop. Eh sa hindi sinasadyang
pangyayari, nasagasaan mo yung itim na pusa at saktong pang-siyam na buhay na niya
yun, malas ka pa rin ba o yung pusa?
Hindi sa ayaw kong maniwala sa kung
meron mang swerte o malas na minu-minutong naglalakbay sa mundo. Yun bang para
silang mga MMDA o traffic enforcer na kapag naispatan ka, malas ka. At kung
hindi ka man nila trip dapuan ng malas, swerte ka. Kung ang lahat ng gagawin ng
tao sa buhay ay nababatay sa kung may dalang swerte o malas, bakit pa nagsisipag
ang isang tao kung sa isang iglap eh lalamunin din pala siya ng kamalasan?
Makatarungan bang idahilan ang magandang estado sa buhay kung dahil lang sa
sakit na swerte? O nakakaiyak na buhay sa araw-araw dahil sa malas? Kung
anytime aatake ang swerte at malas, di ba parang mas lamang na puro kamalasan
ang mararansan ng isang taong nagaabang at nananampalataya sa swerte?
Pero parang magulo pa rin sa’ken
kung sino-sino lang ba talaga ang madalas sinuswerte sa buhay. Marami naman
kasing tao ang pilit gumagawa ng tama, pero bakit sila pa ang parang uhaw sa
swerte? Yung mga alagad ni Lucifer na nakatambay sa Malakanyang, ubod na sila
ng yaman, ubod pa rin ba sila ng swerte kaya nakaupo sila sa isang upuan na
gawa sa swerteng kahoy? Eh di ba walang habas at brutal kung magnakaw sila ng
pera ng bayan, pero SILA pa rin ang nabibiyaan ng SWERTE??? Ang malas naman ng taumbayan.
Kung ia-apply nga sa science o superstitious
ang luck, parang sinabi mo na rin na ang mundo ay gawa sa swerte. At sa haba ng
panahon, kakainin na ito ng kamalasan. Kasi, ang mundo ay isang malaking swerte
na napapalooban ng mga bagay na malas.
Kung totoo mang may swerte, ibig
bang sabihin eh sinalo ng Pilipinas ang kamalasan?
Comments
Post a Comment