Posts

"High School Menudo"

Image
Hindi siya mapakali. Panay ang silip niya sa bulsa ng naninilaw na polo sa pinagpuyatan niyang love letter na tinupi sa tatlo. Hiningi pa ni Louie Altano sa kaklase niyang si Jennifer Belmino ang stationery paper na sinlaki ng ¼ na yellow pad para sulatan ng mga salitang i-intro sa pagpaparamdam niya kay Marie Tanya Conde, ang kaklase niyang nagbigay ng meaning sa kanya ng ‘first crush’. Maingat niyang isinilid sa bulsa ito pagkapasok saka maya’t maya kinakapa. Natatakot siyang baka mahulog ito sa isang maling galaw. Hindi sa hindi na niya kayang sumulat pa ulit, kun’di dahil ayaw na niyang humingi ulit ng stationery kay Jennifer, na alam niyang lihim na may gusto din sa kanya. Mabuti’t nabola niya ito sa pagkukunwaring sasamahan niya itong mag-aral sa library mamaya pagkatapos ng unang break. Magpapaturo sa asignaturang ‘English’. Hindi niya alam kung, o feeling niya lang magaling siya sa english kaya yun ang naging deal nila ng kaklase niya. Consistent na 90 lagi ang grado nito sa

Narcissism (Mga Kwentong Pa-Like, Mag-Comments at I-Share)

Image
Sayang yung Friendster. Successful na sana yung social networking site na yun kun’di lang talaga kinain ng virus at mga hacker. Paano naman kasi, bukod sa naging OA na sa pagko-customize e pinutakti na rin ng mga kung ano-anong malalaswang virus na mas maganda sana kung naging totoo na lang [insert demonic smile here]. Kumpara sa Facebook ngayon, walang-wala ang Friendster noon kung accessibility at convenience lang ang pagu-usapan. Andun na lahat: magmula sa chat, video chat, games, newsfeed, links sa maraming websites, negosyo, etc. Bukod dun, magaling ang maintenance team ng Facebook. Hindi basta-basta natitinag ng mga praning na hacker. Laging may innovation. Kaya ko lang naman naalala si Friendster e dahil na rin sa negatibong resulta ng Facebook sa buhay ng tao. Kung paano nito pinarami ang mga trolls. Kung paano mabilis kumalat ang mga maling balita. Kung paano pag-awayin ang mga iba’t ibang sector at ahensya ng gobyerno, pati na religion. Kung paano magpatayan ang ma

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Image
Totoo, na mas naalala natin ang isang guro/titser dahil sa mga kapintasan nito kesa sa mga naituro nito sa’ten nung mga panahong kinakagat-kagat pa natin ang mongol para sa extension ng buhay ng pambura at auto-sosyal mode ka na agad kung sign pen ang gamit mo nung college ka (ayon kay Ginoong Joselito Delos Reyes). At kahit hindi pa kumpleto ang common sense natin nung ‘mag-a-aral’ pa lamang tayo, nabigyan na natin sila ng ‘code name’, na mas madaling bigkasin kesa sa apelyido nila (P.E. teacher ko dati, kahawig na kahawig ni Chiquito, peksman!). Minsan pa nga, naalala natin sila base sa kung pano sila manamit, magsalita, magmura at pumorma. At kung susuwertihin, naalala natin sila dahil naging crush natin sila. Pero dahil sadyang ipokrito/a tayong lahat, pinasasalamatan din naman natin ang lahat ng mga guro-slash-titser kahit sinumpa at inulan na natin sila ng mura makalipas ang halos isang dekada. Ganyan natin sila na-appreciate. Mahirap din isipin na minsan sinisisi

Substance Use Disorder (Mga Kwentong Adik at Wala lang)

Image
Kadalasan sa isang usapang ‘kanto’ o yung mga kwentuhang biglaan at wala lang, naitatanong ko kung minsan na ba nilang nasubukang tumikim ng ‘drugs’ (yan na ang ang una at huling beses na gagamitin ko ang salitang yan, kaya para sa kapakanan ng mga mambabasa e itatago na lang natin ito sa codename na ‘substance’). Pero siyempre, para hindi masampal o matirisan ng upos ng yosi sa noo, hindi ko ito agad-agad tinatanong. Dapat meron munang intro. Sisimulan ko muna sa “nagyoyosi ka ba?”, papunta sa “gaano ka kalakas uminom?”, na magtatapos sa “e yung ‘substance’?”. Hindi ko alam kung mapili lang talaga ako sa kakausapin o pagtatanungan ng ganun ka-deep na tanong kaya 0.001% lang ang nagsasabi-slash-umaamin na na-experience na nila ng minsan, nakagamit na pero tinigil, o “tikim lang naman…”                 Hindi ako nagsu-survey. Dala ng curiosity, o para lang may mapag-usapang interesante bukod sa Pokemon GO at Game of Thrones . Magandang pag-usapan ang isang bagay na hindi mo aaka

Miyembro ka ba ng Netizens?

Image
Natatandaan mo pa ba yung eksena na pinagtulungan kayo ng mga kaklase mo sa crush mo, na crush ka rin, hanggang sa naging kayo kahit wala namang ligawang nangyari? Astig ‘di ba? E yung nakipag-away ka sa mga kalaro mo pero mag-isa ka lang, tapos tatlo sila? Yung nabugbog ka? Tanda mo? Kawawa ka di ba? Eto pa: naaalala mo rin ba yung nag-walkout ka kasi walang nakinig sa idea mo nung huling meeting? At lahat ng mga kagrupo mo e against sa gusto mo? Badtrip di ba? So ngayon, alam mo na yung pakiramdam ng napagtutulungan ng marami? Yung kahit tama ka naman, pero mas marami ang bilang ng mali, talo ka pa rin? You against them. One versus one hundred. Ganyan na ganyan ang naging ending nila Baron at Kiko. Nagsimula sa kanilang dalawa yung away, binuyo ng netizens, hanggang sa magharap sila octagon ring. Ending, draw ang resulta. Ang labo. May isang taon na simula ng sumikat si Yaya Dub. Bago pa man siya magka-loveteam at ulanin ng sari-saring com

"Ang Pilipinas sa Taong 2022"

Image
Maaga ako nagising. Hindi ko alam, basta parang ang sarap-sarap ng tulog ko. Naunahan ko pa ang alarm clock ng six minutes. 5:30 AM ang alarm ko, 5:24 pa lang.                 Anong araw na ba ngayon?                 Oo nga pala, sahod pala ngayon. Kaya pala may iba sa araw na ‘to.                 Teka, ba’t parang ang bilis naman ata? Himala, may budget pa ko. Parang kelan lang sumahod ako a?                 Matapos ang kalahating oras ng paliligo, bihis at konting pag-aayos ng buhok, lumarga na rin ako papasok ng trabaho. Baka ma-late ako. Sa canteen na lang siguro ako kakain. Mahirap na, warning pa man din ako sa visor ko.                 Ang weird, pagbaba ko ng tricycle. Bente ang inabot ko, pero kinse ang sukli ko. Tinanong ko kung bakit sobra, ngumiti si manong drayber saka nagsabing “Salamat…”. Yun lang yung nasabi niya. Itatanong ko pa nga sana kung bakit hindi mismong sa kanto ako binaba. Dati-rati kasi sa may mismong kanto ang babaan. Ngayon, dun sa ma

"Hindi Natin Kailangan si Duterte"

Image
Puro rants. Puro parinigan sa mga social media. Tsismis dito, black propaganda dun, tapos personalan diyan. Eksena tuwing papalapit na ang eleksyon. Nagtaka ka pa. Kagaya ng mga laban ni Pacquiao, nagkalat (at dumadami!) ang mga political analyst at specialist tuwing magkakaron ng trending, maging panget man o maganda sa isang kandidato lalo na sa pagka-pangulo. Aminin na natin, na kahit hindi tayo kumikibo o nagmumura sa pagpo-post ng status, nagagalit at naiinis tayo kapag sinisiraan o nababalitaan nating “Ay putangina si ano pala ganto no? Putang ina talaga! Wag na natin iboto yang putanginang yan!” Okey, andun na ko, lahat naman tayo gusto lang naman ng isang malaking pagbabago sa gobyerno. At marami nga sa’tin ang umaasa na magsisimula yun etong darating na eleksyon. Pero teka lang, yung mananalo bang presidente ang totoong babago sa ‘Pinas? Yun lang ba ang inaantay nating senyales galing sa langit? Parang hindi naman. Hindi. Hindi talaga. Promise. Kung