Men are from Mars, Women are from Venus?

Kung meron mang debate na hinding hindi matapos bukod sa science at religion, chocolate o vanilla, PS3 o X-box, X-men o Justice League, GMA7 o ABS-CBN, iisa lang sa ngayon ang sa tingin ko eh wala ng mas tatalo pa: Eba at Adan.


(Paunawa sa mambabasa: opinyon at kuro-kuro lang ang mababasa mo dito. Kaya wag kang magre-react ng hindi maganda. Wag na wag, NA WAG mong gagamitin ang artikulong ito para gawing basehan o patunay sa oras na makipagdebate ka. At hindi ko sinasabi na mas magaling si Adan kay Eba, promise…)


Dalawa lang ang lehitimong lahi sa mundo, NOON. Babae at lalake. Eba at adan. Male or female. Kaya ang bawat banyo sa kahit anong establishment ay para lamang sa dalawang kasarian. Sa tanang ng buhay ko, wala pa kong nakitang  banyo na apat ang pinto (pwede isa lang, unisex lalo na sa mga inumar-bar-sa-tabi-tabi) na merong titulong Male, Female, Gay, Lesbian. Kahit sa pagsagot ng mga dokumento, dalawa lang ang pagpipilian: Male o Female. At dahil sakop pa rin tayo ng sistema ng ebolusyon, unti-unti ng nagbabago ang pagkatao ng dalawang lahi sa aspeto ng mental at pisikal ng isang normal na eba at normal na adan, pero hindi kasali diyan ang tamang bilang ng pinto ng banyo. Hindi isyu ang bakla at tomboy dito kaya wag kang magalala.

Makailang beses ko ng narinig ang mga tanong o biro kung ano-ano ba ang mga bagay na kaya/hindi kayang gawin ni babae na kayang gawin/hindi kayang gawin ni lalake. Nitong nakaraang araw, nagbigay ako ng ilang sitwasyon tungkol sa lifestyle ng babae at lalake pagdating sa pangaraw-araw nating pamumuhay sa mga kasama ko sa trabaho at tinanong kung kelan ba nagkaron ng ganitong sitwasyon na nakasanayan, paniniwala o tradisyon na lang na pwedeng baligtarin (depende sa paniniwala). Heto ang ilan sa kanila:

-          kapag naglalakad ang magkapartner sa buhay, dapat nasa sidewalk ang babae at nasa driveway ang lalake
-          sa pagsakay ng jeep, nauuna dapat ang babae bago ang babae, at lalake naman ang unang bababa bago ang babae
-          sa bus, dapat magpaubaya ang lalake sa isang babaeng kasasakay lang at ibigay ang pwesto para makaupo ang babae
-          pag may away, dapat laging nasa likod ang mga babae para protektahan ni lalake
-          babae ang kadalasang manager/accountant pagdating sa pera ng pamilya
-          lalake ang may pinakamabigat na dalahin pag may lakad lalo na pag outing
-          aayusin muna ni lalake ang upuan ni babae tuwing magde-date, nararapat lang na maunang makaupo ang babae
-          ipinagbubukas ng pintuan ng kotse ng lalake ang babae bago bumaba
-          (baka may idadagdag ka, ikaw na bahala)


Ngayon sa panahon ng reyalidad, normal ang mga nasabing sitwasyon, mapa-history man yan o tradisyon na lang. Uso pa daw ang gentleman. Pero wala pa kong narinig na gentlewoman. Na dapat si lalake ay ganito, at ganito naman dapat si babae. Ngayon, ano ang punchline?

Sa panahon ng disgrasya, dapat lalake ang unang sasalo. Dapat si lalake ang unang tatamaan ng jeep habang naglalakad, kaya nasa sidewalk ang mga babae. Dapat si lalake ang unang sasalubong sa humaharurot na jeep bago si babae. Dapat mas makaranas ng matinding pagod si lalake kesa sa babae pagdating sa tayuan sa bus. Dapat si lalake ang unang makakatikim ng suntok pagdating sa away, sa ngalan ng kabayanihan at pagtatanggol. Dapat si lalake ang magdala ng maraming gamit dahil madaling mapagod ang mga babae, at nakakahiya (ayon sa paniniwala) kung shoulder bag lang ang dala ni lalake, samantalang hila-hila ni babae ang isang sakong bigas. Napagod ng husto si babae kalalakad gamit ang high-heels kaya normal na sila ang unang makaupo tuwing may date. Hindi maganda tingnan kung magisa magbubukas  ng pinto ang babae pagkababa ng sasakyan. Iisipin kasi ng mga nakakita na “hindi man lang maging gentleman ang boyfriend niya!”. Ibig sabihin, sa panahon ng disgrasya, si adan ang dapat magpaubaya, at nararapat lang na protektahan ang mga eba.

PERO…

Gusto natin ng pantay-pantay na trato di ba? Na dapat parehong merong ganito/walang ganito si Eba o Adan. Pero aminin natin na hindi maiiwasan ang pagkukumpara. Sa isang comparison, meron dapat manalo. Nakahihigit at lamang.

Ayon sa pag-aaral gamit ang Google, maraming kategorya pagdating sa kung anong meron si eba na wala si adan, na meron si adan na wala si eba. Malaki ‘daw’ ang pagkakaiba ng dalawang lahi simula pa nung panahon pa ng mga dinosaur. Gaya ng:

-          Mas mataas ang average na height ng mga lalake kumpara sa mga babae
-          Mas mabuhok ang mga lalake kesa sa babae
-          Mas sensitive ang mga babae. Karamihan sa kanila ay emo, samantalang aggressive naman ang mga lalake
-          Mas malakas ng 30% ang mga lalake sa pisikal na aspeto, lalo na sa pantaas na parte ng katawan. Dahil hindi papayag ang mga babae sa ganitong fact, patunay lang na mas maraming sundalong lalake (pulis) kumpara sa mga babae. Karamihan pa ng mga tv series eh lalake ang bida
-          Mas malaki ang puso at baga ng lalake kumpara sa babae
-          sa edad na 35 pataas, bumababa ang porsiyento ng fertility ng mga babae papuntang menopause, pero may kakayahang pa rin makabuntis ng mga lalake kahit may edad na
-          ang balat ng lalake ay mas maraming collagen at sebum, kaya hindi na nakapagtataka kung mas oily ang lalake sa loob ng gym
-          mas magamit ng salita ang babae, at hilig nila ang debate, kaya sila ang madalas manalo pagdating sa argumento. At dahil hindi naman mabunganga ang lalake, minabuti na lang ni lalake ang tumahimik at ihagis na lang ang pinagipunang 14’’ TV para matapos na ang debate
-          mas pisikal ang lalake, kaya kadalasan ang mga sports ay para lang sa mga lalake. Mas maraming panahon ang mga babae pagdating sa fashion at kung ano-ano pang pwedeng isabit sa katawan.
-          mas gusto ng mga babae ang mga propesyon na nakatutulong gaya ng nurse, teacher, social worker at veterinarian, kumpara sa mga lalake na humahawak ng mabibigat na trabaho gaya ng engineering, architecture, doktor at computer
-          (kung may idadagdag ka pa, kaw na bahala)


Ngayon: sino ba ang mas nakahihigit?

Hindi ko yan masasagot.

Una, wala akong kakayahang magbuntis o magkaron ng problema buwan-buwan. Hindi ko rin problema ang bra at cupsize. Wala sa budget ko ang mamahaling make-up at sari-saring palamuti sa katawan. Hindi ko kaya ang mahabang debate dahil hindi naman ako masalita. Nasa likod ang bag ko, wala sa balikat. Mainit ang underwear ko, minsan nakaboxer short pa. Hindi ako sanay magdala ng payong pag umuulan. Wala rin akong samut-saring alikabok sa mukha. In short, hindi ko alam kung ano ang pagiisip ng mga babae at nararamdaman nila.

Hindi ko sinasabi na sadyang mahina o malambot ang babae. Gaya ng mga ipinapakita sa mga istorya sa pelikula, ang walang kamatayang love story, mas iyakin ang mga babae. Wala pa kong napanuod na binugbog ng mga ‘mean girls’ o inabangan ng mga sorority ang lalakeng nanloko sa kanila. Na mas madalas, lalake ang unang nagaaproach para mapansin ni babae. Na madalas napapaaway ang lalake para lang sa babae. Na ang babae ay sunud-sunuran sa kagustuhan ng lalake na sa huli, iiyak din ang babae. Na dapat ang lalake ay habulin ang papalipad na eroplano para romantic at happy ending. At lahat yan base sa mga napapanuod mong soap opera at pelikula. (Source: Philippine movies and soap operas. Wala ng iba)

Pero sa usapin ng kagandahan, parang sinakop na ata lahat ng lahi ni eba. Krypton sila ni adan. Ang matigas at bad boy na action star eh lalagnatin sa kagandahan ni eba. Wala ng debate pa. talagang kahinaan na ng lalake si babae. Na gagagawin ang lahat para lang ma-isama sa sinehan at makasama kumain sa labas kahit pwede namang sa bahay na lang. Lahat ng bagay na pwede isakripsyo, gagawin ni lalake dahil sadyang uto-uto ang lalake pag dating sa babae.


Ano’t ano man ang mangyari, kelangan ni babae si lalake, hindi lang para may maisama sa motel, o sinehan. Pero dahil sa yun ang batas ng tao. Na darating ang panahon na magsasama ang isang eba at adan. Na kahit si Superman at Spiderman ay may leading lady. Walang kwenta ang pelikula pag walang kahalikan ang bida. Walang silbi at hindi maiimbento ang Twilight.

Comments

Popular posts from this blog

Imoral Noon, Moral na Ngayon

Ang Mga Uri ng Titser Na Hindi Ko Makakalimutan

Bawal Basahin Ito!