Eh Ano Kung Sikat Ka?
Iba na ang
batayan ng pagsikat ngayon. Noon ‘pag gumawa ka ng maganda sa pamayanan mo o sa
simpleng seksyon mo sa klase, sikat ka na. Kapag nakadiskubre ka ng isang bagay
na dadagdag sa mabilisang proseso ng gawain ng tao, sikat ka. Makagawa ka ng
imbensyon na magpapabuti sa buhay ng tao, sikat ka na. Makapag-platinum ang
album mo, sikat na sikat ka na. Makapaguwi ka ng medalya sa Olympics, sikat ka
na. makapagsulat ka ng aklat at bumenta na nauwi pa sa pagsasapelikula, sikat ka na. Puro positibo ang paraan ng pagsikat.
May inambag sa buhay ng tao at nakabibilib.
Si
Pacquiao sumikat dahil sa nakakagimbal na suntok; si Michael Jackson sumikat
dahil sa moonwalk; ang The Beatles sikat dahil sa lupit ng kanta at
pagka-weirdo; Si Jimi Hendrix dahil sa
electric guitar at si Lady Gaga na wala sa katinuan manamit. Iba-iba ang paraan
ng pagsikat, pero nakalista na sila sa history. Mapa-maganda man sa mata o
naka-impluwensiya sa panahon naten ngayon, sikat sila. Famous. Astig.
Nakakabilib at minsan nakakainggit. At may iilan na nakakainis at parang mas
masarap silang ihalo na lang sa rekado ng sopas.
Pero iba
na ngayon. Napapasin ko na ang “katangahan” at “kalokohan” ay nabibigyan din
pala ng gantimpala para sumikat.
‘Tang ina
sino ba ang hindi makakakilala sa dating Pangulo na sa loob ng S-I-Y-A-M na
taon ay puro kurapsyon ang bokabularyo? Sa apelyidong Ampatuan na tinuring na
mga pusa ang mga pinapaslang? Kay Jason Ivler na susme, nakagawa na nga ng
kalokohan, may fan page pa? At sa dating action star na ngayon ay Bebe
Gandanghari na?
Ang
gobyerno naten ang mahilig sa pagpapasikat. At sa sobrang pag-idol sa kanila ay
marami na ang nagsigaya sa kalokohan nila. Tutal d’on naman sila yayaman,
papahawa na rin sila. Wala namang kwenta ang batas ng ‘Pinas eh. Wala namang
nakukulong dahil sa plunder. Magtago ka lang ng ilang buwan sa ibang bansa,
kakalimutan na nila ang kaso mo. Abswelto
ka na kasi hindi na sikat ang isyu mo. Ilang araw ka lang paguusapan, baka
makalawa may iba na namang ituturong pulitika na gumawa ng kalokohan. Tapos
pasa-pasa na. Sila-sila din ang naggagaguhan, mga naturingang edukado at
taga-gawa ng batas.
Sa
larangan lang ng fashion, napakalaki ng agwat ng batayan ng kasikatan kumpara
noong panahon na betamax pa ang sikat kesa sa blue ray dvd naten ngayon. Noon
basta bago ang suot mo, malinis kang tingnan, may relo kang galing pa noong
huling Christmas party, magarang kotse na madalas sa mga action movie mo lang
nakikita, plantsado ang buhok at pantalon, ayos na. NGAYON? Sikat ka kapag:
-
dalawa
(o higit pa) ang cellphone mo na pareho namang walang load
-
nag-iinternet
ka gamit ang notebook o laptop
-
sa
sinehan mo pinapanuod ang bagong pelikula
-
tatak
“Starbucks” ang kape mo
-
nakokornihan
ka sa ukay-ukay
-
branded
lahat ang suot mo
-
flatscreen
ang tv nyo
-
kwarto
mo lang ang de-aircon
-
kotse
ang naghahatid sa’yo papasok ng paaralan o trabaho kahit 3 kanto lang ang layo
sa inyo
-
may
bakal ka sa ngipin
-
naisingit
ka sa isang commercial sa tv
-
naging
player ka sa isang game show
-
marami
kang view hits sa YOUTUBE
Kung magpapasikat
ka rin lang, ‘yung ikatutuwa na ng marami. O kaya marami ang makikinabang. Gaya
ng mga artists na pati ikaw natuwa sa kanta nila, sa obra nila na pwedeng
i-display sa museum na nadadalaw lang tuwing may field trip. Magimbento ka ng
pagkain na tumatagal ng isang linggo sa sikmura ng mabawasan ang gutom ng
mundo. Magtanim ka ng makabagong lahi ng halaman o puno na mabilis ang paglaki ng madagdagan
naman ang oxygen, isama mo na rin ang marijuana. Isang tableta ng gamot na
tatapos sa lahat ng uri ng cancer at HIV. Hindi ‘yung
bwaka-ng-inang-magpopost-ako-ng-video-ko-sa-YOUTUBE-na-kunwari-kumakanta-ako-para-sumikat-ako-kahit-alam-kong-para-na-pala-akong-tanga.
Isa pa
‘yang Youtube. Ang daming pinasikat. Hindi mo kelangan mag-audition o kumuha ng
civil exam para dito. Ang kelangan mo lang eh computer (sarili mo man o
nagrerenta ka), webcam at lakas ng loob na hinaluan na rin ng kapal ng mukha. Tapos
mag-isip ka ng bagong gimik na sa tingin mo ay kaaya-aya sa paningin ng tao.
‘Yung kikilit kahit papano sa mata ng ilan kahit korni. Kung sariwang ideya,
mas maganda. Mas magmumukha kang tanga, bahala ka. Basta ihanda mo lang ang
sarili mo sa paglalakad at baka pagtawanan ka na lang ng iba na para kang
laging may nakadisplay na kulangot sa ilong.
At ano-ano
ba ang sumikat sa ganitog gimik? Magmula sa simpleng batang umiiyak dahil kay
Justin bieber, sa mga bading na nagtatatalon sa kama dahil kay Venus Raj, sa 4
year old na batang naggitara ng Canon, sa pusang napagtripang tumahol at marami
pang iba na mas magandang ihanay sa katangahan, papansin, kalokohan at O.A.
Lahat na ng pagpapasikat, andun na. Dadaigin nito ang wikipedia at google sa
dami ng pwede mong hanapin. Matindi ang engine search na ultimo tamang
pangungulangot ay nakabroadcast.
Pero sabi
nga nila, there’s always a price of fame.
Isa sa mga
member ng Beatles, nabaril dahil sa kahambugan. Nagsuicide naman si Kurt Cobain
sa rurok ng kasikatan. Lumiit ang mundo ni Michael Jackson na ultimo pagpunta
ng grocery, parang concert niya. Labas-masok ng rehab si Lindsay Lohan at
napagtripang magpakalbo ni Britney Spears noong mga panahon lumulubog ang
career niya.
Sikat ka
ngayon, ngayon lang. Baka bukas lang nasa kulungan ka na dahil sa pagpatay, o
nasa rehab ka na dahil sa pagiging adik, o nagkukulong na lang sa kwarto dahil
sa kahihiyan. Gusto mong sumikat, dapat alam mo rin ang kalalagyan mo.
Mga
kapatid, wala namang batas para pigilan ang pangarap na pagsikat ng isang tao.
Bukod sa sisikat ka na, dagdag income pa ‘yan. Pero anak ng pitong kubang lulong
sa ecstacy, ‘wag mo namang gawan ng kahihiyan ang sarili mo. Sige, kumanta ka hanggang
gusto mo kung sa tingin mo maganda ang boses mo. Sumayaw ka hanggang tubuan ka
ng abs sa batok. Gumawa ka ng rap kahit tungkol lang sa pagpapapogi. Maggitara
ka gamit ang tenga mo. O kumain ka ng hilaw na ampalaya, pero ‘wag na ‘wag kang
magpapasikat ng dahil sa katangahan o sa tingin mo ay natatawa ka. Tandaan na
ang nakakatawa sa iba ay nakakainis rin para sa iba.
Comments
Post a Comment