Posts

"Please Be Careful With Your Post"

Image
Meron akong ilang ‘friend’ sa FB na ina-unfollow ko. Hindi kami magkaaway, ayoko lang nakikita sa newsfeed ang hinaing at hinanakit niya sa buhay. Kun’di man personal na issue, away-kapitbahay. Walang palya yun, laging ganun. Bad vibes sa newsfeed. Nung una medyo nato-tolerate ko pa. Kaso nung tumagal, ibang level na yung rants sa buhay-buhay. Para bang araw-araw siyang ina-unfriend. Laging galit sa mundo. No choice, kesa naman mabawasan ang 300+ kong friendlist, in-unfollow ko na lang. Minsan gusto ko tuloy isiping wala sa pananamit o trip na telenobela ang maturity ng isang tao. Nagre-reflect na sila ngayon sa kung ano-anong klaseng status, sa lahat ng social media sites. Tulad ng isang pamangkin kong 1 st  year high school pa lang. Puro tungkol sa galaxy at alien ang trip, samantalang yung ka-batch ko noon sa college e puro away nila ng dyowa niya ang buong puso niyang bino-broadcast. Take note, kadalasan naka-upper case lahat ng character at hindi bababa sa tatlo ang exc...

Mga Dapat Tandaan Para Makaiwas sa Pagiging Engot na Botante sa Eleksyon 2016

Image
Madalang lang ako magpalipas ng oras sa harap ng idiot box (tv yun, para lang masabing cool). Night shift kasi ako, kaya pati pagharap ko sa…ano…idiot box, kinatatamaran ko na. Kung may chance man na manuod ng…err…idiot box, usually sa balita ako nanunuod. O kaya HBO. Minsan Star Movies. Tsaka pala History. Pati pala Discovery, Nat’l Geographic at… (Scroll down to continue reading. Adik yung writer) Di ko nga napansin na dumarami na pala ang mga ‘early-epal’ tuwing magko-commercial (local channels). At ang sakit nila sa mata panuorin. Nauumay na nga ako sa mga telenobela, nagsingit pa sila ng pre-audition para sa eleksyon next year. Eto pa, ang lupet ng strategy. Hindi direktang nangangampanya ang mga bogaloyds. Slight lang. Bawal pa kasi, baka ma-disqualified sila pag maaga silang umamin na tatakbo sila sa susunod na taon. Kaya yung mga matatalinong balak kumandidato, nagpapapansin na. Paid advertisement daw kuno, sus. Bukod sa summer, isa sa pinaka-ayokong panahon ang ...

Nice Juan (Mga Kwentong Bahala Ka Na) Part 1

Image
Naiinip na yung mga pasahero. Iisang pasahero na lang kasi ang kulang, lalarga na yung dyip. Magkakalahating-oras ng nakatambay ang dyip sa terminal pero ni isang pasahero, walang nagtatangkang sumakay. Pano ba naman, siksikan at alanganing espasyo na lang ang puwedeng upuan ng sinumang uupo. Talo sa pamasahe. Mainit na tuloy yung ulo nung driver, halos pasigaw ng pinakikiusapan ang mga pasahero na umurong, isiksik ang sarili at ipitin na ang dapat ipitin kung kinakailangan. Narinig ko pang sunod-sunod siyang nagmumura, parang nagmamadali. Nung may sumakay na at nakabayad na ang lahat sa dispatcher, humimas muna siya sa nakasabit na rosaryo sa harapan niya saka nag-sign of the cross. Narinig ko ulit siyang nagmura, pero pabulong na lang. *             *             * Ayaw ko sanang maniwala, pero kitang-kita ko. Di ko nga alam kung matatawa ako o magugulat. ...

Forever: 404 Error Not Found

Image
Kanina, basketbol lang topic natin. Tapos napunta tayo sa science, religion, gobyerno, problema ng ‘Pinas hanggang sa crush mo…tapos ngayon naman, ex mo? Pusang-gala, tuwing magkikita tayo lagi mong sinisingit yang ex mo na tatlong beses kang niloko! Naga-adik ka na ba? Sabagay, di kita masisisi. Mahal mo e. Ganyan talaga pag in-love. E ang kaso, niloko ka. Not just once, but three times! Lupit mo din e no? Anong tawag diyan, bayani? Alanganing martir, alanganing engot? Endangered species ba siya kaya hirap na hirap kang makahanap ng kapalit niya? Tapos ngayon, linggo-linggo mo kong aayaing mag-inom para pag-usapan NA NAMAN natin ang alamat ng katangahan mo? Tutal, kanina mo pa ba bukambibig yang forever-forever na yan, sige, pagbibigyan kita. Pag-usapan natin yang problema mo nang manahimik ka na. (Ako na ba? Bilis a? Baka dinadaya mo ko kokotongan kita.) Nakainom lang ako, pero di pa ko lasing ha? Ipapaliwanag ko sa’yo ang opinyon ko about sa forever na yan. Ki...

Ligawan: Paano at Bakit?

Image
Isa sa dati kong katrabaho ang humingi ng advice sa’ken para dumiskarte sa crush niya. Katrabaho din namin. Matagal-tagal na niyang gusto ito, pero matagal-tagal na ring umuurong ang dila niya tuwing magkakaharap sila ni babae. Ang tanong niya e paano daw ba niya sisimulan ang panliligaw. Sinabi ko na lang na ‘old school’ style ang gawin niya: abutan ng rosas at chocolate. Ang problema, hindi niya raw kaya dahil nahihiya siya at wala daw siyang budget. Medyo natawa ako. Di ko alam kung nagpaparinig ba siya o sadya lang talagang torpe. Kaya ayun, pagkalipas ng ilang buwan, may dyowa na yung crush niya. At ayon sa tsismis, pumayag daw magpaligaw yung babae nung isang beses inabutan ito ng rosas at chocolate. Sayang. Ganda pa naman ng advice ko. Real talk: isang boses ko pa lang nagawang mag-abot ng rosas at chocolate sa panliligaw ko nun. At effective nga. Naging dyowa ko siya, pagkalipas ng ilang panunuod ng sine, pagkain sa labas at ilang registration ng unli-call at unl...

"R.I.P. Boxing"

Image
Talo na. Move on na. Undeafeated pa rin si Floyd, pero dismayado ang marami. Kasama ako dun. Limang taon ang inantay bago sila magbakbakan, pero parang nakakapanghinayang ang pay-per-view. Sa dami ng laban ni Pacman, ngayon lang ako nakapanuod ng laban niya na parang walang sigla ang crowd, at ewan kung parang may bisitang anghel sa MGM. Ang tahimik sa labas ng ring. Kulang sa sigawan. Kulang sa chant. Parang ano e, parang ang boring. Naghihintay ang lahat na may matutumba, pero w ala e. Magaling talaga dumepensa. Strategy yun. At yun talaga ang style ng pagbo-boxing niya. Namumutakti sa ‘bitterness’ ang social media. Si Pacman ‘daw’ dapat ang nanalo. Kung ibabase sa kung paano natin sila nakita nagsuntukan, dalawang bagay ang naging highlights ng 12 rounds fight: run and hug. Wala ng iba. Saksi ang buong mundo kung paano nakaramdam ng nerbyos si Floyd. At kahit hindi Pinoy, alam ng ibang lahi kung sino talaga ang nanalo. The decision is final. Ayon sa mga hurado, unanimo...

Mali Ako. Mali ka. Malisya.

Image
Nakapasok ka na ba sa motel? Tricky question yan. Dalawa ang pwedeng sagot. Una, pwedeng may malisya. Green meaning. Pangalawa, pwedeng out of curiosity yung tanong. Depende pa yan sa nagtatanong, yung paraang ng pagtanong at kung paano yung pagkaka-deliver ng tanong. Ngayon, kung medyo mahalay ang utak mo, puwede mong gawing biro ang sagot. Play safe. Pero kung dedepende ka sa tono ng tanong, nasa sa’yo na kung paano mo ito sasagutin ng walang ibang meaning. Ang salitang ‘motel’ ay shortcut ng ‘motor hotel’. Hotel ito na matatagpuan sa mga roadside para sa mga motorista na galing sa mahahabang roadtrip. Kumbaga sa bus, stop over pero mas mahaba ang oras dahil madalas nagpapalipas ng gabi ang mga nagtse-check in dito para magpahinga. Usually ang mga kwarto nito ay nakahilera sa mababang building na may parking space direkta palabas ng kalsada. Yan ang tunay na meaning ng motel . Pero dahil ang generation natin ngayon e masyadong advance at futuristic, ang motel ay ...