Insomnia

Isa sa mga problema ko ang pagtulog. Hirap akong kumuha ng mabilisang tulog lalo na kung kinakailangan. Depende ‘yan kung lulong ako sa alak o isang araw na ‘kong gising. At isa pa, mababaw lang ang tulog ko. Kahit ata bulungan lang ako ng ipis habang natutulog, magigising na ko agad. Hindi mo na kelangang yugyugin ang buong katawan ko. Isang kalabit lang, gising na diwa ko.

            Hindi ko alam kung nagkaroon na talaga ako ng insomnia. Dati, halos tumatapos ako ng 3 pelikula bago antukin.Mas inaantok ako sa sikat ng araw. Alas siete na ng umaga pero buhay pa ang diwa ko. ‘Yung tipong ako na ang nagmamakaawa sa sarili kong katawan para lang makatulog. Ayoko rin naman sanayin ang sarili ko sa tulong ng alak. Hindi maganda sa pakiramdam at magastos.

            Ngayon problema ko ang mabilisang antok. Kung may bayad lang ‘yun, malamang kasama sa araw-araw na budget ko ang pagbili ng antok. At kung kelan mo naman kelangan ng instant na antok, ayaw makisama ng katawan mo. ‘Pag trip ko magpuyat, maaga naman akong aantukin. Nakakainggit ‘yung dating kong katrabaho na sa loob lang ng sampung minuto, kaya na niyang humilik at humimlay.

            Madalas na pampatulog ko ang sounds, ‘yung halos makatulugan ko na ‘yung kanta kahit tugtog ng metallica. Pero hindi lagi umuubra ang ganung style, lalo na ‘pag iritado naman ako sa ingay. Kaya madalas naka-earplug ako bago matulog. Nakakatulong din minsan ang pagbabasa, pero depende ‘yun  kung mga quotes lang galing sa cellphone ang binabasa ko na paulit-ulit ng umiikot sa maraming cellphone.

            Sa tanong na, “hirap ka ba makatulog?” o “gaano ka katagal nakakatulog?”, lilitaw ang salitang insomnia. At dahil sa usaping-pantulog ang insomnia, tatlo ang klase nito: 1.transient insomnia na nagtatagal ng isang linggo. Resulta ng namamahay, pabago-bagong oras ng pagtulog, depresyon at stress; 2.acute insomnia na “inconsistent” ang pagkuha ng sapat na tulog sa loob ng isang buwan at; 3.chronic insomnia   na nagtatagal naman ng mahigit sa isang buwan na nagreresulta ng muscular fatigue, hallucination o mental fatigue. Eto ‘yung tipo na wala na sa bokabularyo mo ang tulog at hindi ka pamilyar sa idlip. Nanghihinayang ka sa tulog.

            Maraming dahilan ang pagkakaron ng insomnia, bukod sa nageenjoy ka sa inuman tuwing gabi na umaabot hanggang naaamoy nyo na ang pandesal sa kalapit na bakery at nakikipagpuyatan ka kakatext. Isa sa mga sintomas nito ang paggamit o pagkonsumo ng psychoactive drugs (stimulant) tulad ng softdrinks at kape na parehong may caffeine, yosi na may nicotine at cocaine na mas mahal pa sa shabu. Pwede rin ang restless legs syndrome na halos nakuha mo na ang lahat ng posisyon sa pagtulog pero wa-epek pa rin. Isama mo na ang nakakaistorbong circadian rhythm na galing sa shift work o jetlag. At ang malala eh yung mga taong may bipolar disorder at schizophrenia.


            Tips para sa mga taong kagaya ko ay pagkakaron ng sleep hygiene. ‘Yung magshower ka muna bago ka matulog, o kalikutin mo muna ng cotton buds ang tenga mo hanggang antukin ka. Pero kung wa-epek pa rin, may mga solusyon pa rin diyan. Maaari kang magpunta sa pinakamalapit na suking tindahan at tumoma ka kahit isang bote ng beer. Ngayon kung medyo may kaya ka sa buhay, pwede mong i-try ang mga brutal na paraan tulad ng pagkonsumo ng opioids (morphine), antidepressants (trazodone), dietary supplements (melatonin), antihistamines (benadryl) at antipsychotics (risperidone). Ngayon kung narinig mo na ang togmoron 500, pwede din ‘yun. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka pagtatawanan ng pamilya mo sa trip mo.

Comments

  1. Ako po mdlas po akong di maktulog sa gavi.. ung diwa q po kc lging gicing wala nmn po akong iniisip..khit umaga na gcing p rin ako... Nag inom na ako ng pampatulog wla p rin na liligo sa gvi ng maligamgam na tubig.. saging kumakin din ako sa gavi wala p rin.. ano po b ung tlgang efective na pampatulog... Pa help nmn po

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!