7 Deadly Sins Part 7: Lust

(PAUNAWA: MASELAN ANG TOPIC NG BLOG NA ITO. IMINUMUNGKAHI NG AWTOR NA MAGDASAL AT IWASAN ANG TUKSO. HUWAG LABANAN)

Last na ‘to. Buti at nairaos ko na yung unang anim na kasalanan. Hinuli ko talaga ang part na ‘to dahil baka harangin agad ng simbahang katoliko ang blog-serye na ‘to dahil sa maselan. Mainit sa mata pati sa puson. Hirap pa ko mamili ng larawang pwedeng ilakip sa blog na ‘to dahil baka hindi pa man nasisimulang basahin, may sumpa na agad. Kaya nagbabakasakali ako na may ilang mambabasa na may baong ‘malawak na pang-unawa’, kaya sinubukan ko muna yung unang anim at maswerte namang wala pa kong natatanggap na death threat.

Hindi ko na nga rin maalala kung bakit ito pa ang napagtripan kong pag-ubusan ng sentido-komon. Pero ayos na rin dahil may mga natuwa (at napa-dirty finger) kahit papano, dahil alam naman nating may mga bagay talaga sa mundo na hindi lang paglaslas ng pulso at pagbigti ang pwedeng intro sa impiyerno. Siguro pinatos ko na rin ang ganitong usapin dahil hindi talaga ako yung tipo ng manunulat *ubo* na sumasabay sa uso o ‘trending’. Pero medyo mababali ata ang prinsipyo ko dahil may maisasama akong eksena sa blog na ito na naging usap-usapin, lalo na sa peysbuk. Hindi sadya, pero sakto ang ‘mainit’ na balita para tapusin na ang huling seryeng ito.

“Napanuod mo na...?” ganyan yung intro ng katrabaho ko sa’ken nitong nung isang linggo. Hindi ko alam kung para saan yung tanong niya. Inakala ko na isang ‘blockbuster movie’ ang tinutukoy niya. Mali ako. Yung bagong ‘video scandal’ pala na nag-trend sa peysbuk (wala akong balita sa twitter). Hindi pa man ako nakakasagot, aliw na aliw na siya sa pagkukuwento sa nasabing scandal. Detailed yung pagkukuwento. Yung paraan pa niya ng pagkukuwento, parang ngayon lang nakapanuod ng “Super parental guidance” na video. Nakangiti at masigla. Sungay at buntot na lang ang kulang sa kanya, pakiramdam mo may preview na rin ng impiyerno. “Panuorin mo p’re!” yung huling pangungusap niya bago siya lumipat ng pwesto para ulitin yung story-telling niya. May tono pa ng pangongonsensya at pang-iinggit na para bang jologs ako kung sakaling ako lang sa ‘Pinas ang walang alam sa ganung kagandang balita. Hindi na ko nagtaka kung bakit simbilis ng buni kumalat yung video. Parehong celebrity yung sangkot. Pero bilang pagrespeto sa mga biktima, makabubuting wag ng banggitin ang title o cast ng nasabing video. Napaglipasan na ang blog na ‘to ng nakalipas na video, kaya pihadong alam mo na at kilala mo na ang tinutukoy ko.

Sa totoo lang, wala ng bago sa ganung uri ng balita. Naging usap-usapin lang dahil parehong sikat yung biktima. Biktima ng parehong kagustuhan na hindi inaasahan. Pero ang tanong, may bago ba dun? Hindi ba’t marami ng lumipas na ganung uri ng scandal? Napanuod mo, nasaksihan mo. Malamang na nakapag-comment at nai-share mo na rin. Napagkwentuhan na rin sa buong barangay at naisalin na sa maraming tenga at bibig. May napala ka ba?

Wala.

Hindi man ‘HD’ yung video, pero ayos na rin dahil hindi tayo tulad ng ilang ‘mabubuting tao’ na naglalaan ng pera at oras sa mas karumal-dumal na term sa salitang scandal. Hindi tayo tulad ng ibang bansa na may koleksyon ng samu’t saring video na maraming categories. At kung meron man, hindi ganun kalala. Sana nga.

Sa araw-araw mong panunuod ng telebisyon, naisip mo na ba kung para saan ang salitang ‘parental guidance’? Ultimo cartoons, hindi makaliligtas dito. Bakit? Dahil bukod sa mga bayolente at maaanghang na salita, susulpot ang ilang maseselang eksena (lalo na sa mga telenobela) gaya ng halikan, bed scenes, sulutan at landian. Nagsisibing babala sa mga magulang na busy sa paghahanda ng pagkain, samantalang umaandar naman ang curiosity ng inosenteng bata kung ano ang pakiramdam ng pakikipaghalikan. At bakit bihira ang ganung eksena sa mga cartoons.

Ganyan katindi ang delicadeza ng Pinas pagdating sa mga programa sa telebisyon. Lahat ng programang may maseselang eksena, dapat may ‘advanced warning’ na galing sa MTRCB. Pinipilit kasi nating gawing matured ang mga pambatang palabas, kasabay ng pagpipilit nating maging ‘general patronage’ kahit obvious na ang pagiging bayolente at malaswa. Pero bakit walang ‘parental guidance’ ang mga balita?

Itlog. Hotdog. Monay. Mani. Pasas. Ilan lang yan sa mga inosenteng salita na may double meaning. Patunay lang yan kung gaano katindi ang angst natin pagdating sa usaping berde. Walang kamalay-malay yung simpleng pagkain na kasali sila sa bokabularyo ng mga taong nililipad ang utak sa kababawan. Pero hanggang ngayon, himalang may ilan pa ring natatawa sa ganung uri ng salita, kahit hindi naman dapat:

“Miss, may itlog kayo?”

“Ang laki naman ng hotdog mo!”

“Lambot ng monay mo ah…”

“Tinitigyawat ka ba sa mani?”

“Ang tamis naman ng pasas mo…”

Totoo ‘to. Nagiging interesante minsan ang usapan at kwentuhan kapag nadadawit ang salitang ‘sex’. Dito mo makikilala kung sino yung mga inosente, nagpapanggap at expert. May ilang matatawa, iiwas at ngingiti na lang. Pero sabi nila, kung sino pa yung makwento, siya pa yung totoong walang alam. Marami akong kilalang ganun. Hobby yung ‘kiss and tell’. Kung makapagkwento, aakalain mong updated sa mga kwentong ‘Xerex’. Pero ni halik sa pisngi, pinapangarap pa rin.

Sex.

Tatlong letra. Isang syllable. Maangas. Matindi. At lahat ng uri ng lenggwahe sa mundo, kilala ang salitang ‘to. Isa ito sa maituturing na pangangailangang pisikal ng tao. Pero kung isasalin mo sa salitang Filipino ang ‘sex’, hindi ito yung aktibidades na madalas nangyayari tuwing gabi at sa motel. Kasarian talaga ang tagalog nun. Kasasabi ko lang na ganun talaga katindi ang proseso ng utak natin pagdating sa berdeng usapan.

Adan: (Nakatitig sa hinaharap) Ehem…ganda ng hubog ah…alagang-alaga…

Eba: (Mamumula sa galit saka tatakpan ang hinaharap) Bastos ka! Walang modo!

Adan: (Kunot ang noo) Ano yung bastos? Nakakain ba yun?

Eba: Ha? A…e…wala. Trip-trip lang. Peace!

Masyado ng maberde ang mundo lalo na sa henerasyon natin ngayon. Maberde, hindi dahil sa malaki pa ang populasyon ng mga kagubatan at puno, kun’di dahil sa mga bagay sa mundo na automatic ng nagiging tukso at nagiging isyu ng kalaswaan. Hindi natin sila napapansin dahil hindi naman sila bulgar kung manukso. Hiding in plain sight. Sa pagtapak mo pa lang sa pinto, uulanin na tayo ng tukso na nasa sa atin na kung pano iiwasan at lalabanan. Gaya na lang nga mga naglalakihang billboard sa EDSA, mga babaeng kung manuot ay kita ang kaluluwa, buwan-buwang isyu ng men’s magazines at mga porn sites sa internet. Lahat yan ay pawang mga tukso at pagsubok na lang sa buhay ng tao na talo ang susuko at sasaniban ng alagad ni Lucifer. Kaya hindi kataka-taka ang araw-araw na kaso ng rape. Gusto nating sisihin ang mga taong malisyoso tumingin, pero gusto ko ring sisihin ang mga taong mapanukso kung manamit. Walang mambabastos kung walang magpapabastos. Kwits lang.

Cybersex. SOT. SOP. SEB. Naimbento yan ng mga taong makati pa sa hadhad. At mabentang-mabenta ang ganung eksena ng sakupin na tayo ng modernisasyon. Kung ano man ang ibig sabihin ng mga acronyms na yan, sa iba mo itanong. Pupusta ako, tatawanan ka ng mga taong mapagtatanungan mo nito kung sakaling malaman nila na wala ka man lang ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang nabanggit. Magsaliksik na lang sa sariling paraan.

Kahit sisihin natin kung sino man ang promotor ng teknolohiya at modernisasyon, ang kabastusan at kalaswaan ay mananatiling malaswa at bastos kahit hindi naimbento ang internet at night clubs. Dahil nung mga panahong nililimbag pa lang ang Noli at El Fili ni Rizal, uso na ang rape, kahit pa yung ilang kwento na galing sa bibliya. Pwede nating panghawakan ang pananaw na “Tao lang, natutukso din…” pero hinding-hindi mo magagamit ang ganung prinsipyo kung sakaling humihimas ka na sa rehas at kinukuyog ng mga sabik sa bagong salta.

Pabata ng pabata ang kaso ng rape. Sa hindi malamang dahilan, yung mga walang muwang at inosente pa ang biktima. Nakakaawa. Nakakasama ng loob, Ang sarap tuloy maging superhero, kahit tagaputol lang ng ulo ng mga rapist. Yung suspek, iiyak sa huli at magsisi. Wala lang daw sa sarili. Kung bumenta lang ang ganung rason, malamang marami na rin ang nang-rape.

Kung sabagay, hindi lang naman tao ang madalas tamaan ng makamundong kasalanan. Pati hayop, hindi na rin ligtas. Siguro naman hindi na bago sa’yo ang mga balitang “Lalake, huli sa aktong ginagahasa ang alagang manok!”? (Huwag ma-curios. Magdasal at pigilan ang sarili).

Wala pang gamot sa HIV. Naimbento na ang lahat ng pwedeng imbentuhin, pero nanatiling palaisipan ang gamot sa nasabing sakit. Epidemyang walang alam ang tao kung kelan tatapusin. Nakakalungkot lang isipin na habang nabablangko ang isip ng tao sa pagsugpo nito, dumarami naman ang biktima nito ng walang kaalam-alam at walang kalaban-laban. Kaya patuloy ang pagsulong ng ilang organisasyon patungkol sa paggamit ng condom. Pero dahil hindi matapos-tapos ang isyu ng RH bill, nanatiling dekorasyon sa imahinasyon ng tao ang paggamit nito. Di gaya ng ibang bansa na halos give-aways na lang kung ipamahagi.

Hindi drugs ang tawag-ng-laman, pero sampung ulit ang tindi nito kumpara sa mga mamahaling bisyo. Madaming tao na ang naging biktima nito, nanira ng pamilya pati na relasyon. At dadami pa sila kung hindi lalabanan ng sariling utak. At gaya ng drugs, marami ang nalululong dito na halos gumastos ng malaki para lang sa panandaliang kaligayahan. Gustuhin ko mang sisihin ang gobyerno dahil sa patuloy na kalakaran ng prostitusyon, ano pa ba ang magagawa ko kung sila din mismo ang nakikinabang sa ganitong negosyo?

Wag na magtaka kung bakit hindi matapos-tapos ang debate sa RH bill.




Takdang-aralin:


  1. Sa anong paraan nagiging kwela ang bastos na joke? Magbigay ng halimbawa. Wag korni.
  2. Sino ang nakaisip ng katagang “Bastos nakahubad, special nakatuwad”? Ipaliwanag sa buong pamilya.
  3. Bakit hindi ginagamit ang condom bilang lobo sa mga okasyon gaya ng kaarawan at binyag? Pangatwiranan.
  4. Sumulat ng limang talata patungkol sa mga babaeng nagsusuot ng mini-skirt pero pilit hihilahin pagsakay ng jeep. Dikitan ng mga larawang galing sa bagong isyu ng kahit anong men’s magazine.

Comments

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!