Ang Huling Karoling ni Carmela
Mag-aalas siyete pa lang ng gabi magkasama na kami ni Carmela. Kumakaway pa siya habang tumatakbo papalapit sa’ken, sa tapat ng tindahan ni Aling Temyang. Dating gawi, hawak niya ang tambol (gawa sa lata ng Nido at pumutok na lobo) at sa’ken naman ang kalansing (pinitpit na tansan na nakakabit sa alambre). Mas cute ang itsura niya ngayon kumpara kagabi. Nakatali ang mahabang buhok na halos umabot na malapit sa puwet. “Kanina ka pa?” tanong niya medyo humihingal-hingal pa. “Di naman. Tara na, naunahan na tayo nila Mike.” “Ang aga a…” “Kaya nga.” Lumakad na rin kami agad habang tine-testing pa ni Carmela ang medyo bugbog ng tambol. Pang-apat na araw na naming nangangaroling. Marami-raming bahay pa ang pupuntahan namin bago kami makaipon ng pambili namin ng laruan. Yung nasa palengke, yung baril na may ilaw tsaka tunog-laser, yun yung pinagiipunan ko. P100 pesos yun, tapos yung Barbie do