Posts

Showing posts from 2014

Senti. Mental. Value

Image
Nadagdagan na naman ang koleksyon ko ng libro ko nang di sinasadyang pagkakataon. Di talaga sinasadya dahil nangangalkal lang naman ako ng mga gamit na gusto ko ng itapon para makatikim man lang ng salitang ‘linis’ ang kuwarto ko. Ayun, dalawang tahimik na libro ang muli kong nahawakan at naisama sa mga koleksyon. Di ko na babanggitin yung title at awtor. Basta pareho silang tagalog na libro, at parehong sanaysay ang tema. Tungkol sa alak at reminisce. Maayos ang kondisyon ng libro. Medyo lumambot ang cover dahil na rin siguro sa pangungulila sa mambabasa. May babasahin na naman ako ulit. Iba talaga yung feeling kapag nakahagilap ka ng bagay o gamit na matagal mo ng hinahanap at pagkatapos ng ilang taon o eleksyon, matatagpuan mo siya dahil sa walang dahilan. Parang bente pesos sa pantalon na hindi mo alam kung bakit meron dun. Basta wala lang. Kusa lang nag-program ang utak na “gawin mo ‘to, gawin mo ‘yan” at [insert nostalgic soundeffects here], isang bagay ang muli mong m

Bakit Hindi Puwede ang mga Superheroes sa Pinas?

Image
Merong isang programa sa isang cable channel na nagpapalabas ng ilang mga taong merong super abilities o yung mga taong ‘kakaiba’ ang abilidad. Sinabi kong kakaiba kasi hindi normal at hindi lahat ng tao, merong kakayahang taglay nito. Iba ang konsepto nito sa Ripley’s Believe it or Not dahil mas hardcore pa sa hardcore ang mga personalidad na pinalalabas dito. Di gaya ng Ripley’s na naka-focus sa mga bagay na weird at hindi kapani-paniwala. Nung isang beses napanuod ko yung isang lalake na merong matibay na dibdib. Sa sobrang tibay e pati bulldozer, walang panama sa dibdib niya. Mapapaniwala ka naman talaga kasi may mga ekspertong nakaantabay sa kanya at maya-maya din kung mag-side comment. Nung matapos daanan ng bulldozer yung dibdib ni lalake, parang wala lang sa kanya. Para lang siyang nag-bench press sa gym. Pero may mas hardcore pa dun. Nung sumunod na episode, isang monk naman ang may kakaibang trip sa buhay. Isipin mo---barena---itututok sa sentido para testing-i

"Paki-spell ang Typographical Error"

Image
Yuck Fou. Hindi ako nagmumura. Nakita ko lang yan na nakatatak sa isang damit habang naglalakad sa kahabaan ng EDSA. Bold na bold ang pagkakatatak. Yuck Fou. Sa unang tingin, hindi na maganda ang mensahe sa parte ng utak kung saan masyadong sensitive. Nahusgahan pa agad ng sobrang linaw na eye sight. Pero makalipas pa ang ilang hakbang at muni-muni, saka ko lang na-realize na madumi lang talaga ang utak ko. Walang masama sa mensahe ng damit niya, ako lang ang nagbigay ng meaning. Kung aayusin sa utak ang totoong mensahe ng damit niya, magiging foul at ‘masyadong cool’ sa makakabasa. Lantarang pagmumura, na parang naghahanap ng hindi inaasahang atensyon at pagpapapansin. Pero dahil nga sa jumbled letters naman ang pagkaka-spelling nito, masasabing naging playsafe ang sino mang nakaisip nito---hindi man rekta pero sigurdong may impact. Kasalanan na siguro yan mismo ni mata at ni utak. Masyadong mabilis manghusga. Sila ata nagpa-uso ng ‘love at first sight’ kahit wala naman tal

Mutual Understanding: Unang Hakbang Papuntang Friendzone

Image
Kung marami ang naniniwala sa true love, ibahin mo naman ang sigaw ng karamihan: mutual understanding. Ang paniniwala ng ilan na kung saan ipinaglalaban ang isang prinsipyong hindi naman laging happy-ending, walang assurance at laging may nakaabang na paasa moments sa dulo. Walang pakelamanan, at hindi kasali sa rules ang selosan. No commitments allowed.             Himayin muna natin para hindi tayo mag-aaway-away sa bandang huli.             Ang salitang ‘mutual’ ay isang experienced o proseso ng pagkakaron ng ‘common’ ng parehong parties. Meaning, maaaring nagkaron ng kasunduan at similiarities sa maraming aspeto ng buhay, trabaho, atbp.             Ang ‘relationship’ naman ay isang estado kung saan ang dalawang tao, konsepto o bagay ay merong ‘connection’ sa isa’t isa. Merong deal o agreement. Parang internet o linya ng telepono, yun yung instrumento ng pagkakaron ng connection. Sa pag-ibig naman, ang pagkakaron ng kasunduan, commitment o marriage ay isang magandang

"The Art of Extra"

Image

Si Kolorete at Burloloy: Mga Kuwentong Loom Bands at Alahas

Image
First time ko makatanggap ng relo galing kay erpats nung nasa elementary pa lang ako. Di ako sure kung anong grade na. Pinadalan kaming magkapatid ng relo na mas lamang ang kulay pula at manaka-nakang gold at silver. Parang kulay pamasko. Basta, pambata talaga yung itsura. Nagalangan pa ko kung talagang gumagana yun dahil dalawa lang ang kamay. Missing in action yung para sa seconds . Kung isusuot mo yun pagdating mo ng high school, baka magdalawang isip ka pang ipagyabang. Hindi naman siya pangit, hindi rin naman ganun kaangas.  Simple na medyo hindi ako komportable. Hindi dahil sa mas maangas ang G-Shock ng katabi kong kaklase, kun’di dahil sa hindi ako sanay na may nakasabit na burloloy sa braso ko. Mas sanay pa ata ako sa mga goma na pilit pinagkakasya sa braso tuwing maglalaro ng dampa. Mas maraming goma, mas maangas.             Hindi rin nagtagal sa’ken ang relo sa tatlong dahilan: nakakalimutan ko; nabasag nung isang beses ako sumubok mag-diablo habang naglalaro ng ‘fol

Dear Eraserheads: An Open Letter to Sir Ely, Raimund, Buddy and Marcus

Image
Dear Sir Ely, Marcus, Buddy at Raimund,             Magandang araw sa inyo mga idol.             Hindi ko sana magagawa ang liham na ito kun’di lang dahil sa astig na balitang napanuod ko nung nakaraang linggo: naglabas kayo ng dalawang bagong kanta. Ayaw ko sanang maniwala sa balita kaya lumapit ako ng bahagya sa tapat ng telebisyon para lalo kong maintindihan ang balita. Dalawa. Bago. Kanta ng Eraserheads. Sa loob ng isang dekada, simula ng mailabas niyo ang huling single na “Maskara”, ngayon na lang ulit ako nakarinig ng astig na kanta galing sa bandang nagbigay ng inggit at inspirasyon sa isang tulad kong panggap na musikero. Impluwensya galing sa local band, ika nga ng ilan. Bukod pa dun, naging cover kayo ng isang magazine, kung saan e tinawid niyo rin ang pedestrian lane ng Abbey Road gaya ng Beatles. Astig at priceless.             Natuwa ako. Literal na nagkaron ng goosebumps. Nanumbalik ang pagka-excite sa kanta niyo na parang nanumbalik ang mga alaala ko nu

Kelan At Paano Naging Weird ang Normal na Bagay?

Isa sa dating katrabaho ko noon ang hirap na hirap akong sabayan sa pagkain tuwing breaktime. Hindi dahil sa buraot siya, kun’di may kakaiba siyang paraan o sariling version ng paggamit ng ketchup. Isipin mo---ginisang munggo---may ketchup. Totoo to, hindi joke. Ang akala ko e naglalaro lang siya. Trip-trip lang. Pero yung mga sumunod na araw ang lalong nagpakunot ng noo ko at sumira ng appetite. Isipin mo na lang ang tinola, ginisang pechay, pakbet at nilaga---lahat sila may halong ketchup. Pero hindi lang naman siya ang kakilala kong may pagka-weirdo pagdating sa pagkain. Isang kababata ko naman ang naglalagay ng mayonnaise sa lahat ng ulam. As in, lahat---may sabaw man o tuyo. Mas ginaganahan siya sa ganung style at mapapansing hirap siyang ganahan kumain kung wala nito. Habang enjoy na enjoy siya sa sarili niyang recipe, curious naman kaming mga kasabay niya sa pagkain. Mantakin mong pati yung inorder naming spaghetti sa isang fastfood, hinanapan niya ng libreng mayonnaise.