"Earth's Biggest Secrets"
Kani-kanina
lang, kakwentuhan ko ang ilang nakatatandang kaibigan tungkol sa sikreto ng
tamang pagluluto. Katanghaliang tapat kaya ang topic e iba’t ibang klase ng
putahe. Ulam ng Pinas. Ibinahagi ng mga kasama ko kung ano-ano ang mga sikreto
at tamang pagluluto ng ilang ulam (partikular na ang menudo at dinuguan). At
dahil sa hindi naman ako eksperto sa larangang pang-kusina, umaayon at
nakikingiti na lang ako sa mga teknik nila kuno. Masayang-masaya naman kaming
nagpapalipas ng oras habang unti-unti naman akong nanlalambot sa gutom. Dahil
dun, nakapagluto ako ng dalawang pakete ng instant pancit canton at kumain ng ilang
piraso ng pandesal. Matabunan lang ang pag-crave sa sikreto ng masarap na
menudo at dinuguan.
Natutuwa
ako sa mga pagkakataong natututunan/natutuklasan ko ang sikreto ng isang bagay.
Katulad ng isang simpleng regalo tuwing pasko (hindi counted ang monito-monita!),
may dalang sorpresa at halong-halong emosyon ang isang bagay na nagsimula sa
hula, hanggang sa hindi inaasahang resulta. Maganda man o hindi ang resulta,
natapos naman nito ang panandaliang pag-iisip at manaka-nakang suspense. Pero
siyempre, depende yun sa hiwaga ng sikreto at laman ng regalo.
Nakapag-download
ako dati ng libreng e-book. Hindi ko na matandaan ang eksaktong title. Basta tungkol
ito sa maraming sikreto ng earth. Magmula sa pyramid, aliens, hidden codes at
saging. Oo, yung prutas. Ipinaliwanag nito ang misteryo sa likod ng dilaw at
pahabang prutas. Sa dami ng prutas sa mundo, saging lang ang kakaiba ang
alamat. Hindi daw kasi malaman ng mga eksperto kung saan at paano tumubo ang
saging gayong wala naman daw itong original na binhi o buto. Basta, magulo.
Parang alien na bigla na lang nagkaron ng papel dito sa mundo. O baka naman
export talaga ng mga alien to?
Sa
kasamaang-palad (at katamaran), hindi ko natapos ang nasabing e-book. Lumalalim
na kasi ang topic. May part na boring at puwede ng laktawan. Patalon-talon ako
ng chapter, lalo na kung hindi naman ako interesado sa topic. Yung tungkol sa
pyramid, sphinx at saging lang ako natuwa. Bukod dun, wala na. Inantok na ko.
Pabalik-balik
ako sa bookstore nitong mga nakaraang linggo para bumili ng libro (malamang,
bookstore e). Paulit-ulit lang din yung dialogue ng sales lady, “Ay sir, wala
pa pong stock…”. Para akong ex-boyfriend na
umaasa sa isa pang chance na walang assurance. Matagal ng nailabas ang isyu ng
libro pero hanggang ngayon, wala pa din akong sariling kopya. At sa paulit-ulit
kong pagbalik dun, ewan kung sinasadya ba o talaga lang maganda yung pwesto
nung libro kaya hindi ko maiwasang madaanan ng mata. “The Secret to Success”.
Interesting ang topic, at parang gusto kong bilhin. Ang kaso, hindi ko kaya
yung presyo. Pero sa isip-isip ko, magandang malaman kung paano maging
successful sa lahat ng aspeto ng buhay. Sino ba naman ang ayaw maging
matagumpay?
Pero teka,
kung marami na ang nakabasa at nakaalam nun, e di hindi na sikreto yun? Tama
ba?
Sa totoo
lang, walang kinalaman ang title ng blog na ito sa gusto mong malaman kung
anong sikreto meron ang mundo. Pinaganda ko lang para magpapansin at makaagaw
ng atenson. Inuulit ko, walang sikretong ibubunyag dito, lalo na yung Yamashita
treasure. Kahit pa ang tamang pattern ng numero sa lotto.
Naisip
ko tuloy, siya lang ba ang nakaalam ng ganung uri ng sikreto? Paano niya nasabi
na ganun talaga ang standard ng pagiging successful? Ano-ano ang nakain niya
kaya niya naisulat yun? Sawa na kaya siya sa pagiging successful kaya kelangan
na niyang i-share? At bakit ang mahal ng libro mo?
Sabagay,
hindi lang naman tungkol sa successful life ang nakita ko nang ibinibentang ‘sikreto’
sa tindahan ng mga libro. Magmula sa pagluluto, relasyon, pera, hayop, politika
at maging sa larangan ng musika, maraming tao na ang nagsiwalat sa mga bagay na
ewan lang kung may tropa silang anghel o genie kaya sila lang ang nakakaalam ng
ganung klaseng isyu. Hindi lang yan, mas mahal ang libro is equals to mas
matinding sikreto. Para bang sa oras na
masiwalat na ang totoong istorya ng isang mahiwagang bagay, magtataglay ka ng
kakaibang lakas o talino na ikaw lang---at marami pang iba na nakabili din ng
libro, ang maswerteng makakaalam. Kumbaga sa mga online games, level up. Pero hindi
ako sure kung magiging member ka ng X-Men.
Tanong
ko lang---sino ang unang adik sa mundo na nakaisip gumawa ng sikreto? Tungkol
saan ito? Kailan niya naisip sumikreto? Paano niya nasabing sikreto ito? At
bakit ang kulit ko na?
Hindi
yan masagot ng Google at Yahoo. Kung ano-anong recommendation ang lumalabas.
Hindi ko rin alam kung ano ang tamang query para masagot nila ang tanong kong
“Ano ang kauna-unahang sikreto sa mundo?”. Basta, samu’t saring isyu at topic
ang lumalabas na resulta. Hindi tuloy ako successful.
Tsaka
isa pa, masasabi pa bang sikreto ang isang bagay kung may nakaalam na?
Kung
tutuusin, puzzled pa rin ang maraming researchers kung paano ba talaga
nagsimula ang lahat. At isa lang yan sa hindi matapos-tapos na debate ng
science at religion. May sari-sariling teorya na hindi naman talaga natin alam
kung totoo dahil hindi pa naman uso noon ang internet at wikipedia. Hindi sapat
ang ilang ebidensya at masusing pag-aaral sa pinagmulan ng maraming bagay.
Nahaluan na lang ng mga salitang “a recent study shows that…” at ‘scientic
explanation’ kaya marami sa’ten ang sumang-ayon na lang sa mga bagay na wala naman
talagang assurance kung tama o mali .
Yun na
siguro ang sa tingin ko e pinakamalaking sikretong dapat matuklasan ng mga
taong nagpadalubhasa sa pag-aaral ng mga alamat. Kung paano talaga tayo
nagsimula. Hindi dahil sa sex kaya may human existence. Basta, hindi yun.
Mas
madalas kong madaanang channel sa cable tv ang history at discovery channel.
Bukod sa matututo ako, wala itong telenobela. May reality show man, may
mapapala naman ako. Anyway, maraming topic na ang inilabas na programa sa
nasabing channel ang medyo challenging intindihin at paglipasan ng oras. Gaya na lang ng hindi
matapos-tapos na espekulasyon at advance study tungkol sa pyramid at mga
aliens. Kanya-kanya ng version, kanya-kanya ng teorya at kanya-kanyang special
effects. Magulo. Parang sila mismo naguguluhan sa programa nila. Para kang nanunuod ng suspense movie na ang ending e
parang game shows. Maswerte ka kung mananalo ka o kung may makukuha kang pera.
In short, kung may mapapala ka. Ang dami-dami nilang sikretong pinagsasasabi na
ewan kung ano ang impact nito sa buhay ng tao. Sabagay, kung tungkol sa
Yamashita treasure yun, hindi na nila
yun ieere.
Hindi ba’t
sa ilang pelikula o kahit sa simpleng telenobela, malaki ang papel ng mga
secret-keepers? Eto yung mga karakter na magbibigay ng kulay at climax sa
walang kakwenta-kwentang telenobela na laging araw ng biyernes babanggitin at
ang sagot e malalaman ng lunes (o ilang araw pa!). Malaking bagay sa isang
istorya ang magbanggit ng lihim sa ngalan ng thrill at suspense. Pero ang mga
secret-keepers, madalas e hindi happy ending. Totoo yun, kahit hindi tungkol sa
politika at pork barrel scam.
Gusto kong
sisihin ang salitang ‘sikreto’ kung bakit gumugulo na ang mga textbooks para sa
mga estudyante, kabilang na ang milyon-milyon history na hindi lang sa Pinas
kun’di pati na ang moon o buwan. Bukod dun, sinisira nito o bine-brainwash ng
intrigerong sikreto ang maraming bagay na lalong nagpapatanga sa dapat sana’y
simpleng buhay. Pinalalala nito ang ilang usaping hindi naman necessity para
mabuhay ng matagal. Kung sikreto man ng pagiging imortal ang mabubunyag, e di
masaya. Pero dahil sa may salitang ‘balance’, hindi pa rin ako sang-ayon dito.
Kung fanatic
ka ng mga libro ni Dan Brown, alam mo na siguro ang pakiramdam ng makatuklas ng
ilang isyu na kahit hindi na sakop ng history ng Pinas e interesanteng malaman.
Yun na siguro ang masasabi kong matapang na awtor at
dapat-mong-basahin-ang-mga-libro-niya. Hindi dahil sa controversial o ano pa
man. Basta may matutunan ka lang, at sa tingin ko e ayos na ring malaman.
Sabihin
mo nga sa’ken, ano ba talaga ang napapala natin kung saka-sakali man makatuklas
tayo ng isang malupit na sikreto?
Kahit saan
ka tumingin, lahat ng yan may tinatagong sikreto. Tao, bagay, hayop--- lahat
yan may kanya-kanyang lihim. Yung kinakain at iniinom natin, yung mga programa sa
tv, yang hawak mong mamahaling cellphone, yang pinangkululay mo sa mukha mo,
yang suot mong mamahaling underwear---kanya-kanya ng sikreto yan. Lahat ng yan e
puwede mong gawan ng istorya para makagawa ka rin ng sariling mong sikreto. Saka
ka magbilang ng mahabang panahon para mas matindi ang rebelasyon sa takdang
panahon.
Hindi ako
galit sa mga secret-keepers. Hindi rin ako against sa maraming isyu na hanggang
ngayon e pinakaiingatang sikreto. Curious lang ako sa epekto nito sa buhay
natin. Gaya ng
sabi ko, ginugulo nito ang ilang bagay na mas okey ng wag ng pagsayangan ng
oras. Nagiging komplikado ang isang simpleng usapin na sana’y mag-stuck na lang
sa pagiging simple. Yung hindi na tayo mapa-puzzled. Sapat na yung mga salita,
ebidensya at teorya man kung paano natin pagagandahin ang buhay ng tao, nang walang
halong sikreto, na ewan kung bakit dapat iilan lang ang makakaalam.
Ikaw,
alam mo ba kung ano talaga ang tinatagong sikreto ni Victoria sa mga pabango
niya?
Comments
Post a Comment