Mga Skills na Dapat mong Matutunan para Maka-Survive Pagkatapos ng Doomsday (kung sakali lang naman!)
Sa isang kwentuhan noon habang nag-iinuman kasama ang
barkada, bidang-bida ang isa sa mga tropa na ‘masyadong maraming alam’. Kahit
anong segue ko (at nila) ng topic, asahan mo ng lagi siyang may komento,
reaksyon at sariling version ng istorya. Religion, sports, politics,
educational, porn at kwentong barbero---lahat yan meron ay meron siyang
entrada. Kaya kung iisipin, isa siya sa mga uri ng taong never maa-out of
place. Kahit anong topic. Kaya bilib na bilib at tuwang-tuwa ang marami sa
kanya, lalo na yung mga taong hindi mo rin makausap ng matino. Damay mo na ang
mga lasenggero.
Nabibilib ako sa mga taong ang dami-daming ‘stock
knowledge’ sa utak. Masarap silang kakwentuhan, lalo na kung tsiks *ngiting
nakakaloko*. Para bang ang lahat ng pwedeng
pag-usapan ay dagdag-knowledge, lalo pa kung interesante ang topic.
Gustong-gusto kong kakwentuhan ang mga ganung uri ng tao, na halos makalimutan
ko ng magsalita at mag-isip sa sobrang abala sa pakikinig. Madalas kong
ma-experience yun nung mga panahong nagpapalipas ako ng gabi sa piling ng mga
sunog-baga at galit sa alak.
Pero meron namang mga taong ang dami-daming alam pero wala
namang sense. Yung pag nagkwento e manhid na sa ilang hikab ng mga kakwentuhan
at parang narrator na ng isang buong pelikula. Madaldal pero boring ang dating.
Maganda lang silang kasama kapag walang-wala talaga ang usapan at ang lahat ng
kasama e wala na rin sa mood magdadadaldal. Masaya na sila sa mga reaksyon na
“Ahh…” at mabilisang ngiti.
Naniniwala akong kahit anong talino at dami ng nalalaman mo
sa mundo, pero yung mga praktikal o maliliit na bagay e hind mo na binibigyan
ng pansin lalo na kung paano mabuhay, ay isang malaking “Seyeng nemen…”. Lahat
ng tao ay may kani-kaniyang version ng katalinuhan kaya halos magpatayan din
ang ilang mga pilosopo kung aling aspeto ang mas matimbang sa batas ng tao.
Kabisaduhin ang C++ o Turbo-C, alamin ang pasikot-sikot ng
computer, kabisaduhin ang lahat ng capital ng bansa, alamin ahat ng genre ng
music magmula sa luma hanggang sa latest, autobiography ng mga artista, buong
almanac, mga taong sangkot sa pork barrel---lahat ng mga yan ay walang saysay
na kaalaman dahil mabubuhay ka ng wala ang mga ganung bagay. Tandaan: kain,
tulog, maghanap ng pagkain at tirahan lang ang basic needs ng mga tao nun.
Simpleng bagay na halos doble o triple ang life span nila kumpara sa generation
natin ngayon, na maswerte kung maihabol mo pa ang huling oxygen mo sa edad na
sitenta.
Paano kung nagkatotoo ang doomsday nung nakaraang Dec. 12,
2012 at iilang tao lang ang naka-survive? Tapos lahat ng mga bagay na
dinependehan ng tao para mamuhay ay back to zero? Kaya mo bang mabuhay ng
walang-wala?
Heto ang ilan sa mg skills na dapat mong matutunan (bago pa
mahuli ang lahat) kung saka-sakaling magkaron ng part two ang prophecy ni
Nostredamus (wag naman sana ):
Magtanim. Di tulad ng Farm Ville na nangangailangan lang ng matinding atensyon at
mahaba-habang battery life, ang pagtatanim ay…hindi biro. Totoo yan. Sisirain
nito ang kinaiingatan mong manicure at ilang taong paglalagay ng lotion. Pero
dahil kelangan mong kumain, kelangan mong matutong magbungkal ng lupa. Madami
namang benefits ang pagtatanim. Maiiwasan mo na ang magastos na pag-enroll sa
gym, healthy pa ang kakainin mo. Dedmahin ang pangingitim ng kutis kung gusto mo
pang mabuhay.
Mangaso. Kung vegetarian ka, kelangan mong
matuto ng agriculture. Pero kung galit ka sa damo, hunting ang para sa’yo. Pero
katulad ng pagtatanim, hindi yun ganun kadali. Isipin mong wala na ang mga
sniper o atomic bomb para lang pumaslang ng isang kambing. Ang kelangan lang e
mabilisang takbo at kaalaman sa paggawa ng pana o sibat. Dito mo matututunan
ang panahon at oras kung saan nagliliwaliw ang mga hayop.
Wag ka mag-alala. Di gaya
ng mga naunang hayop, ang mga mababangis na hayop sa ngayon e halos sinlalaki
lang ng mga asong kalye. Pero kung ang hanap mo ay malalaking karne, andun
lahat sila nakatambay sa Malakanyang. O pag may senate hearing.
Gumawa ng apoy. Kung hindi ka sanay sa mga hilaw
na pagkain, kelangan mong matutunan ‘to. Tandaan na hindi lang sa pagluluto
magagamit ang apoy. Pwede rin itong ilaw sa gabi at patuyuan ng sinampay tuwing
tag-ulan. Tsaka view na rin habang nanliligaw at nakikipagkwentuhan sa
hating-gabi. Katulad ng tubig at wi-fi, mahalaga ito sa buhay ng tao.
Umakyat ng puno. Hindi lahat ng makakain ay nasa
lapag na pwedeng sipa-sipain o upuan lang. Minsan kelangan mo din tumingala
para maiba naman ang appetite. Makakagagawa ka ng masarap na fruit salad kung
sisimulan mo ng matutong umakyat ng mga puno. Hindi naman lahat e hanggang
pitas lang. Maraming mayayabang na puno ang nagbibigay ng mga prutas na
kadalasan e kaagaw mo ang mga unggoy. Kaya dapat…
Makisama sa mga hayop. Hindi lahat ng gusto mong karne e
pwede. Ang kalabaw ay nababagay sa palayan. Ang baka at kambing ay nasa
damuhan. Saka mo na lang sila katayin kung sakaling marami na silang lahi.
Hindi na uso dito ang mga kemikal na pagkain na bihira mong makita sa mga tv
commercials (tambak sila pag may laban si Pacquiao) kaya kelangang gumawa ng
paraan para pakainin sila sa natural na paraan.
Lumangoy. Dahil araw-araw iba-iba ang
foodtrip, kelangan kumain minsan ng malansa. At hindi sa lahat ng pagkakataon e
kelangan mong lumakad para lang mamasyal. Kelangan mo ring tumawid ng
katubigan. At makita minsan si Nemo kung saka-sakaling ma-bored.
Maging eksperto sa dahon
para may gamot. Hindi
lang pang-gisa o sahog ang gamit nila. Maniwala ka, dahil hanggang ngayon, uso
pa rin sila. At nagkalat sila. Dumadami sila. Naging business na sila. At
na-try ko na din sumali sa kanila, pero hindi ako naging tagumpay. Yung
produkto nila kasi puro herbal capsule. Kaya noon pa man garantisado na ang
bisa ng mga gulay. Tandaan: wala ng 24 hours na botika sa panahon ng doomsday.
At ang pinakaimportante sa lahat…
Wag maarte. Kung kasama sa prinsipyo mo na
dapat ang isang tao ay may isa o dalawang cellphone, wi-fi o cable sa bahay, social
networking account, aircon, refrigerator, flatscreen tv, at kung ano-ano pang
bagay na pwede namang wala, pwes, umpisahan mo ng gumawa ng new year’s
resolution kahit hindi pa nagpapalit ang taon. Maraming bagay sa mundo ang
nagbibigay ng libreng entertainment na hindi kelangang gumamit ng kuryente. Ang
buhay ng tao ay kayang umunawa ng sariling entertainment sa oras ng
pagkaburyong o boredom.
(Tips: Manuod ng series ng ‘Survivor’ o ng pelikulang ‘Cast
Away’ para malaman ang preview kung paano mamuhay pagkatapos maka-survive sa
doomsday. Para sa mas realistic na experience, makipag-inuman sa mga beterano
nung panahon ng Word War 2)
A true story:
May isang turista na
nakasakay sa isang bangka kasama ang isang bangkero papunta sa isang isla. Sa
gitna ng paglalakbay ay naisipan ng turista na makipagkwentuhan sa bangkero.
Turista: Kuya, marunong ka bang gumamit ng internet? O ng
computer?
Bangkero: Ay hindi po e.
Turista: Sinayang mo ang ilang taon ng buhay mo. Tsk tsk
tsk…
Pansamantala silang
natahimik. Maya-maya’y nagtanong ulit ang turista.
Turista: E kuya, marunong ka bang magmaneho ng kotse?
Bangkero: Hindi rin po. Mula pagkabata, tanging sagwan at
bangka lang ang nahawakan ko.
Turista: (Umiling-iling) Tsk tsk tsk…sinayang mo ang ilang
taon ng buhay mo.
Ilang minutong
katahimikan ulit bago muling nagtanong ang turista.
Turista: (Naglabas ng cellphone) Nakagamit ka na ba nito
kuya?
Bangkero: (sinipat-sipat ang hawak ng kausap) Hindi po pero
madalas akong makakita niyan sa mga pasahero ko.
Turista: (Medyo natawa) Hay kuya…sinayang mo ang ilang taon
ng buhay mo.
Maya-maya’y biglang napahinto
sa pagsasagwan ang bangkero. Napansin nito ang maliit na butas malapit sa
kanyang pwesto, dahilan para unti-unting pasukin ng tubig ang bangka.
Turista: Bakit kuya, may problema ba?
Bangkero: E sir, marunong po ba kayong lumangoy?
Turista: Ha? H-hindi e…bakit?
Bangkero: Tsk tsk tsk...sinayang nyo ang buong buhay nyo
(at mabilis itong tumalon ng bangka saka lumangoy)
-the end-
Comments
Post a Comment