Bawal Ang Plastik (na bagay)

Bawal ang plastik sa Muntinlupa.”. Isa yan sa bagong ordinansa ng Lungsod ng Muntinlupa alinsunod na rin sa “Republic Act 9729 or the Climate Change Act of 2009” na pinirmahan noong panahon ni Gloria. Astig kung babasahin. At parang pakiramdam mo, mababawasan na ang problema ng mundo dahil sa paghinto ng paggamit nito (na hindi naman talaga 100% na bawal nang gumamit ng plastic) at makakatulong sa pagbabago ng klima lalo na ang summer na nakakapikon minsan ang init.

            Maraming negosyo, malaki man o malaki ang sumunod sa ganitong sistema. May parusa kasi ang sinumang lumabag sa batas na ‘to, na bukod sa pagmumulta ay pagkasara ng negosyo. Ultimo mga fastfood ay hindi ligtas sa ganitong ordinansa. Marami ang sang-ayon dito, pero marami rin ang hindi natuwa. Sa mga environemental advocates, saludo dito. Pero sa mga taong apektado ang negosyo gamit ang plastic, iling na lang ang komento.

Totoong malaki ang epekto nito sa ekonomiya naten dahil maraming saklaw na negosyo ang plastic. Ito kasi ang isa sa mga pangunahing lalagyan ng ilang negosyo, mapa “dry-goods” man o “wet-goods”. Nito lang nakaraan bumili ako ng ilang produktong sabon, shampoo, toothpaste at deodorant na gawa sa papel ang sisidlan. Buti na lang konti lang pinamili ko kun’di, maya’t maya ko pinupulot ang pinamili ko dahil sa hindi naman convenient ang papel para sa mga pinamili. Dagdag pa diyan kung namili ka ng ice cream na mas ok pa kung nagdala ka na lang ng sarili mong lalagyan. No’ng isang beses pa nagpa “to go” pa ko ng pagkain sa isang fastfood. Humingi ako ng plastic bag pero napahiya ako sa sinagot ng crew na “sir meron po kaming paper bag”. Oo nga pala, nasa muntinlupa ako.

Ngayon, ano ba talaga ang mas okey?

Plastic – hango sa salitang Greek na ang ibig sabihin ay “capable of being shaped or molded”. Isa itong solid materials na may katangiang  “malleable” at “plasticity”. Magmula sa botelyang tubig-inumin, kagamitan pangkusina o appliances, hanggang sa mga gadgets na ‘di na mabilang kung ilang uri, ito ang pangunahing sangkap sa mga nasabing bagay. At marami ang uri ng plastic gaya ng acrylics, polysters, silicones at halogenated. Meron din namang ilan na elastomer, biodegradable, at electrically  conductive. Mas malaking porsiyento ng paggamit nito ay yung mga hindi natutunaw o non-biodegradable, na alam nating lahat na malaking problemang kinakaharap ng mother-earth.

Resulta din ng pagdami nito ang hindi mapigilang problema ng ilan dahil sa maling pagtrato sa ganitong uri ng matter. May ilan na narerecycle ito para pakinabangan muli. Isang maling pagtrato dito ay pagsunog. Ang plastic ay naglalabas ng toxic fumes kapag nasunog. Maaari ding maglabas ito ng dioxin na significant dahil isa sila mga tinatawag na “environmental pollutants” at kalaban din ng ozone layer. Pero alam mo bang pwedeng gawing gasolina ang plastic? Syempre dahil galing ito sa crude oil kaya pwede ito sa prosesong “liquid hydrocarbon”. Isang kilo ng waste plastic ay isang litro naman ng hydrocarbon.

Pero ang totoong produkto ng plastic para sa’ten bukod sa toxic pollutants ay greenhouse gas at KALAT. Kalat na sanhi ng baha at pagkamatay ng ilang uri ng hayop gaya na lang ng mga pagong na napagkakamalang jellyfish ito. Isa sa sakit ng ulo ng mga MMDA pero mahirap solusyunan. Bakit kamo? Hindi ko alam.

Papel – isa sa pinakamanipis na bagay sa mundo na bukod sa sinusulatan, dinodrowingan, packaging at minsan ding ingredients ng mga pagkain partikular na ang kulturang Asyano, isa rin itong sangkap na umiikot sa lahat ng kamay ng tao: ang salapi.

Hindi tulad ng plastic, ang papel ay versatile pero mahina pagdating sa kategorya ng “conveniency”.  Kaya ng plastic makipagnegosasyon kahit sa elementong tubig na hindi kaya ng papel. Gaya na rin ng plastic, isa rin itong source ng kalat, pero madali naman itong matunaw kaya ok lang. Hindi pa rin ito pasado kay mother-earth dahil maraming-puno-ang-pinuputol-para-lang-makagawa-nito na nagiging sanhi din ng pagbaba ng porsiyento ng oxygen, na nagreresulta din ng greenhouse effect. Ilang milyong tonelada ng papel ba ang kinokonsumo ng mundo, bukod sa ilang porsiyento lang nito ang narerecycle?


Ngayon, ano ba talaga ang mas okey?

Comments

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!