Ang Utak, Baw!
Naisip mo
na ba kung kelan ka hindi nag-iisip?
Hirap ‘no?
At malabong mangyari.
Mula pagkamulat ng mata hanggang sa huling sulyap mo sa
cellphone bago ka matulog, walang tigil sa pagproseso ang utak ng tao. Kahit pa
sabihin ng ibang tao na lumilipad ang utak nila, hindi pa rin nagpapahinga ang
utak “kakaisip”. Kahit ang katagang “pagod na ko mag-isip”, hindi pa rin
hihinto ‘yan kahit mag-coffee break ka, mag-unwind o mag-file ka ng leave. At
hanggang sa bangungot at panaginip, nagtatrabaho ang utak. Sabi ng mga
scientist, kung ga’no kalaki ang IQ mo, ganun din ang tsansa ng pananaginip at
pangangarap mo.
Araw-araw, nagge-generate ng mas
maraming electrical impulses ang utak kesa sa mga linya ng telepono, kahit
pagsama-samahin pa ang lahat ng linya ng telepono sa buong mundo. Ibig sabihin,
mas mabilis ang proseso ng utak ng tao kesa sa latest na processor ng PC, ng
isandaang beses.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang utak ay binubuo ng 80% ng
tubig. Ibig sabihin, 20% lang nito ang laman, na binubuo pa ng ilang mga
substances gaya ng dugo.
Ang simpleng paghikab ay mabisang paraan para magising ang
natutulog na diwa ng utak, kaya madalas
tayong humihikab pagkagising (hindi lang senyales ng antok). Pero marami sa’ten
ang humihingi ng saklolo sa kape tuwing pagkagising (o sa mga oras na kelangan
gisingin ang utak) para mainitan ang sikmura at dumaloy ang caffeine sa mga
ugat paakyat ng utak para mangalampag. Pero alam mo bang ang chocolate ang isa rin sa mga pagkain na
mabilis magpadaloy ng utak ng tao? Pinapataas kasi nito ang anandamine (kemikal
ng utak) na nagreresulta ng pagtaas ng perception ng isang tao, pagtaas ng
relaxation, at ang pakiramdam na euphoria o ang kakayahan ng isang tao na
umibig at magmahal. Kaya uso pa rin ang pagbibigay ng toblerone o kisses sa
panliligaw. Nakakatulong din ito sa dalawang nagmamahalan bilang “warm up” bago
ang romansa sa gabi .
Sa mga naglilipanang jokes bawat oras o sandali na
inilalagi mo sa mundo, may mga ilang tao na mabagal humuli ng punch-line ng
isang simpleng joke. Eto ‘yung mga tao na ilang segundo ang delayed ng pagtawa
sa isang biruan o “joke time”, samantalang ang iba ay maluha-luha at nagpupunas
na ng sipon kakatawa matapos ma-gets ang punto ng isang joke. At kaakibat nito
ang sense of humour ng isang tao. Sukatan nga daw ng mabilisang pag-pick up ng
isang joke ay kung ga’no katindi ang sense of humor ng bawat isa, hindi pa
kasali dito ang mga killjoy. At para na rin sa kaalaman ng lahat, ang utak ay
may “joke center” na nagrereact lang kung talagang nakakatawa nga ang joke mo,
o halatang galing lang sa ibang bibig ang bibigkasin mong laos na joke.
Malalaman mo kung may “brain damage” ka na kung nawawala na
ang pagtawa mo. Ayon kasi sa pag-aaral (ng mga siyentipiko na naman), ang taong
na-damage na ang parte ng utak para makaintindi ng nakakatawa ay hinihinalang
nawawala na rin ang sense of humor.
Sa mga
taong tambayan naman ang mga peryahan at karnabal at naguubos ng pera para lang
malula at magsisigaw sa alapaap habang nakaupo , sila ang mga taong malaki ang
posibilidad na magkaron ng “blood clot” sa utak. Isa na rito ang pagkahilig ng
isang tao sa roller coaster. Dagdag pa dito ang mga taong madalas bumiyahe at
makaranas ng jet lag, malaki ang tsansa ng tao na magkaron ng memory loss sa
bawat tagtag ng utak sa biyahe.
Sa dami ng ginagawa ng utak, madami
ring “disorders” ang natatanggap nito. Magmula sa memory loss, Alzheimer,
amnesia, anxiety disorder, hindi maipaliwanag na pagkabaliw at
maraming-marami-pang-iba-na-masakit-sa-utak-kung-iisa-isahin-ko-pa, na
kadalasang hindi tayo aware dahil hindi naman pumapasok sa isip naten. Ngayon,
kung nasabihan ka ng mga kamag-anak, kaibigan, tropa, o ng simpleng tambay sa
kanto na “nababaliw ka na”, ‘mag-isip-isip ka na kung totoo nga ang mga
paratang nila sa’yo.
Isa sa mga rare na psychological
disorder ng utak ay ang “clinical lycanthropy” o ang paniniwala ng isang tao na
kaya niyang mag-transform bilang hayop. At sa buong buhay ko, hindi pumasok sa
isip ko na maging dragon para lang makalipad, kahit lulong ako sa biogesic o
alaxan.
Ang “stress” at “depression” ay isa
din sa mga pangkaraniwan at usong problema ng utak ng tao. Eto ‘yung pakiramdam
na parang nag-gym ang utak mo sa bigat at may pumasok na sipon sa utak mo kaya
ang sikip ng bungo ng isang tao. Dahil umiisip ka ng paraan para mawala ang mga
ito, lalong nadadagdagan ang timbang nito na minsan ding tumutuloy sa
pagsu-suicide o paglalasing para sa panandaliang solusyon. At gawain lang ng
mga taong mahihina ang utak ‘yun.
(pagod na
utak ko… pahinga muna)
Comments
Post a Comment