Vice Ganda Syndrome 2: The Revelation

Gusto ko lang magkaron ng sequel ang “Vice Ganda Syndrome” hindi para rumesbak o makaagaw ulit ng atensyon sa mga naniniwala sa style ni Vice Ganda para magpatawa. Kumbaga sa bibilia, ito ang ‘revelation’ part. Ipapaliwanag ng blog na ‘to kung bakit hindi mo kelangang mag-react ng sobra at magmura para lang i-express na galit ka at hindi mo matanggap ang opinyon ko. So baket dapat may part 2? Bakit hindi na lang ako magisip ng iba pang topic na mas magandang pagubusan ng common sense? Dahil magpapasko na at kelangan ng bawasan ang alitan at misunderstanding ng mga tao. Para na rin mabawasan ang mga taong magpapasko sa ospital ng dahil lang sa “Vice Ganda Syndrome”.
            Wala lang ako magawa kaya binasa ko ulit ‘yung pinagaawayan ng ilang ubod-sa-talinong-mambabasa at hinimay-himay ang mga komento at reaksyon matapos nilang pagubusan ng panahong basahin ang nasabing blog. Hindi naman nakakabigla ang mga reaksyon na hindi sang-ayon, nagtaas ng kilay, napamura ng wala sa oras at uminit ang ulo. Gaya nga kataga ng ilang blogger(s), “you can’t please everybody”. Pero para sa lahat ng nakaintindi at napa “Oo nga naman!”, saludo at apir!
            Nag-react na ang dapat nag-react, nagmura na ang hindi dapat magmura, at nakipagdebate na ng wala sa oras ang ilan na ewan kung “bakit kelangang pagawayan ang isang tao na hindi naman talaga ‘yung tao mismo ang tinutukoy ko?”. Na-hurt ang ilan sa mga fanatic ni Vice, at nagtalo-talo na ang ilan na hindi naman dapat dahil nagbigay naman ako ng babala na “walang balak siraan ang personalidad na mababanggit sa blog na ito”. Pero dahil hindi pantay-pantay ang IQ ng tao, ‘yung mga mas matatalino ang unang nag-react na “wag idamay si Vice!”.
            Sinabi ko na nga sa intro na hindi mismong si Vice ang tinutukoy ng nasabing blog. Walang kinalaman ang nasabing komedyante sa pagpapahayag ko ng sarili kong opinion tungkol sa nakakairitang panunupalpal. Mas pipiliin ko nga ang ganung uri ng pagpapatawa kumpara sa mga slapstick joke, na hindi na nga naten nakikita sa mga naunang batch ng mga pelikulang Filipino. Ano ngayon ang pinupunto ko? YUNG UGALI. At anong ugali? ‘Yung pamimilospo. Pero dati pa namang uso ang pamimilosopo nung mga panahon na wala pa tayong pinoproblemang status sa facebook? ALAM KO. Pero gaya ng taghiyawat na may pagkakataong hindi kayang itolerate sa mukha, ang OA na pamimilosopo (at mayay’t maya) ay isang asal na hindi cool padaanin sa eardrum. Lalo na sa mga oras na ang tema ng paguusap ay seryoso.
            Naging instrumento ng makabagong sistema ng pagpapatawa si VG dahil sa…komedyante siya. Waland duda. Hindi na daw kasi uso yung mga joke na si Juan lagi ang bida (pero kaano-ano niya ba si Pedro at Jose?). Trabaho ng komedyante ang sumakit ang panga at kabagin ang manunuod sa pagpapatawa nila, kaya nagamit ang pamimilospo sa paraang ‘matatawa’ ka. Nung mga unang narinig ko ang ganung pagbibiro, nasabi ko na lang na “Okey ah, magaya nga”. Pero ng tumagal, hindi na pala maganda.
            Alam naman naten ang media, madaling makaimpluwensiya. Dinadaig pa nga nito minsan ang mga magulang. Sobrang bilis ng mga pangyayari, naging sakit na nga ang VICE GANDA SYNDROME. Yung ilang nakakasalubong kong mga bata, astig na rin magsisagot. Parang kaedad lang nito ang magulang.
            Dati na ngang uso ang ganung paguugali, at na-revised lang ni VG sa ibang paraan na katawa-tawa at pwedeng sandata sa mga oras na dapat mong ipamukha sa kausap mo na “Ang tanga-tanga naman neto!” o “May common sense ka ba?”. Sang-ayon naman ako diyan. Eh dati na palang uso, ano pang pinoproblema ko? Malaki. Sinlaki ng kukute ng mga mambabasa na hindi nakaintindi sa pinapaintindi kong paliwanag kung bakit ‘nakakairita’ ang isang bagay na nakakatawa sa una, at nakakapikon pag sumobra. Lampas na sa salitang ‘exaggerated’.
            Tanong lang: ano bang pakiramdam kung sakaling nasupalpal mo nga ang kausap mong tanga?
            Gumanda ka ba? Lalo ka bang gumwapo? Nadagdagan ba ang IQ mo? Bigla ka bang tumalino?
            Parang hindi naman.
            Unti-unti mo lang binabawasan ang respeto ng tao sa paraan mo ng pagsagot sa mga simpleng tanong.
            Eh obvious naman ‘yung tanong eh, bakit pa kasi tinanong? Alam mo naman ‘yung sagot. KASI, OBVIOUS NA NAGTATANONG SIYA DAHIL GUSTO NIYANG MASIGURO NA TAMA ANG ISASAGOT MO SA SIMPLENG TANONG NIYA.
            Sige nga, ano-ano ba ang sinasabi mong simpleng tanong na hindi ko dapat gamitan ng Vice Ganda Syndrome?

Heto ang ilang sampol:

Kasalukuyang nanunuod ng tv si Aling Praning at ang anak nitong 5 taong gulang. Ibinabalita ng reporter na walang pasok ang lahat ng antas ng paaralan dahil sa bagyo. Tinanong ng bata ang ina kung pati pre-school walang pasok. “Ay anak, ang tanga mo naman! Lahat nga ng antas eh!”

Masayang umoorder sa isang “drive-thru” ang pamilya ni Juan. Bale 7 silang magpapamilya kaya sunod-sunod ang order ng mga ito na halos ikalito ng service crew. Para makasiguro, inulit ng service crew ang mga order at isa-isa nitong binanggit ang nasabing order. “Ay, hindi ‘yan ang order namin! Baka ‘yung kasunod namin ang umorder niyan!” at sabay-sabay nagtawanan ang buong pamilya.

Nagkamali ng download na kanta si Juan. Sa inis nito, agad niyang pinindot ang ‘delete’. Lumabas ang message box na “Are you sure you want to delete?”. Nadagdagan pa ang inis nito kaya napamura na lang, “P@#$%$ mo! Kaya ko nga pinindot ‘yung delete eh! Bobo!”

Ang tagal ng nakaupo ni Juan sa waiting area. Magdadalawang oras na siyang nakaupo. Final interview na niya at desperado na siyang magkatrabaho. Nang siya na ang ini-interview, nakita ng interviewer na “sales representative” ang inilagay nitong position sa resume:

Interviewer: So Mr. Mandaraya, you’re applying as sales representative?
Juan: F*** Y**! What a question? Isn’t it obvious?

Nagabot ng bulaklak at tsokolate si Juan kay Maria bilang intro ng panliligaw nito.

Maria: Wow! Para sa’ken ba ‘to?
Juan: Stupid! Para sa’ken kaya ‘yan! Inabot ko lang para malaman ko kung ano pakiramdam ng binibigyan ng bulaklak at tsokolate!

Nag-balance inquiry si Juan sa isang ATM machine, araw ng sahod. May laman na ang account nito, kaya naisipan nitong mag-witdraw. Nang matapos ito, nabasa nito ang tanong na “Would you like to to do another transaction?” at sa sobrang saya, napamura ito at inaway ang tatanga-tangang machine, “T!@##$%%^ may sahod na nga eh! Malamang mag-withdraw ako! Tanga!”

            Cool gamitin ang VGS (Vice Ganda Syndrome) sa mga oras na alam ng lahat na nagbibiro ka lang o trip mo lang talaga magpatawa. Sino bang ayaw tawanan ang sarili nilang joke? PERO alang-alang sa pinagsamahan at nakakamtang katalinuhan at pagiging ‘may damdamin’, bawas-bawasan ang bilang ng paggamit ng VGS. Kumbaga sa kainan, ‘wag puro ulam. Kung nauumay na, saka ka sumubo ng kanin.
            Inuulit ko lang, walang masama sa ganung uri ng pagpapatawa o pagpapapansin lalo na kung pakiramdam mo ay may sapi ka ng abogadong lulong sa ‘teethpaste’ o feeling mo “ang tali-talino ko talaga!”. Ang panawagan lang ng ilan na hindi gaanong napapansin na matalino sila, eh ‘wag lalagpas sa limitasyon na OA. Wag masyadong ugaliin. Abangan ang tamang timing at pakiramdaman ang kausap. Marami namang paraan para ipamukha sa kausap na “ang obvious naman ng tanong mo!”. Pakiusap lang na sana wag daanin sa supalpal. Ang tanong ay naghahanap ng sagot. Hindi sasagot ng sagot ang isang tanong kung hindi pa nagsisimula ang tanong.


Huling banat: kung sakaling namatay ka at tinanong ka ni San Pedro kung langit ba o lupa ang ending mo, ano ang isasagot mo? (gamitan ng VGS).

Comments

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!